CHAPTER 7 Third Person POV Sa ilalim ng puno ng akasya, nakatayo si Keira. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay tila sinadyang tumama sa kanyang mukha, nagbibigay liwanag sa mga matang puno ng damdamin at tanong. Tahimik ang paligid, tanging ang marahang ihip ng hangin ang naririnig na naglalaro sa mga dahon ng punong iyon. Mula sa di kalayuan, nakita ni Yellix ang kabuuan ni Keira. Para siyang isang obra na ginawa ng isang pintor—bawat detalye ay perpekto, bawat galaw ay may kahulugan. Hindi niya maipaliwanag, pero tila hinahatak siya ng hindi maipaliwanag na pwersa palapit sa kanya. Ang mga hakbang ni Yellix ay mabigat ngunit sigurado. Ang kaba sa kanyang dibdib ay parang kulog na nagbabadyang pumutok anumang oras, pero ang puso niya ay nagsusumigaw ng isa lamang: si Keira. "Keira...

