Avich's POV
"Avich!" Rinig kong sigaw ni Mama na nakapagpagising sa diwa ko.
"Hoy bata ka, gumising ka na! Ano? Ayaw mo na naman magsimba? Naku sinasabi ko sayo…" patuloy sa pagdada si Mama habang pilit kong kinikimkim ang pagkairita ko sa kanya.
Tsaka mag..sim..ba.
Tsk. Isa pa to. Ayokong pumunta!
Pagalit akong bumangon sa higaan namin habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.
You might have wondered kung bakit ayaw ko magsimba. Wala lang. May mga panahon lang talaga na ayaw ko talaga magsimba. Yung mga panahong yun? Feeling ko kada Linggo. haha
Hindi ko na maalala yung huling na excite ako para pumuntang simbahan.
Padabog akong pumanaog sa bahay para maligo. I didn't took off my clothes kasi nakasanayan ko na maligo ng may suot. Aside from that, kurtina lang ang nagsisilbing pintuan ng cr namin.
Pagkatapos kong maligo, I went up to put on some clothes. Ang kaso nga lang I'm having a hard time choosing what to wear.
Poorita man kami pero marami pa rin akong pagpipilian when it comes to clothes or shoes. Marami kasing kakilala si Mama na nagbibigay sa amin ng dresses and shoes. For one my Tita Mary na nakatira sa Canada. Also, my Ninong’s and Ninang’s. Pag birthday or occasions naman, mostly dresses ang natatanggap ko. That's why I have a lot of laundry to wash.
When I finally found my outfit, my heart started beating fast, feeling excited upon wearing the said clothes. After putting it on, I put on light makeup and then inayos ko ang buhok ko pagkatapos.
"Avich?"
I turned to look at my mom who had this displeased-look on her face while looking at me.
"Ano yang suot mo? Ang iksi-iksi! Tsaka ang fitting pa! Hubarin mo yan! Diyos ko, mahiya ka naman!"
"Ano bang mali rito? Okay naman ah" sabi ko as I looked at myself. The dress fits my healthy curves though flat chested
is me, but I still have curves ano kayo! And yes maiksi nga siya ang dress oo. But isn't this norm nowadays?
"Naboang ka na? Sino bang pinag-aayusan mo? Gabiga-biga na ka?"
(tagalog translation: Nababaliw ka na ba? Sino bang pinag-aayusan mo? Lumalandi ka na?)
Hearing that, I turned to look at my mom feeling incredibly hurt at what she said.
"Ano? Kung hindi totoo, umayos ka. Wag mo ko tingnan ng ganyan. Magbihis ka na bago ka pa makita ng tatay mo." sabi ni Mama at umalis na.
I felt my eyes water at that.
Why can't I dress up the way I want to?? Nagsul-ob lang ug ing-ani, nagbiga na dayun?
(tagalog translation: Nagsuot lang ng ganito, lumalandi na agad?)
..
'We worship You!
Hallelujah, hallelujah
We worship You
For who You are'
Nagsimula na ang Musical Worship ng dumating kami sa simbahan. I saw some people clap their hands and others dancing while some of them just stood doing nothing. Mosty, I am the former. I would clap, sing and dance my hearts out. But because of what my mom said to me earlier, I had been pissed off so I just stood there as the people went on praising God.
I looked around at the musicians and then saw Levi among them. He looked concentrated at what he was doing. He is playing the sax with utter love. Walang bakas ng kayabangan o pasikat ang makikita sa kanya habang tumutugtog. It made me admire him more. Mostly, I would gaze at a man or even a woman longer when I feel fascinated by them and decide to play a gazing game at them. But for some reason, I didn't feel like doing that with Levi. It feels like he's the kind of person I shouldn't play around with. That I shouldn't play with like the stranger sa jeepney.
Now, that's a first.
….
"Mga kaibigan, sino po ba ang hari sa ating mga puso?" tanong ng senior pastor namin. Nagsimula na kasi ang preaching after sa Musical Worship.
I yawned, feeling sleepy all of a sudden.
"Madali lang malaman ito. Sino bang sinusunod mo pag may ginagawa ka? Sino bang kinukunsulta mo bago ka gumawa ng mga desisyon? Nanay mo? Tatay mo? Sarili mo? O ang Diyos?"
My eyes felt heavy making me blink and blink just to stay awake.
"Surely, ang Diyos ang sinusunod natin di ba mga kaibigan? Because we proclaim Jesus as our Lord, right?"
