“TULUNGAN n’yo nga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko,” sabi ni Isabella sa mga kaibigan. Katatapos lang ng klase nila ng oras na iyon. Kaya sabay-sabay silang naglalakad sa hallway. “Bakit? Ano bang problema mo?” usisa ni Jade. “Kasi wala si Mang Romy. Kasama siya nina Mama at Papa na pumunta ng Manila kahapon pa. Hindi ko alam kung kailan sila babalik. Kaya simula kaninang umaga hanggang sa mga susunod na araw, magko-commute ako sa pagpasok,” paliwanag ni Isabella. Nagkatinginan sina Jade at Katherine. “Aw! Kawawa ka naman pala. Paano ka niyan bukas? Alas-singko ang schedule ng defense natin kaya malamang alas-sais na tayo matatapos. Kaya mo pa bang mag-commute sa ganoong oras, ha?” tanong ni Katherine. Napailing si Isabella. “Iyon na nga ang problema ko, eh. Ngayon pa nga lang na ma

