RONAN POV Apat na araw na mula nang bumalik kami sa Pilipinas, at ngayong gabi, ramdam ko ang pagkabagot na parang kumakain sa loob ko. Alas-diyes na ng gabi. Mainit ang hangin. Mabigat ang lungsod. Parang may humihila sa’kin palabas ng mansion isang bulong na hindi ko maipaliwanag. Narinig ko sa kung saan na sikat daw ang OTTS BAR. Uso. Mainit. Puno ng ingay. Eksakto sa hinahanap ko distraction. Pagpasok ko pa lang sa bar, sinalubong na ako ng hiyawan. Hindi ‘yung tipong masaya lang kundi ‘yung magaspang, magulo, halos nakakabingi. Ilaw na kumikislap. Usok. Pawis. Amoy ng alak at gabi. Umupo ako sa bar counter. “Tequila,” sabi ko sa bartender, diretso ang tingin sa salamin. Isang tango. Isang baso. Isang lagok. Sa stage, may sumasayaw. Hindi ko pa tinitingnan nang maigi. Abala ako

