JAREL POV Ang lamig yun ang unang naramdaman ko pagmulat ko ng mga mata. Parang may nagyakap na yelo sa buong katawan ko. Nang gumalaw ako, saka ko lang napansin na nakagapos ako sa isang bakal na upuan pulso, paa, pati dibdib ko may nakatali. Ang ilaw sa kisame ay kumikindat-kindat, at bawat kisap nito ay parang nagbibilang ng natitirang oras ko sa mundo. “Finally, gising na ang prinsipe ng kadiliman.” Boses ni Monching. Napalingon ako sa kanan. Naroon siya, nakasandal, parang nanonood lang ng sine. Sa kaliwa ko naman, dahan-dahang lumitaw si Luningning este, hindi pala. Mutya. Nakangiti. Pero hindi iyon malambing na ngiti. Ngiting may bagyo. “Good morning, sunshine,” wika niya, sabay tapon sa mukha ko ng malamig na tubig mula sa timba. “A-ARRGHH!” napangiwi ako. Parang ginawang ref

