SA PALAGAY ni Cathellya ay noon lang tumimo sa isip niya ang sitwasyong kinasuungan nila ni Seth. Tuluyan nang nagbago ang takbo ng mga buhay nila. “Bakit mukha kang shocked diyan? Kung handa kang gawin ang lahat para kay Lola dahil sa malaking utang-na-loob, kaya ko ring gawin ang kahit na ano para sa ikaliligaya niya dahil lola ko siya at dahil mahal ko siya. Hindi ka na dapat nagulat sa desisyon kong ito. What, you expect me to break her heart? Sa palagay mo ay matatagalan kong makita siyang matamlay dahil sa `kin?” Hindi niya alam ang sasabihin kahit na napakaraming tanong na tumatakbo ngayon sa isip niya. Ang totoo ay nagtungo siya roon upang kumbinsihin ito na pagbigyan ang matanda. Hindi niya akalain na hindi naman na pala niya ito kailangang kausapin pa. Tila kasi nakatatak na sa

