THIRD PERSON POV Lumipas ang ilang araw matapos ang malamig ngunit matatamis na sandaling iyon sa OTTS Bar. Sa ibabaw ng katahimikan, may mabigat na bagyong nakatago. Tahimik ang gabi, ngunit may mga taong hindi natutulog mga taong may baong galit, sugat, at alaala ng mga sigaw na hindi pa nababayaran. Sa isang condominium sa lungsod, nakaupo si Jarel sa sofa. Wala siyang kamalay-malay na nagbibilang na ang orasan ng tadhana niya. Pagod ang mukha niya, pero hindi iyon pagod sa trabaho pagod iyon sa pag-iwas sa konsensya. May mga gabing nananaginip pa rin siya ng mga bangungot ng mga mukha ng taong nasaktan nila. Kapag dumidilim ang paligid, parang may bumubulong sa tenga niya, may mga matang nakatingin. Pero kagaya ng dati, itinulak niya muli ang takot sa gilid. “Wala ‘yon. Tapos na ‘y