Damn it, I'm really sleepy.
"But sometimes in our Christian walk, we only say the words with our mouths but it is not evident with our actions. Because we say we love God but we do what He despises most of the time. It does not align with what we proclaim at all."
Hindi ko na nakayanan ang antok at pinikit ko nalang ang mga mata ko.
"Wag niyo isiping pinaparinggan ko kayo ah. Pero bato-bato sa langit, ang matamaan wag magalit."
Narinig kong tumatawa ang mga tao dahilan ng pagkamulat ko ulit.
Damn, anu yung sinabi ni Pastor?
Natapos ang sermon ng pa on and off ang attention ko. When the whole service was done, I was just going to go home with my parents when my mom reminded me about the sax lesson with Levi.
Shocks, ngayon pala yun.
Binigyan ako ni Mama ng pang lunch tapos umalis na sila ni Papa. Pagkatapos kong kumain ng lunch sa malapit na karenderya sa church, nanood muna ako ng anime to pass time. Hindi pa kasi 1pm. Buti nalang at may wifi sa church. Available kasi ito sa mga volunteers ng church like the Musical Team and Production team. Dahil dun, makakatipid ako ng load.
Sometime later, I heard someone call my name which made me look up to them. When I did, it turned out to be Levi. I felt nervous all of a sudden but I didn't let it show.
"Avich, sasali ka sa sax lessons, di ba?"
Marunong pala tong magtagalog? Akala ko nag eenglish lang to.
Tinanguan ko lang siya.
"Nice. Nice. At least may estudyante pala ako. Tara sa AVR." sabi niya tapos naglakad na.
Ha? Atleast may estudyante pala ako? Kung ganun ako lang yung estudyante niya? Mygad!!
Sumunod ako sa kanya kahit kinakabahan ako. Nang makarating kami sa AVR, mas lalo akong kinabahan kasi naconfirm ko na ako lang pala talaga ang estudyante niya.
Shocks, ang cliche ah. Parang nasa telenobela lang? Alone with your crush? Ganun? Oh well, here goes whatever!
I sat on a chair while Kuya set up everything needed for the lesson. Afterwards, he started the lesson with a prayer and then proceeded with the discussion. He first introduced to me the parts of the sax. Then he told me how to hold the sax properly para hindi mangalay.
"So, you hold it like this para hindi ka madaling mangawit at para maganda ang tunog na iyong mapoproduce." sabi niya as he did the gestures.
While he was doing it, I noticed on his chest part, (open kasi ang first and second button ng polo niya) that he has the same skin type as mine. I didn't particularly like that part. Gusto ko kasi yung pang korean. Like Lee Min Hoo, or Lee Jung Suk or Jang Geun Suk. Hays.. Gusto ko tuloy manood ng korean..
Smooth pa rin naman ang skin niya kaya pasado na.
Naku, ano bang ginagawa ko! Magtigil na nga..
Kuya Levi then told me to try holding the instrument. At first, I thought it would be bad. Most especially dahil kinakabahan ako. But then I was surprised when I got it right the first time. Masaya man ako pero medyo sayang ang pagkakataon dahil hindi ako nahipoan ni Levi sa kamay o sa shoulders man lang gaya ng sa telenobela. Pssh
"Nice, nice. Ang bilis mo nakuha ah."
"Baka sa paghawak lang, Kuya." sabi ko para pagtakpan ang hiya ko. Hindi kasi ako sanay makarinig ng compliment. Lalo na kung galing sa crush ko. Crush ko na pro!
Tumawa lang siya sa akin. "Hindi. Sure ako you were made to play sax. Ako, I didn't immediately learn how to hold it. Kailangan pa akong alalayan ng teacher ko nun para lang makuha ko ng maayos na paghawak nito."
Talaga? May pag-ibig kayang nabuo dahil dun?
"Okay, next I will teach you the scale."
Nagpatuloy ang lesson namin at wala namang masyadong nangyari. Pero natuto akong magplay ng isang song. Hindi masyadong ganun kaganda pero atleast alam ko na maski basics lang.
At Least I’ve accomplished something today..
Monday morning came and I walked with my father papuntang sakayan. Pagkatapos ko kasing sabihin kina mama yung nangyari sakin nung huli, napag desisyunan nilang dapat samahan ako ni Papa pag naglakad ako papuntang sakayan. Nung narating namin ang sakayan ay nagpaalam na si Papa sa akin na siyang pinagpapasalamat ko. Ang awkward kasi pag kasama ko si Papa. Di kasi kami close.
