DARNA POV Grabe talaga, besh, hindi ko alam kung love story ba ‘to o live concert ng mga pusa sa bubong sa sobrang hiyaw ng puso ko. Ako na nga ‘yung third wheel, pero feeling ko ako ‘yung pinaka-kilig sa lahat. As in, ako na mismo ang audience, ako pa rin ang commentator. Self-contained show, ganern! Nakatapat ako kina Mutya at Fafa Sev. Aba, nagtititigan pa silang parang teleserye sa hapon. Yung tipong may slow motion, may hangin, may lip gloss, may background music na “Tadang-tadang-tadang!” sa utak ko. “Grabe ‘yung love ng dalawa,” bulong ko pero lakas pala ng boses ko. “Ako ‘yung kinikilig dito!” Napatingin sa’kin si Mutya. “Hoy Darna, tahimik ka lang diyan,” sabi niya pero naka-ngiti naman. Alam kong kinikilig din siya. “Hindi ko kaya, girl,” sagot ko. “May allergy ako sa mga n

