“DIYAN tayo sasakay?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Isabella nang makitang huminto si Richard sa harap ng isang motorsiklo. “Oo. Ayaw mo ba?” seryosong tanong ni Richard. “Ah, okay lang naman. Pero hindi ko lang talaga ini-expect na iyan pala ang sinasabi mong sasakyan,” napapailing na sagot ni Isabella. Napa-buntunghininga si Richard. “Pasensiya na. Ito lang kasi ang available na sasakyan ko ngayon. Hindi naman kasi sinabi ni Derrick na dito pala kami pupunta. Kung alam ko lang na magkikita pala sila ni Genevieve sana ibang sasakyan ang dinala ko.” “May iba ka pang sasakyan?” interesadong tanong ni Isabella. “Mayroon akong kotse at SUV. Hayaan mo sa susunod iyon ang dadalhin ko kapag dadalawin kita.” Napataas ang isang kilay ni Isabella sa sinabi ni Richard. “Dadalawin mo u