Habang nakatayo ako sa sakayan ay panay ang tingin ko sa mga nakamotor. Ayaw ko man aminin pero parang nagbabakasakali akong makita si Levi. Nagmomotor din kasi siya. Nababaliw na yata ako sa kanya. Chos!
Matapos ang ilang minuto ay biglang may motor na huminto sa harapan ko. Nang hinubad niya ang helmet niya ay napanga-nga nalang ako sa nakita ko.
" Hi Avich. Sabay ka na sa akin." sabi niya with matching smile pa.
Levi?!
....
I wrapped my arms around Levi's waist as we rode on his motorcycle. As I did, I leaned on him closely at inamoy ko siya.
Gosh, ang bango niya!
Levi Hudson.
Levi Hudson!
My ultimate human crush is with me! At hindi lang yun, nakasakay pa ako sa motor niya na may kasamang ultimate yakaaaap!! AHHH!!
May igaganda pa ba sa araw na 'to?
"Avich, we're here."
Gosh, alam niya rin kung nasaan ang school ko?!
Minulat ko ang aking mga mata dahil nakapikit ako all the way, sinusulit ang moment na pwede kong mayakap siya. Pero nang dumilat ako, mukha ni Vella ang nakita ko.
Ay kabayo!
"Milagro, di ka nagbabasa ng novel ngayon. Natutulog ka pa." sabi niya which made me turn my face on the other side kasi nakakabad trip siya!
Panira ng daydream. Hmmp!
"Or nagtutulog-tulogan?"
"Leave me alone" sabi ko dahil nabisto ako ng babae.
I wasn't actually sleeping. Mas maganda lang talaga para sa akin ang magdaydream while nakapikit. Plus, hindi ka nagmumukhang tanga pag ganun.
"Avich."
"Ano?" sagot ko ng may padabog sa boses ko.
"Anong ganap mo? Milagro di ka nagbabasa ng novel mo ah. Puyat ka ba talaga kaya ka nagtulog jan? Bakit? Ano bang ginawa mo kagabi?"
Hindi ako nagpuyat kagabi. Nagdede-daydream lang ako. Tch. Pero as if naman sasabihin ko sayo yun.
"Go away."
"Ano nga? Di kita titigilan hangga't di mo sinasabi sa akin. Uy.." sabi niya sabay yugyog sakin.
I rolled my closed eyes and said. "Why would I tell you? Friends ba tayo?"
"Ay grabe. Balik nanaman tayo jan? Sinabi ko na sayo. Kaibigan kita kahit hindi ganun ang turing mo sa akin."
Shunga din tong babaeng 'to. Would I allow you to stay by my side for a couple of years kung hindi kita itinuring na kaibigan?
"I don't want to talk to you."
"Aviiiichh" pabebe niyang sabi.
"Dun ka kina, Flora. What are you doing disturbing me?" I said which made me open my eyes.
Shoot! I wasn't supposed to say that!
But it's too late now because ang natahimik bigla na si Vella ay nagsalita na. "Wha.. Nagseselos ka ba sa kanila?"
I closed my eyes again as I thought what an idiot I am.
"Forget I said it." I said tapos tumayo ako.
Pero pinigilan ako ni Vella which made me take action at sinubsob ko ang mukha niya sa arm chair malapit sa kanya. Pagkatapos nun ay tumakbo ako palabas ng classroom.
"AVIIICH! Bumalik ka rito! Walangyang babae ka!" rinig kong sigaw niya habang sinusundan ako patakbo.
Tawa naman ako ng tawa habang tumatakbo sa koridor. Palingon-lingon din ako tinitingnan kung malapit na ba akong maabutan ni Vella. Patuloy ako sa ganung gawain ng bigla akong may nabangga.
"Sor-" Natigil ako sa pagsasalita nang makita ko kung sinong nakabangga ko. Paano ba naman kasi, he's my crush from another section!
As I looked into his eyes, a mischievous thought came into my head. Hmm.. That sounds like a good idea!
He was just gonna open his mouth, surely to say something to me when I gave him my most charming smile and said to him, "Hi crush!"
Napanganga yung cute dude which made me cheer loudly in my head. Mission success! hahaha Pagkatapos nun ay tumakbo ulit ako dahil naramdaman kong papalapit na si Vella sa kinaroroonan ko. Ang sarap talaga makaramdam ng ganung thrill! Haha I wonder kung pang-ilang crush ko na yung cute na dude na yun. Pero wala pa ring tatalo kay Levi Hudson!
