“HOY, ISABELLA! Ang daya mo talaga! Hindi ka na naman pumunta sa party noong Friday. Kami lang naman ni Katherine ang naroon,” bungad ni Jade nang salubungin siya nito pagdating niya sa kanilang classroom. Napalabi si Isabella. “Nandoon ako sa party pero hindi lang tayo nagkita,” katuwiran niya. “Ows? Totoo ba iyan? Bakit hindi ka namin nakita?” usisa naman ni Katherine. “Ah, kasi…” Hindi malaman ni Isabella kung paano magpapaliwanag sa mga kaibigan. Siguradong magagalit ang mga ito kapag sinabi niyang nagkita sila ni Richard sa party. Pero ano ang puwede niyang idahilan sa kanila kaya hindi siya nakita ng mga kaibigan niya ng gabing iyon? “Kasi ano? Hindi ka naman talaga pumunta. Nagsisinungaling ka lang sa amin na pumunta ka,” sabad ni Jade, Napangiwi si Isabella. “Totoo ang sinasab

