WARNING

2555 Words
"NARINIG ko kayo. Pinag-uusapan niyo na na iiwan mo 'ko dito—hindi puwede! Sasama ako sa opisina mo huy, wala naman akong gagawin dito!" defensive tone na sambit ni Tangi sa bilyonaryo. Aba, alam din naman niya na ang isang kalokohan ay dapat na tapalan kaagad ng smooth na solusyon para makalusot ka nang maayos! Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. "Wala kang gagawin dito? At sa tingin mo ay may gagawin ka sa office?" "Wala rin." "See? Then why don't you just stay here, may entertainment room dito, makakapanood ka ng paborito mong K-drama nang walang istorbo—" "Makabayan ako, hindi ako tumatangkilik sa mga Koreano," udlot niya sa sinasabi nito. "May iba namang lahi na may palabas din na mapapanood mo rin do'n." Umiling-iling siya. "Hindi pa rin. Basta mas gusto kong sumama. Tutal ay ikaw ang nagdala sa 'kin dito, kargo mo na dalhin ako kung saan ka naroon." Saka nakapamewang niyang turan dito. Thorn smirked. "Ang sabihin mo, gusto mo lang ng Pinoy." "Huh?" Nagtawanan ang mga bodyguards ng tukmol. '"Pinagsasasabi mo?" Kandaduling si Tangi nang walang sabing ilapit ni Thorn ang sariling mukha nito sa kaniya. "Ang sabi ko, Pinoy na nasa harap mo ang gusto mo kaya ayaw mo sa ibang lahi." "Eh? Siguro nga… Pinoy na may pagkatanga!" "Ouch!" hiyaw ng bilyonaryo—tinapakan lang naman niya ang paa nito. Hindi kasi ito aware na naamoy na niya ang hiniga nito dahil sa pagkakalapit ng mga mukha nila kanina! "Type ka naman pala ni Ms. Tangi, Bossing!" Tatawa-tawang buska rito ng mga tauhan. "Shut up! Hindi ako tanga, nagkataon lang na hindi ko natunugan na tatapakan mo 'ko," anang bilyonaryo sa kaniya. Siya naman ay napaismid na lang. "Whatever! Gagayak na 'ko." Dinuro niya ito, "'Wag kang magtatangka na iwan ako, susundan pa rin kita kapag nagkataon," banta niya rito. Walang nagawang tumango naman ang binatang bilyonaryo. "May mga damit sa closet, check mo na lang, pinabili ko 'yon sa secretary ko," bilin ni Thorn nang makatalikod na siya. "Oo na!" Kahit hindi naman nito iyon sabihin ay na-check niya na iyon kagabi pa. Inaaasahan na rin kasi niya ang mga pinabili nito at bilyonaryo kasi nga ang tukmol. Saka, hindi siya pinakuha nito ng gamit sa bahay niya't basta na lang siya tinangay. Iyon na nga—basta lang siya tinangay nito kaya magdusa ito na naroon siya. Hindi pa niya alam kung paano mas mapagdurusa ang bilyonaryo, pero may salita naman na 'not now, but soon', kaya mag-abang na lang ito sa susunod na mga kabanata. *** SI Gianna Harmonica ang top selling ambassador sa bansa. Kilala ni Tangi ang babae. Pagpasok sa office building ni Thorn ay makikita ang mga past achievements ng brand endorser. Kilala niya na rin si Crey Acostal—maraming beses na naging bisita noon ng manager ng beerhouse nila ang negosyante. Long hair si Acostal, maganda ang taas, tindig at ngiti. Base sa narinig niyang pahapyaw na pag-uusap ng mga bodyguards ni Thorn at ng lalaki ay kakompetensya pala nito si Acostal. Kung sabagay ay pareho ngang mga negosyante kasi ang mga ito. "Sabihan mo sila na mag-prepare para sa meeting mamaya. Ten sharp," bungad ni Thorn sa babaeng nagre-retouch pa naman nang dumating sila. "Noted, Sir Thorn." Nakatayo naman kaagad ang sekretarya kahit nagulat sa pagdating nila. Pagkatapos ay bahagyang yumukod ito bilang paggalang sa boss nito. "Mag-warning ka sa department kung saan dapat isisi ang kapabayaan na 'to, Rachel," muling wika ni Thorn sa secretary. Halatang naaligaga naman sa utos ang babae. 