“YOU’RE no fun! Hindi mo ba ako sasamahan dito? Ang sarap ng tubig.” Nginitian lang ni Cathellya si Seth na tuwang-tuwa sa tubig. “`Sabi ko naman sa `yo, dapat isinama na lang natin mga kakambal at pinsan mo para hindi ka diyan nag-iisa. Alam mo namang hindi ako mahilig lumangoy.” Abala siya sa sketch pad niya. Naglatag sila ng blanket sa ilalim ng mayabong na puno. Nakasandal siya sa puno at paminsan-minsan ay sinisilip si Seth. Kinakausap niya ito upang hindi sila gaanong mabagot. May palagay siya na sa Mahiwaga inspired ang setting ng nobela ni Ate Anne kaya inspirado rin siyang gumuhit doon. The novel was about fairies and other magical creatures in the forest. Halos hindi niya namamalayan na si Seth na ang iginuhit niya para sa mukha ng prinsipe ng kagubatan. “Patingin nga ako ng g

