MUTYA POV Huminto ang makina ng sasakyan sa gilid ng bangin. Tahimik ang paligid. Tanging hampas ng hangin at lagaslas ng mga dahon ang naririnig. Walang ilaw, walang bahay malapit. Parang mismong langit sinadyang gawing saksi ang dilim. Nasa likod si Jarel nakasilid sa sako. Wala na siyang buhay. Wala na ang ingay niya. Wala na ang yabang niya. Pero ang bigat sa dibdib ko, nandoon pa rin. Tumingin sa akin si Boss Monching. Hindi siya nagsalita. Tumango lang. Hinawakan ko ang sako. Mabigat. Hindi dahil sa katawan. Dahil sa lahat ng alaala. Sa lahat ng sugat. Sa lahat ng sigaw ko noon na walang sumagot. “Tapusin na natin ‘to,” mahinang sabi ko. Sabay naming ibinaba ang sako. Unti-unti itong gumulong sa gilid ng bangin hanggang sa tuluyan nang lamunin ng dilim sa ibaba. May k

