MUTYA POV Hinabol ko ang lalaki sa parking lot ng OTTS Bar, ngunit pagdating ko, wala na siya roon. May inaninag lang akong itim na sasakyan, at ilang segundo lang, umalis na ito sa kalsada. Napalitan ang tensyon ng init ng galit sa dibdib ko. Alam ko sa sarili ko hindi iyon basta-basta naramdaman ko ang aura ng kasamaan. Pumasok ako sa bar muli, at habang naglalakad, si Darna, ang kaibigan kong bakla, ay lumapit sa akin. “Girl, sino ang hinabol mo kanina?” tanong niya, kumikislap ang mga mata sa curiosity. Walang emosyon sa mukha ko. “Wala… familiar lang kasi. Baka maling mata lang ako,” sagot ko, maikli. Hindi na nagtanong pa si Darna. Alam niyang hindi puwede pang itulak ang mga sagot ko kapag ganito ang mood ko. Lumipas ang umaga, at dumating ang gabi. Day off ko ngayon, kaya nag