…
Time flies by and I am now in Senior Highschool. Masaya man ako to move forward, pero malungkot din dahil hindi kami pareho ng school ni Vella. It made me think na baka wag nalang ako makipagkaibigan this year. Baka kasi maghiwalay na naman kami pagkatapos ng Senior High. Not that I wanted Vella to be my friend in the first place. She was the one who approached me first after all.
Nakaupo ako sa aking upuan habang naghihintay sa susunod naming teacher. Sa paligid ko, kanya-kanyang chikahan ang mga kaklase ko. Ako lang ang walang kausap. Yung seatmate ko naman nangibang bayan, nagchichika dun sa isang kaklase naming close friend niya. So technically, I'm a loner right now. Okay lang naman sana kung hindi lang ako bored. Nagiba kasi ang phone ko kaya wala akong mapaglaruan. Kaya heto, I'm bored to no end.
Sigh..
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang phone ng seatmate ko na nasa arm chair niya. We're not that close but we talk sometimes so I decided to ask her if I can borrow her phone.
"Pwede pahiram ng phone mo?" I asked her, interrupting her talk with her close friend.
"Sige. Nasa arm chair ko lang."
I went back to my seat at kinuha ang phone niya. Then I scrolled on her phone lazily and found her camera. I took a selfie and thought, ang ganda ng kuha! Para akong artistahin rito. haha So I kept on taking pictures of myself until sa magsawa ako.
I scrolled on through the pictures of myself and was entertained for a bit. When I was done looking at all my selfies, I suddenly thought na baka may nadownload siyang movie o ano. So I went on her video file and jackpot! There was one!
I clicked on it and then I saw two people there on the screen. A man and a woman. Close to them was a bed.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling as my heart starts beating fast.
At surely, hindi ako nagkamali sa naramdaman ko kasi turns out, p**n video pala ang natagpuan ko.
I feel like I should stop the video before it goes to something I should never watch, but it was too late. There was already an unseen chain that binds me. And I was powerless to break it off.
Not that I want to break it off either.
Nasa kalagitnaan na ako ng video nang dumating ang teacher namin kaya pinatay ko na ang video. Nang pinatay ko yun bigla kong gustong masuka. Ang weird nito.
..
Nang makauwi ako sa bahay, humiga ako agad at tumingin sa kisame. Wala akong particular na iniisip pero biglang nasagi sa isip ko yung pinanood kong p**n video kanina. Nakaramdam ako ng pagkahorny doon. Sa totoo lang di ko naman siya ginagawa araw - araw. Mga once a month siguro.
Maybe naniningil ngayon ang katawan ko kaya siguro dapat pakainin ko na.
Habang ginagawa ko siya iniisip ko yung favorite anime ko kaya mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko..
…
Sunday came and as usual, late na naman kaming dumating. Hindi kasi ako masipag gumising ng maaga pag hindi ako inassign sa Musical Worship. Si Mama naman, medyo pareho lang kami. Pero buti naman at naabutan pa namin ang musical worship kahit na sa slow songs na lamang ito.
'Here I am to worship
Here I am to bow down
Here I am to say that
You're my God'
I sang along with the people singing to the Lord while closing my eyes and tried to get a feeling out of it.
'You're altogether lovely
Altogether worthy
Altogether wonderful to me'
As I continued singing the song, I suddenly remembered what I did nung isang araw. Dahil dun, nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Habang nararamdaman ko yun, may narinig akong boses na nagsasabing,
'Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Pagkatapos nung ginawa mo kumakanta ka sa Diyos?'
I immediately opened my eyes at that.
'Tingnan mo iyong paligid. Sa tingin mo ba nababagay kang maging kasapi nila kung ang dami mong itinatagong kasalanan?'
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ng boses na yun, bigla na lang bumaha sa kin ang ala-ala ng mga naging kasalanan ko.
Sexual imaginations.
Sexual sin.
Watching p*********y. Male to female pair, gay pair and lesbians. Even though I used to hate gays but lesbians are fine. One day, bigla ko nalang nakita ang sarili kong nakatingin na pala sa mga bagay na hindi ko dapat tinitingnan.
I stood frozen from where I am and felt how dirty I’ve become.
Hindi ako bagay dito. Hindi ako bagay dito. Dapat umalis na ako rito at wag nang bumalik pa..