“SAAN ka pupunta?” Nilingon ni Cathellya si Seth. Palabas na siya ng villa upang sumama kay Kuya Eduardo. Magha-harvest ito ng mangga sa isang baryo sa Mahiwaga at nagboluntaryo siyang sumama dahil wala siyang ibang gagawin sa villa. Tinawagan na niya ang direktor ng foundation upang sabihin na magtatagal pa siya sa probinsiya. Ang mga tungkuling kailangan niyang gampanan ay inako na raw ni Celine. Hindi niya gaanong nakakausap ang kaibigan niya dahil labis siyang nagi-guilty. She was betraying a dear friend. Wala na ngang relasyon ang dalawa ngunit siya higit kanino man ang nakakaalam kung gaano kamahal ni Celine si Seth. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin dito ang sitwasyon nila. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa paraang maiintindihan nito. Sana ay hindi ito masaktan o

