“S-SORRY, I got carried away,” nagkakamot ang batok na wika ni Richard. Panay din ang buga nito ng hangin habang nakatingin kay Isabella. Samantalang hindi malaman ng dalaga kung paano sasalubungin ang titig ng binata. Gusto niyang murahin ang kanyang sarili. Ngayon lang sila nagkakilala pero pumayag na siyang mahalikan nito. But the worst thing is, she kissed him back. Atat na atat na ba siyang magka-boyfriend kaya pumapayag siyang mahalikan na lang ng kung sinong lalaki? Aaminin niyang attracted siya kay Richard dahil napakaguwapo nito bukod pa sa matangkad at maganda ang pangangatawan. Pero hindi lang naman iyon ang basehan para magkagusto ang isang babae sa isang lalaki. Dapat sana pinigilan niya ito kanina. Ano na lang ang iisipin nito? Na easy to get siya? Na baka kapag inaya siy