'Opo' lang ang sinagot saka nataranta na sa kung ano ang sumunod na ginawa sa sariling mesa nito. Naawa siya sa sekretarya kaya bago sila pumasok sa isa pang pinto sa loob ng opisina na iyon kung saan nasisiguro niyang naroon ang office ni Thorn ay binalikan niya muna si Rachel, binigyan niya ito ng chocolate bar. "Chill ka lang, mag-chocolate bar ka muna," ani Tangi sa sekretarya. Wala lang, gusto niya lang na kumalma ito dahil wala namang nakakatakot sa boss nito. Siya na ang bahala, ililigtas niya ang mga empleyadong kinakabahan na kay Thorn sa mga oras na ito. *** "THORN," untag niya sa lalaki nang pumasok na siya sa opisina nito. Hindi siya pinansin ng bilyonaryo kaya naupo na lang si Tangi sa harap ng mesa nito. "Busy ako. Kung may kailangan ka ay maaari kang magsabi kay Gerson," ani nito sa kaniya. Busy-busyhan nga ito sa kung anong mga papel na nasa harap nito. "Hindi e, sa 'yo ko dapat na sabihin 'to," tugon ni Tangi. Hindi naman sa nilalakasan niya lang ang loob niya, sa kaseryosohan kasi ng facial expression ni Thorn ngayon ay parang aatras talaga ang kahit na sino. Siya naman ay may matinding hangarin at pangangailangan lang kaya nagsasalita siya ngayon kahit ganoon ang mood nito. Saglit naman na sinulyapan siya nito. "Then spill it, Tangi. Ano ba 'yon?" "'Yung—yung si Gianna Harmonica, kilala ko kasi 'yon…" Nakangiwing panimula ng dalaga. "Wala namang hindi nakakakilala sa kaniya. Lalo ang mga babaeng tulad mo. She's a brand ambassador of skin care products and slimming coffee of this company." Neutral naman ang tono ng bilyonaryo pero halatang cold. Talaga sigurong malaking kawalan dito ang endorser na si Gianna. Kawalan sa negosyo nito. "Walang hindi nakakakilala sa kaniya dahil isa siyang endorser na artista." "Right, Tangi." "At malaking kawalan siya sa 'yo dahil nakuha siya ng katunggali mo sa negosyo," paggatong niya sa kasalukuyan estado ni Thorn. Tinigil ng huli ang ginagawa. Saka siya seryosong pinagmasdan nito. "Tangi, hindi ko alam kung bakit natin pinag-uusapan si Gianna. Curious ka ba sa kaniya? O sa galaw ng ganitong negosyo? Nasabi ko naman na sa 'yo, busy ako. Bago kita payagan na sumam rito ay nagkasundo tayong hindi ka manggugulo sa trabaho ko." She pressed her lips. Sinalubong niya ang mga mata ng lalaking kaharap. "Alam mo kasi, may naisip ako." Hindi kumibo ang binata. Sumandal sa kinauupuan at nag-cross arms, waring hinihintay ang iba pa niyang sasabihin. "Naisip ko lang na hindi mo kailangan na patayin sa nerbyos ang lahat ng empleyado mo ngayon dahil lang kay Gianna." Thorn scoffed. Hindi makapaniwalang pinagmasdan siya nang mataman. "Gano'n talaga, may biglaan na meeting talaga kami na nagaganap dito. Mostly because alam naman nilang kapabayaan nila ang nangyari ngayon. Kung nebyusin man sila, I believe, that's none of your business." Inikutan niya ng mata ang bilyonaryo. "Ang sungit mo naman!" "Kung ikaw ang negosyante—" "Hep! Tama na!" awat niya sa litanya nito. Inis na inalis naman nito mula sa sariling bibig ang palad niyang pinantakip niya roon upang maawat ito sa pagsasalita. "Gets ko ang sentiments mo, okay? Ang sa akin lang naman, mas maganda ako sa Gianna na 'yun. Dangan lang at may pangalan na kasi siya sa showbiz." "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Thorn. Tumayo naman siya at namewang sa harap nito. "Tignan mo ang ganda ko. Ang kutis ko, pantay, makinis, walang bahid dungis. Ang katawan ko ay sakto lang naman sa slimming coffee na madalas na pinapainom mo kay Gianna." Umiikot-ikot siya sa harap ni Thorn. Hindi naman sa pagmamayabang pero totoo naman ang mga sinasabi niyang iyon. Mataman naman siyang pinagmasdan ng lalaki. Inilagay pa nga ang daliri sa ilalim ng baba, tila siya isang mamahalin na kagamitan na kinilatis nito mula ulo hanggang paa. O puwede rin namang sabihin ni Tangi na mukhang inaalala na ng bilyonaryo ang naganap sa kanila noong mag-perform siya ng lap dance dito… Lalo ang init na nanulay sa kanila dahil sa pagkakahugpong ng mga pang-ibabang parte ng kanilang mga katawan noon, kahit