ABOUT HIM

2577 Words
HINDI niya maawat ang pagngiti habang pinagmamasdan niya si Tangi. Kasalukuyan na shinu-shoot nila sa kusina ng kaniyang bahay ang pag-flex ng dalaga sa slimming coffee na leading product ng company niya. Kung paanong ang bilis ng angkat ng pera sa kaniya ng kapeng iyon nitong mga nakaraang buwan nang dahil kay Gianna ay siyang bagsak niyon kaagad nang halos dalawang linggo na hindi nakita ng mga taong ini-endorso iyon ng huli. Kaya literal na kinakabahan silang lahat ngayon. Nag-hit man kaagad si Tangi sa social media habang gamit ang iba nilang product, iba pa rin siyempre kapag ang leading product na ang pinag-uusapan. Pressure kay Tangi iyon, mas pressure sa kanila na parang nagbalik sila sa trial and error stage na naman. "She is really beautiful." "Alam ko, Gerson," simpleng tugon ni Thorn, nang hindi niya inaalis ang mga mata sa babaeng pinag-uusapan nila. "To think na ang konsepto nito ay nagising lang siya isang umaga at magka-kape." "Uh—uh. Mahal ng camera ang maliit na mukha niya." "Natatangi ngang talaga. Kaya kung makatitig ka ay nakapagkit talaga." Doon niya nilingon ang kaniyang kamay. "Hey, kaya nga tayo narito para panoorin siya, hindi ba? So, may problema ka ba sa 'kin?" Tatawa-tawang itinaas nito ang dalawang kamay. Tila sumusukong kriminal. "Wala naman akong problema. Gusto ko lang mag-komento at baka hindi ka aware." "Aware ako. Kasing aware sa issue na nakuha na ni Acostal si Gianna." Tiim ang mga bagang niyang saad. "Tsk. Maba-badtrip ka lang sa nasagap ko. Biglaan daw 'yun. Nagakagustuhan e. Wala ka talagang laban." Nagkibit-balikat pa ang kausap niya. Umiling siya. "Pesteng pag-ibig." "Pa'no mo naman nasabi na peste agad? Hindi ka pa naman umibig ah." "Peste 'yun, maniwala ka," tanging tugon ni Thorn kay Gerson. Paanong hindi siya makakasiguro sa sinabi niya? Binagsak na nga ng pag-iibigan nina Crey Acostal at Gianna Harmonica ang kita ng slimming coffee niya! Mali si Gerson sa pagsasabing hindi pa siya umiibig. Dahil mahal na mahal niya ang kaniyang negosyo. Kaya nga ba sa tinagal niya sa mundong ginagalawan ay nanatiling si Acosta lang ang kaniyang katunggali. Naging katunggali niya pa ang huli dahil kinopya nito ang ideas niya. Kahit ilang porsyento ay mahalaga sa kaniya. Pasalamat pa rin ang mga empleyado niya't hindi pa siya naungusan man lang ni Acostal. Kung nagkataon ay parang nagtampo sa bigas ang mga ito kapag nagalit siya. Hindi biro ang katangahan na hindi papirmahin kaagad si Gianna ng kontrata. Simple lang, kung nakapirma na ang babae, hindi sana ito makakaalis sa poder niya. *** NAMATAAN kanina ni Tangi na may binulong lang kay Thorn ang isa sa mga bodyguards nito ay biglang umalis ang huli sa shoot. Ngayong tapos na ang pagshu-shoot nila para sa slimming coffee ng company ni Thorn, hinanap ito ng mga mata niya sa paligid ngunit mukhang wala ito roon. Gayundin sila Gerson. "Nasaan sila?" tanong niya sa mga taong naroon. "May tinignan yata sandali sa 'taas," simpleng sagot naman sa kaniya ng isa sa nag-aayos doon ng mga ginamit nila. "Ah, okay," tipid niyang tugon. Ang 'taas' na tinutukoy nito ay ang kuwartong nagmistulang opisina ni Thorn sa bahay na iyon. Kinuha niya ang phone niya para subukan niyang tawagan si Aleli pero busy yata ang kaibigan niya o tulog pa siguro kaya hindi sumasagot sa tawag. Sa sss Messenger siya tumambay sandali. Nilagpasan niya ang mga afam na walang magawa sa Jumerika kundi ang mang-istorbo ng mga magagandang Pinay sa araw-araw, nilagpasan din niya ang mga taong nagha-hi lang, mga wala rin magawa sa buhay ang mga ito. Nilagpasan niya lahat saka siya napunta sa partikular na tao sa loob ng bilog—g'wapo. Matipuno. Kagalang-galang na tao—Crey Acostal. Nabasa na pala niya ang message ko, ani Tangi sa isip. Sakto lang pala ang mensahe niya kay Crey. Ngayon lang nabasa iyon ng negosyante. Medyo na-excite siya nang makita niyang typing na ang businessman kaya in-off niya muna ang mobile phone at binulsa niya muna iyon. Mamaya na niya babasahin at re-reply-an ang mensahe nito. Nang maibulsa ang phone niya ay muling nagpalinga-linga siya sa paligid. "Sino ang hinahanap mo, ha?" Malawak siyang napangiti. "Lolly!" Masayang niyakap niya ang matandang doña. Ngayon lang niya nalaman na naroon pala ito. "Nandito na ho pala kayo. Ang sabi ni Thorn sa akin ay sa susunod na linggo pa ang balik niyo." "Naku e napanood kita sa selpon! 'Bata ka, ikaw na ang pumalit do'n sa isa? Kay Gianna? Akala ko ay personal assistant ang trabaho mo sa apo kong damuho?" sunod-sunod na tanong ni Doña Lolita sa kaniya. Natawa siya. "Ako nga po. Kawawa naman kasi ang apo niyo e, halos nabaliw no'ng layasan ng endorser niya." Nakaakbay na inakay niya si Lolly papunta sa living room ng bahay. "Kumusta po? Busog ba kayo? May merienda sila na hinanda, may vegetable salad dito—" "Hay, ako nga ay tigilan mo, Tangi. Hindi ka naman duktor," kunwari ay saway sa kaniya ng matandang doña. Napahagikgik ang dalaga. "Sige na nga. Mamaya mag-chicken tayo." "'Yun na nga ang matindi kong problema. Kaya nga ako napapunta kaagad dito, etong mga tuhod ko ay nagsisimula na naman rayumahin." "Ha? Pero okay naman ang lakad niyo, Lolly." "May pumipitik. E, 'ka 'ko kailangan kita." Pabirong napailing siya. "Hindi ako duktor pero hindi rin ako masahista, Lolly, ikaw ha," biro niya rito. Ngunit nilatag na niya ang binti ng matanda sa sofa. Tinulungan niya itong mahiga roon. "Wait lang, kukuha po akong essential oil," paalam niya pagkuwan. "Nakakatuwa naman na ang dami mong ganyan na oil, ano," komento ng doña. "Naku, Lolly, essential oil is life! Parang candy po ito sa buhay ko, kapag wala ako nito parang kulang ang araw ko." Ginagawa niyang pampaantok din kasi ang essential oil na nabili niya online bukod sa pinapahid niya sa kaniyang sentido kapag medyo pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya. Effective naman na pang-udlot iyon kaya essential talaga. "May mga bagay talaga na kasama na natin sa buhay at hindi na natin kakayanin pa na mawala sa atin." "Humuhugot ka Lolly, ah. Naalala mo yata ang ex mo," biro ni Tangi sa matanda, kasalukuyan na niyan hinihilot ang binti at hita nito habang nakadapa ito sa leather sofa. "Hugot bang tawag kapag naalala mo ang ex mo?" Tikwas ang kilay na tugon sa kaniya nito. Natawa siya. "Hugot ang tawag sa mga sinabi niyo." "Ah, humuhugot pala ang apo kong si Thorn kung gano'n. Malalim ang hugot. Hindi kasi yayaman 'yon ng gano'n kung may mga magulang 'yan," anang doña. Natigilan naman siya. "Nasaan po ang mga magulang ni Thorn?" "Katulad mo ay ulila na siya." Siya naman ang nagtikwas ng kilay. "Kayo ha, imbestigadora rin po kayo." Doña Lolita chuckled. "But of course! Anyway, tungkol lang naman sa mga basic info about you ang pinakalap ko like saan ka nakilala ng aking apo." Tumagilid ang doña para masilip siya. "Inupahan ka pala ng aking apo para sa pagsasayaw," saka sabi nito. "So? Turn off po ba kayo sa pagsasayaw ko?" The old lady shrugged. "No. Noong kabataan ko ay nagsasayaw rin ako sa pole." "Oh my G! Totoo po?!" Natatawang bulalas ni Tangi. "Oo. Aba'y lukaret ka ba? Bakit kita bibiruin kung 'yon ang totoo? Pole 'yon. Lap dance lang ang iyo, Natatangi!" Humagikgik ang dalaga. "Grabe ka na, Lolly! Sinu-surprise mo 'ko!" But deep inside, ang nakakabigla para sa kaniya ay ang katotohanan na ang cool talaga ng lola ni Thorn. Binali ng personality ng matanda ang stereotype na mga doña na napapanood sa TV at sine. Iyon nga at kahit alam na ang tungkol sa pagsasayaw niya ay dedma lang ito. "Tangi, mas mabibigla ka kung paanong nagawa ng aking apo na bilhin ka at maging bilyonaryo na ganito." Hindi siya tumugon. Sa tingin kasi niya ay may kasunod pa ang sinasabi ni Lolly. "Grabe ang naging pagsisikap ni Thorn upang marating ang ganitong yaman. Bukod sa siyempre pa ay may mga nasagasaan siyang tao na intensyon naman niyang gawin. Siraulo ang batang 'yan. Minsan lang akong nasaktan sa palengke dahil nagkakagitgitan no'n at magba-bagong taon ay ginusto nang maging bilyonaryo." Tumawa si Lolly. Napangiti si Tangi—sa mapait na paraan. Masyadong mapait ang mga binubuksan na alaala sa kaniya ng doña. . . alaala ng mga araw na ganitong-ganito rin sila ng kaniyang lola. . . "Bilyonaryo ba ang nakasakit sa inyo, Lolly?" Pagak na natawa ang matandang babae. "Oo. Mayabang na lalaking bilyonaryo. Nagmamadali raw. Binigyan ako ng card. Galit na galit ang apo kong mayabang din." Ang dalaga naman ang natawa. "Aminado po pala kayo na mayabang ang apo niyo." "Aba ay oo naman! Kaya 'yan yumaman dahil sa skill niyang 'yan," pagbibida ni Lolly. Kinatawa iyon ni Tangi ngunit mukha namang hindi nagbibiro ang doña. "Dahil sa kayabangan ni Thorn at sa diskarte niya kaya niya narating 'tong ganito, hija. Iyong bilyonaryo na nakasagi sa akin no'n sa palengke, hinamon niya ng suntukan, sinagot lang siya na hamunin daw siya ni Thorn sa padaigan ng yaman o maabot man lang ang yaman na mayroon siya. Nakipaghamunan naman ang damuho kong apo. Naging malapit sila ng bilyonaryo na 'yun. Salbahe nga 'yon. Natuto kasi ng mga pangit na gawain ang apo ko dahil sa kaniya. Hanggang sa namatay 'yon at ipamana ang yaman, na mas nakadagdag lang sa pera na naipursige ni Thorn." "Kahit paano pala ay nakatulong ang pagkakakilala nila." "Oo nga pero ang laki ng pinagbago ng apo ko pagkatapos niyon. Ang kinakatakot kong pangalan na binigay sa kaniya ng aking anak ay naging tunay sa salita dahil sa dami ng kaniyang ginulangan, nasagasaan o natapakan, upang makarating sa tuktok. Walang mabilis na pera, hija. Lahat ay pinaghihirapan ngunit sinasamahan ng hindi patas na desisyon para sa mabilis na daan. Buti na lang ay nagbago na ang apo ko. Kaya sobrang halaga ng mga natirang ito sa kaniya. Gayon pa man, ang lahat naman ng ginagawa natin ang may kaakibat na kahihinatnan," dagdag pa ni Lolly. Nanatiling tahimik ang dalaga pagkatapos ng mga narinig. In-absorb ng isip niya ang mga binanggit ng doña. Hindi naman na siya masyadong nagulat sa mga nalaman niya at kung siya nga na nananahimik ay nagawang bilhin ng apo nito. Kamukat niya ay nagpapabawas lang pala ng konsensya. Naudlot ang mga tinatakbo ng isipan ni Tangi nang bigla siyang hawakan ni Lolly sa palad niya. "Nagpapasalamat din ako na narito ka. Ang pagkawala ni Gianna sa kaniya ay hindi na niya masyadong ininda nang dahil sa 'yo. Mayabang si Thorn. Hindi niya gustong nauungusan ng mga kalaban sa negosyo. Kahit kapiraso, dapat ay nakalalamang siya." Mahinang tinapik niya ang palad ng matanda. "Walang anuman, Lolly. Mas nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa gandang binigay Niya sa 'kin," biro niya. Madali naman i-please si Lolly at natawa naman pagkatapos magsalita ng mga litanya na kay seryoso. "Ay, siya, mabalik tayo sa paghihilot mo. Ayusin mo 'yan para may tip ka naman sa 'kin," anito sa pabirong paraan. Napailing na lamang siya. Wala namang problema kay Tangi ang paghihilot sa doña. Ang nagiging problema lang niya sa tuwing nasa paligid si Lolly ay ang kirot na dulot ng mga alaala nila ng sarili niyang lola na siyang nagpalaki sa kaniya. Ang lola niya na kung hindi dahil pala kay Thorn, sana ay buhay pa. Tama si Lolly, lahat naman ng ginawa natin ay may kaakibat na kahihinatnan. Tama ang doña sa pagsasabing ang pangalan ng apo nito ay naging tunay sa salita. "Lolly, puwede kong malaman kung bakit Thorn ang napiling ipangalan sa kaniya ng nanay niya?" Malalim na bumuntong-hininga ang matandang babae, tumingin sa malayo bago ito magsalita, "Natatangi, katulad mo ay anak mula sa pagkakasala si Thorn. Biktima ang aking anak ng panggagahasa, si Thorn ang naging siyang bunga. Maraming pinagdaanan ang nag-iisang apo ko bago siya guminhawa ng ganito kaya sa tingin ko ay para talaga sa kaniya ang lahat ng ito, hija." "K—Katulad ko po ba ay kilala niya rin ang tatay niya?" Nakilala niya ang kaniyang ama dahil kalaunan ay pinaliwanag ng lola niya sa kaniya na ito ay kasintahan talaga ng nanay niya. Naging puwersahan lang ang naganap sa dalawa dahil hindi iyon sinang-ayunan ng nanay niya. Ngunit naging tsismis na iyon sa lugar nila—na siya ay anak ng r****t dahil nagpakamatay ang nanay niya pagkatapos makapanganak sa kaniya. Hinarap siya ni Lolly. Umiling ito. "Kung kilala sa tunay na kahulugan ay hindi. Nang malaman niya ang tungkol do'n ay sumumpa siya na babalikan ang r****t ng nanay niya kahit walang maalala si Thorn na magandang trato mula sa kaniyang sariling ina. Nagtagumpay ang apo ko na mapatay ang r****t sa mura niyang edad." Marahas na naapalunok siya. "Kaya po pala pinursige niyang yumaman. Para hindi siya makulong sa pagdating ng panahon na maaari na siyang makasuhan. P—Para hindi ka niya maiwanan." Marahan na tumango ang doña. "Gano'n na nga, Tangi. Tulad mo sa iyong lola ay ganoon ako kahalaga sa aking apo." Pero ang salitang pagkakatulad nila ni Thorn ay nagtatapos na roon. Dahil hindi katulad ng bilyonaryo, may lola pa itong kasama hanggang ngayon. Tama ang kaniyang lola noong nabubuhay pa ito—mas lamang ang pabor ng tadhana sa mga taong nakalalamang at nanlalamang sa kapwa—sa simula. Dahil ang lahat ay may katapusan. Walang permanente sa mundong ito. "'Yang selpon mo, kanina pa tumutunog, Tangi, hindi mo yata naririnig," untag ni Lolly sa pagkatigagal ng utak niya. Wala sa loob na dinukot niya ang mobile phone mula sa kaniyang bulsa. Kanina pa pala siya tinatawagan ni Crey Acostal. "KAILANGAN mo na yatang maglabas ulit ng babae." Hindi naalis ang ngiti sa labi ni Thorn nang lingunin niya ang umistorbo sa kaniyang pag-iisa. "Wala ako sa mood. Saka tatlong buwan pa lamang nang huli akong lumabas," kaswal niyang tugon kay Gerson. "Tatlo hanggang apat na beses kang naglalabas ng babae sa loob ng isang buwan. Mula nang dumating si Tangi, nagbago ang record mo, paalala ko lang din sa 'yo." Bumungtong-hininga siya. Pinindot lang niya sandali ang remote na hawak niya upang mabalik sa tamang size ang zinoon niya, saka namulsa siyang hinarap ang kanang kamay. "Nasaan na ang pinapakuha ko?" balewalang turan niya rito. Kaagad naman na ibinigay sa kaniya nito ang hawak na gadget. "Matutuwa ka sa balita. Trailer pa lang ay grabe na ang engagement ng mga tao kay Tangi. Hidden gem pala ang babaeng nabili mo. Timing ang dating sa pagkawala ni Gianna, sobrang naungusan niya pa." Masayang nag-scroll si Thorn. Sino ba ang hindi sasaya? Kung kanina ay ang pinanonood niya lang na bonding nina Tangi at ng lola niya ang nakapagpangiti sa kaniya, ngayon ay malinaw na nakikita ng mga mata niya ang high customer retention! Iyon ang mga nawala kaagad sa kaniya sa pag-alis ni Gianna—ngunit heto at trailer pa lang ni Tangi ay nagsisibalik na! "Come on, is this for real?!" hindi makapaniwalang bulalas ng bilyonaryo. "Legit naman." Hindi naman pinansin si Gerson ng kausap niya, bagkus ay ngiting-ngiti at nagmamadaling lumabas na si Thorn sa kuwartong iyon bitbit ang gadget na inabot niya rito. Napailing siya. Naiwan na lamang siya roon na tahimik na napamasid sa babaeng nasa harap ng monitor. Binili ito ni Thorn pero mukhang bawing-bawi na ng boss niya ang kapital kahit sabihin pang hindi naman ito namuhunan. Pero ganoon pa rin, nakakapa niya pa rin ang hindi pagiging kampante kay Natatangi Rosas Magdalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD