GULAT ang unang rumehistro kay Isabella nang magising siya. Napakunot ang noo niya nang mapansin na kulay abo ang pintura ng kuwarto. Nasisiguro niyang hindi ito ang kanyang kuwarto dahil baby pink ang pintura ng kanyang kuwarto. Pero kaninong kuwarto ito? Kinusot niya ang kanyang mata bago siya bumangon. Noon niya napansin na naka-pajama pala siya samantalang bestida ang suot niya kagabi. Sinong nagbihis sa kanya? Kaninong damit ang suot niya? Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto. Iisa ang kulay sa buong kuwarto mula sa wall, ceiling, hanggang sa flooring. Tanging cabinet, bookshelf, at kurtina ang naiba ang kulay dahil puti ito. Walang pagkakakilanlan ang may-ari ng kuwarto dahil wala ni isang picture na nakasabit o nakapatong man lang sa mga gamit. Malinis din ang pader dahil