pa nga ba may mga nakaharang naman na saplot sa pagitan nila that time… "A—Ahm, so, ano ang sa tingin mo?" Ang dalaga rin ang tumikhim upang maputol ang kung ano-anong mga kalokohan na naglaro sa kaniyang isipan. "You want me to try you? I mean, as my product endorser?" parang ayaw maniwalang tanong ni Thorn, nakataas pa ang isang kilay sa kaniya. Naupo ulit ang dalaga. "Oo. Hindi ako artista o modelo pero nasubukan ko nang rumaket sa selling online e. Influencer naman ako, maraming followers. Uso na 'yon ngayon. Saka matanong nga kita, bakit ganyan ang product mo? 'Yung nabasa ko sa bungad ay resorts ang una mong negosyo ah, bakit napunta sa beauty products?" "Recently lang namin na product ang skin care at slimming coffee. You're right, resort talaga ang negosyo na meron ako. Doon ako nagsimula. Pero hindi naman masama na makisabay sa kung ano ang nauuso, hindi ba?" Pumitik si Tangi sa ere. "Exactly! Kaya nga nandito ako, uso kasi 'yung ganda na ganito. Tinataob na naming mga influencer ang mga modelo ng products na 'yan. Mas mura pa ang talent fee namin. At hello? Nang may magawa naman ako habang nasa poder mo 'ko. Ikaw rin, mabilis lang ang anim na buwan na kontrata nating dalawa." Anim na buwan lang ang pinirmahan niyang kontrata rito. Iyon ang nakapaloob sa kasunduan nila sa pagbili nito sa kaniya. Kumbaga, hindi man aminin ni Thorn ay nagsayang nga lang ito ng pera sa pagbili sa kaniya dahil sa pangako nitong binitiwan sa lola niya. At oo, hindi naman siya nagsisinungaling nang sabihin niya rito na marami siyang followers sa social media accounts niya. Minsan na rin siyang nag-endorso ng produkto habang nagpapa-cute sa harap ng camera. "So, ano?" pangungulit pa niya sa lalaki. Thorn looked at her intently. Pinag-iisipan na yata ang sinasabi niya. Kung tutuusin namin ay may punto siya kaya alam niyang mapapapayag niya rin ito sa kaniyang gusto. Well, hindi rin naman siya papayag na hindi ito pumayag—magkukulitan lang silang dalawa kapag nagkataon. "Alright," sabi ni Thorn pagkatapos ng ilang segundong pananahimik. "Alright? Tanggap na 'ko?" Nang tanguan siya ng bilyonaryo ay napa-yes pa si Tangi. Nagulat naman ang lalaki, hindi siguro akalain na ganoon niya magiging kagusto na maging endorser ng mga produktong pampaganda at pampapayat. "Gerson, pakihanda ang bagong kontrata na pipirmahan ko. Madali!" pabirong turan pa ng dalaga sa kanang-kamay ng bilyonaryo. Nakangiting sumunod naman ang lalaki sa kaniyang pinag-uutos. "Buti na lang pala ay narito ka, hindi na matutuloy ang init ng ulo niya," bulong ni Gerson sa kaniya. Sabay na sila nitong naglakad palabas sa opisina ng bilyonaryo. "Marami pa tayong 'init ng ulo niya' na kakaharapin together, Gerson." *** "NAKAAYOS na ang lahat ngayon, hindi mo na ako puwedeng artehan, Aleli, puwede ba," ani Tangi sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya. "Alam mo para kang sira e. Akala ko pa naman ay matalino ka." Naikot niya ang mga mata. "Alam mo rin ba na nasa CR ako? Na sinaglit ko lang ang inuutos ko sa 'yo kaya idagdag mo rin sana 'yon sa dahilan kaya hindi ka puwedeng umarte talaga sa 'kin, sinasabi ko lang naman." Bumuntonghininga si Aleli. "Itong plano mo, kapag tayo ay napahamak talaga—" "Kapag napahamak ako ay hindi ka madadamay. Sisiguraduhin ko 'yon sa 'yo." "Natatangi, hoy, kapag napahamak ka d'yan sa binabalak mong kamalditahan, 'wag ka nang magpakita sa 'kin. Takot ako sa multo 'no!" Kumunot ang mga kilay niya. "Ba't napunta ka na sa multo?" "Dahil sigurado akong makakatay ka ni Thorn sa gagawin mo." Mas inikutan lang niya ng mga mata ang kaibigan niya kahit hindi nito iyon nakikita. "Dami mo na namang ebas! Hindi ka na lang sumunod. Try mo na lang kaya," balewala niyang sagot dito. Hindi naman kasi mangyayari ang pinagsasasabi nito. Malabo. Sa iilang araw na nakasama niya kasi si Thorn ay hindi naman mahirap na mahulaang mabait ang lalaki kahit strict pagdating sa trabaho—iyon na nga mismo—kaya pala ito nasabihan na hudas sa negosyo dahil malakas nga ang topak. Kapag may pumalpak pala ay malalagot talaga sa init ng ulo nito. Buti na lang at narito na ang ganda niya, naawat niya ang dapat na maawat. "Gagawin ko, oo, bahala na." Napangiti siya. Gagawin naman din ni Aleli ang bawat ipag-utos niya. Siyempre pa, aarte muna ito at magrereklamo bago sumunod. "Maraming salamat, Aleli," sinsero naman niyang turan. Hindi naman kasi niya magagawa ang pinag-uutos niya rito dahil naroon siya at magiging busy na sa pagiging mabuting product endorser ni Thorn. Hindi rin naman puwede na hindi magawa iyon ni Aleli dahil iyon lang ang naiisip niyang paraan upang magantihan niya ang bilyonaryo. "Naku, nagpapasalamat ka na agad, wala pa nga!" "Alam mo naman na ikaw lang ang maaasahan ko sa ganito," aniya pa sa kaibigan. "Alam mo rin na kahit ginagawa ko ang mga ganitong utos mo ay nais ko pa rin naman na mauntog ka. Tangi, tapos na 'yon e. Kung patuloy na uungkatin mo ay mas mahihirapan ka lang. Hindi ko sinabing kalimutan mo na lang 'yun dahil imposible naman na mangyari, pero sana naman maalala mong—" "Hello?! Hello, Aleli?! Chap—choppy ka, oo—choppy, tatawagan na lang kita ulit ha? Bye!" Nakangiwing in-off ni Tangi ang mobile phone niya. Charot lang naman niya na nag-choppy si Aleli. Alam din niyang hindi iyon bibilhin ng kaibigan niya dahil kabisado na siya nito. Kapag gusto niyang putulin ang panenermon nito ay gawain na niya ang ganoon talaga. Hindi niya naman kasi kailangan ngayon ng sermon ng kaibigan. Ang kailangan niya mula rito ay ang kooperasyon nito. *** NAGING matagumpay ang naisip ni Tangi na pagpalit sa binakanteng puwesto ni Gianna Harmonica. Malawak na napangiti si Thorn sa mga feedback na natanggap niya sa social media patungkol sa babae. Hindi man niya inaasahan na gagawin iyon nito, kinagulat pa rin niya ang pagbu-boom niyon within three days. Talaga yatang ang mundo ay umiikot na lang sa online. Napakalaking parte ang sinasakop ng virtual world sa buhay ng mga tao sa panahong ito. "Nag-hit ang idea ni Tangi," untag sa kaniya ni Gerson. Inilapag nito sa office table niya ang kaniyang kape na ito ang parating nagtitimpla. "Nakakagulat nga," tipid na tugon ni Thorn. May ngiti sa labi na inilapag sa mesa niya ang gadget kung saan sinipat niya ang mga pictures ni Tangi. "Kapag gano'n kaganda talaga ay tinatangkilik ng mga tao sa online. Nagulat din ako sa kasikatan niya as an influencer." He just shrugged. "Well, me too. Hindi ko na nga dama ang impact ng pagkawala ni Gianna sa company." Naupo si Gerson sa harap ng mesa. Awtomatiko ang pagtaas ng isang kilay ng boss nito. Nilagok niya ang kape, saka niya ito tinanong, "Ano 'yun, Gerson?" Gerson looked at him intently. "Gusto ko lang ipaalala ang warning ko sa 'yo bago mo siya bilhin." Mas tumaas ang kilay niya dahil doon. "What?" "Hindi ako nagkulang sa pagsasabing mag-ingat ka sa kaniya." Bahagyang dinukwang ni Thorn ang kausap. "Have you heard yourself, Gerson? Pinag-iingat mo lang naman ako sa babaeng alam mong mag-aakyat sa akin ng salapi, Gerson." Dinukwang din siya ng huli. "Pinapaalala ko lang sa 'yo. Sinabihan na rin kita no'ng una pa lang na kakaiba siya sa lahat." Tinapik siya nito sa balikat bago ito tumayo. "Maiwan na kita, Thorn." Isang alanganin na tango ang sinagot niya sa tao niya. Sa muling pagsandal niya ay hinimay ni Thorn ang sinabi ni Gerson sa kaniyang isipan. Wala naman sigurong masama kung mag-iingat siya. Paalala lang naman iyon mula sa isang matagal nang kakilala at naging malapit na niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD