CHAPTER 38

1171 Words

MUTYA POV Umuwi ako na parang hinihila ang kaluluwa ko pabalik sa katawan. Humahagibis ang big bike sa madilim na kalsada, pero ang ingay sa ulo ko mas malakas pa sa makina. Limang taon. Limang taon ng bangungot, dugo, sigaw, at katahimikan pagkatapos. Akala ko manhid na ako pero hindi pala. Hindi kailanman mawawala ang bigat. Pagdating ko sa OTTS Bar, patay ang ilaw. Sarado. Tahimik. Doon ko lang naalala may sakit si Boss Monching. Dahan-dahan akong pumasok sa emergency door, sanay na sa likod ng entablado, sa amoy ng alak at pawis na kumapit na sa balat ko simula pa noon. Isinara ko ang pinto. “Mutya.” Parang may humila sa dibdib ko. Nakita ko siya. Si Boss Monching. Nakaupo sa hagdan, hawak ang tuwalya sa balikat. Maputla, halatang may sakit, pero ang mga mata niya gising na gisi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD