NAGING busy si Thorn ng mga nagdaang araw dahil sa pagdating ni Tangi sa kompanya niya. Bilang negosyante ay isa sa mahalagang gawain ang pagiging hands on sa negosyo paminsan-minsan, at ang paminsan-minsan na iyon ay ang ganitong 'peak' kung tawagin. Customer retention became higher each day. Ikatlong araw na ngayon kaya oras na para siya ay mag-chill.
"All is done here, let's go guys," Nakangiting aya niya sa mga bodyguards niya. Nag-alis na rin siya ng vest niya't neck tie. Then he rolled the sleeves of his tux on his elbows. Saka malalaki ang hakbang na tinahak niya na ang pinto ng kaniyang opisina.
"O, saan ang punta mo?" Nagtatakang tanong ni Gerson nang masalubong siya nito sa pintuan, sinipat nito ang suot na relong pambisig. "Thorn, maaga pa, alas dos pa lang."
Ngumisi siya, litaw ang lahat ng ngipin. "Sakto lang ang oras na 'to para mamasyal, Gerson."
"Mamasyal?" Kunot-noong ganting turan nito.
Nakangiting nilingon niya ang kanang kamay niya. "Yup. Tara nang umuwi, aayain natin na mag-mall ang bago nating celebrity sa company na 'to."
Mall? Kailan pa nahilig mag-mall ang isang Thorn Anzures?
"Seryoso ba ang mall na 'yan? Ang alam ko kasi ay sa kama at sa langit mo lang dinadala ang mga babaeng inaaya mo," hindi napigil ni Gerson na maging sarkastiko.
Hinagis ng boss nito ang susi ng kotse, agad naman na nasalo iyon ng right hand man. "Spare me with your sarcasm, dude. Ikaw na rin ang nagsabi na iba si Natatangi sa ibanh babae, right?"
Right. Sinabi nga niya iyon. Pero walang sinabi si Gerson na gawing VIP nito ang biniling babae. Sa lahat naman yata ng binili ng boss niya ay si Tangi ang VIP talaga. Bukod sa zero visibility na ang pambababae nila—damay siya kasi roon—ay visible na masyado ang mga ngiti sa labi ng isang Thorn Anzurez. At mukhang hindi iyon napupuna man lang ng amo nila.
***
"GANITO ba ang suotan ng kasama ng isang bilyonaryo sa mall?" Pinagmasdan ni Tangi ang sarili.
Simpleng midriff shirt, skinny maong jeans lang ang suot niya. Pinaresan niya iyon ng wedge sandals at cap. Kailangan niyang mag-cap dahil nakakailang naman at bilyonaryo ang kasama niya, baka may makakilala sa kaniya sa mall, mautangan pa siya.
"Sus! Bilyonaryong jologs naman ang makakasama mo, ayos lang 'yan," sagot ni Doña Lolita sa kaniya.
Todo support talaga sa kaniya ito kaya nayayakap niya talaga e. "Naku! Ang sabihin niyo ay mahal niyo lang ako. Ako na yata ang apo mo, hindi na si Thorn."
Humagikgik lang ang matanda nang lambingin niya't yakap-yakapin.
"Narinig ko ang g'wapong pangalan ko, akala ko naman ay ano nang nangyari, pinapalitan lang pala ako ng maganda kong lola," untag sa kanila ng kadarating lang na si Thorn.
Ngiting-ngiti ang bilyonaryo, saka masayang inagaw mula sa pagkakayakap niya ang abuela nito. Si Tangi ay napangiti lang sa eksenang nasasaksihan.
Ilang araw na rin kasing busy si Thorn, ngayon lang napagkita ang dalawa. Panay sila ni Lolly ang nagkaka-bonding. Naghahanda rin kasi ang team ng apo nito para sa final shoot niya, one week from now ay ilalabas nila iyon sa madla.
"Thorn, apo, ingatan mo 'tong si Tangi ah."
Pabirong umingos ang lalaki sa abuela. "Ako nga ang dapat na ingatan niyo, Lolly. Ako ang apo mo sa aming dalawa, remember?"
"Hay, puro ka talaga kalokohan," pabiro rin ang naging tugon dito ni Doña Lolita.
"Lolly, hindi niyo na naaalala kung pa'no niya 'kong binantaan na itatali sa kama?"
"Hindi pa naman mangyayari 'yon, hindi pa kasi kayo mag-asawa," simpleng saad ng matandang babae. Tila normal lang dito ang sinabi.
Samantalang si Tangi ay may pagsikdo na ng puso. Nagkatitigan lang naman sila ni Thorn dahil sa sinabi ng lola nito. Hindi niya alam kung bakit parang ibang Thorn ang nakikita niya ngayon. Mas magandang lalaki. Mas nakakalamang ito ngayon sa mga mata niya—may ganoon pala?
Medyo weird…
Mas lalo pang naging weird ang pakiramdam ng dalaga nang walang kaabog-abog siyang hilahin ng bilyonaryo pahapit sa dibdib nito!
Lihim na lamang siyang napasinghap sa gulat. Napapikit pa siya dahil alam niyang tatama siya sa matipunong dibdib ni Thorn na minsan na niyang nahawakan…
"Iingatan ko naman talaga 'tong bagong apo mo, Lolly, grabe po kasi ang inangkat na pera nitong si Tangi sa kumpanya ko."
Alam niyang nagbibiruan lang naman ang mag-lola, alam din niyang totoo ang sinabi ni Thorn, bakas din ang kasiyahan sa mga mata at ngiti nito, pero bakit may pagyakap pa ito? Bakit din kung titigan siya ng lalaki ay parang kakaiba rin ang ganda niya sa paningin nito ngayon? Posible na pareho sila ng nadarama sa isa't isa dahil kapwa rin naman nila tinititigan sa malapot na paraan ang kanilang mga mukha?
Na kung hindi pa malakas na tumikhim si Gerson ay hindi nila mapupunang napatagal ang titigan nilang iyon. "Nakahanda na ang sasakyan kanina pa. Nakabukas ang makina, gusto ko lang ipaalala sa naghihintay na rin ang mga bodyguards sa ibaba."
Marahan naman silang bumitaw sa isa't isa ni Thorn. Natanawan nilang nauna nang maglakad patalikod ang kanang kamay ng bilyonaryo.
"Kung hindi ko lang alam na kalaro mo 'yang si Gerson mula nang maliliit pa lamang kayo, iisipin kong binabae 'yan."
"Lolly! 'Wag mo nang sasabihin nga ulit 'yan," pananaway na lang ni Thorn sa taklesa na abuela.
Siya naman ay napangiti na lang at napailing. Iniwan na niya ang dalawa roon. Dapat na rin siyang tumalikod para mapakalma niya ang sikdo ng puso niyang kanina pa abnormal ang pintig.
Dapat niyang isaisip na masaya lang ang bilyonaryo sa perang inangkat niya sa company nito, iyon lang, wala ng kung ano-ano pa man. Hindi niya dapat i-entertain kahit sa utak niya man lang na nakakakilig ang isang Thorn.
Iba na lang, huwag na si Thorn.
"HINDI ako tulad ng ibang babae kaya hindi mo na 'ko dapat na pinasyal dito," bulong ni Tangi kay Thorn.
Naroon na sila sa MOA. Iyon naman ang mall na kumpleto na sa lahat. Puwede kang mag-sight seeing lang sa tabing dagat habang nagfu-food trip. Puwede ring sumakay ka sa mga rides na naroon kung wala kang lula dahil higante ang mga iyon. Common na pasyalan ng mga couple at feeling couple ang lugar. Puwede rin na pasyalan ng mga tulad nila ng bilyonaryo—hindi sila couple, hindi rin masasabing friends, mas safe sabihin na business partner na sila ngayon dahil sa trabaho niya rito.
Lihim na kinibit balikat na lang niya ang mga naglalaro sa isipan.
Nakakagulat na makaluma pala si Thorn, na katulad din ito ng mga lalaking kapag natuwa ay pinapasyal ang isang babae sa mall.
"Alam kong hindi ka tulad ng ordinaryong mga babae kaya nga pinasyal kita sa ordinaryong pasyalan, Tangi." Thorn shrugged, "Baka sakaling ma-appreciate mo lang."
Napaingos siya. "Paano maa-appreciate ng isang tao ang lugar na hindi naman para sa kaniya?"
"Palagi namang may first time," hindi papatalong sagot ni Thorn.
"Hah! Hindi mo ako mapapasakay sa mga rides na 'yan, 'no."
"Nagsisimula ang lahat sa baby steps."
Naiinis na huminto siya sa paglalakad, hinarap niya ang bilyonaryo. "Anong baby steps—"
"Like this."
Hindi na nakapagsalita ang dalaga, binungaran na kasi siya ng cotton candy ni Thorn. Nakalagay iyon sa stick, kulay blue at pink, tag isa pa sila.
"Ano 'yan?" maang na tanong ni Tangi.
"Cotton candies. Masarap 'to. Try it," animo bata siyang tinugon ng bilyonaryo.
Inikutan niya ito ng mga mata. Alam naman niyang cotyon candy iyon. Pero ganoon talaga ang lalaki, kapag tinanong mo ng ano, sasagutin ka ng sagot para sa ano. Walang salita na tinanggap na lang niya ang pink na cotton candy na inumang nito sa kaniya.
"Mas masarap na ang cotton candy na 'yan kesa sa nabibili natin no'ng mga bata pa tayo. Baby steps, hayan, tikman mo ulit paunti-unti ang mga simpleng bagay na hindi mo na ginagawa, Tangi."
"Dami mong alam," aniya rito, inirapan niya ang bilyonaryo pagdaka.
"Totoo naman. Sinabi ko na sa 'yong hindi kita binili dahil lang sa gusto ko. May rason ako. Kaya nga natutuwa ako na hindi ka na nanigarilyo mula nang mapunta ka sa poder ko."
Hindi siya kumibo. Hindi niya rin napuna na natigil siya sa bisyo niyang iyon. Basta na lang siya naawat, nakamulatan niyang hindi niya na nga hinahanap. Samantalang noong mag-isa pa siya ay sigarilyo lang ang lagi niyang karamay. Nalibang din kasi siguro siya sa bahay ni Thorn dahil kay Lolly. Noong buhay naman kasi ang lola niya ay wala talaga siyang bisyo.
"Salamat nga pala. Hindi rin naman kita binili para gawin mo ang trabaho ni Gianna pero tinulungan mo 'ko. Nang mag-hit ka sa social media ay hindi ko akalain na magtutuloy 'yon hanggang sa papunta na tayo dulo ng pagiging ambassador mo sa slimming at beauty products ko. Natakot ako talaga sa pagkawala ni Gianna dahil wala akong alam sa produktong 'yon, aminado akong nakaasa ako sa lakas niya't hindi ko masyadong naaral," litanya pa ni Thorn. "Thank you treat ko talaga sa 'yo ang pamamasyal na 'to."
"Okay lang, salamat din. Dahil sa 'yo ay mayaman na ako pagkatapos ng agreement natin."
Thorn chuckled a little. "Sabihin mo nang plastik ako but I don't mind giving you all of my wealth, Tangi."
Tinignan niya ng masama ang lalaki. "'Wag kang pumunta sa topic na pinagbabawal kong pag-usapan nating dalawa, puwede ba," agap niyang banta.
"Gusto kong maging okay ka. For sure naman ay nasabi na sa 'yo ni Lolly ang pagkakapareho natin."
Nagkibit lang ng mga balikat ang dalaga. Hindi siya kumibo. Nang akmang ibubuka na naman ni Thorn ang sarili nitong bibig ay dumukwang siya't kinagatan ang cotton candy ng lalaki upang ma-distract ito at hindi na matuloy sa akmang pagsasalita.
Nagtagumpay naman siya sa pagpapatahimik sa bilyonaryo, katulad kasi kanina ay nagkatitigan silang dalawa. Katulad kanina ay nagtama ang kanilang mga mata patungo ilong ng bawat isa, pababa sa kanilang mga bibig…
Katulad kanina ay iniisip na naman ni Tangi kung ano ang pakiramdam na mahalikan ng isang tinik na malabo na nga yata niyang maiwasan pa…
***
KAKAIBA nga ang babaeng kasama niya. Imbes kasi na simpleng pasyal lang sila sa mall ay nauwi sila ni Tangi sa pag-inom sa isang kiosk bar. Wala siyang nagawa nang ayain siya ng babae roon na para bang diring-diri ito sa mga nais niyang gawin nila sa mall.
"Ganito mag-celebrate ang mga adult, Thorn!" Nakangiting ani ni Tangi sa kaniya. Halatang tinamaan na ito ng alak kung ibabase niya ang ngiti nito.
Napailing siya. "Sabagay ay tama ka naman. Pero kasi sana ay pumayag ka nang maglaro tayo sa mall. Ayaw mo ba ng malaking teddy bear?" Lukot ang ilong niyang sabi. Nagmamaktol talaga siya dahil sa pagkakalihis ng kaniyang plano.
Humagikgik ang dalaga. "Lasing ka na nga, kapirasong bagay ay nirereklamo mo pa."
"'Yun kasi ang tunay kong plano." Nilagok niya ang alak. In-straight na niya dahil huli na nila iyon. Napag-usapan nila ni Tangi na uuwi na silang dalawa pagkatapos ng bote na iyon, alas onse na rin kasi ng gabi.
"Nag-basketball naman tayo, nag-bowling, natalo kita sa parehong laro. Ni hindi ka man lang nanalo sa 'kin, Thorn!"
"Kulang lang ako sa practice." Nakangising tugon niya. Totoo naman kasi na natalo siya nito kanina.
"Hay, ewan ko sa 'yo. Ikaw ang nag-aya pero ikaw pa ang hindi nag-enjoy."
"Nah, nag-enjoy naman ako—dahil kasama kita," sinsero niyang turan.
Kung natigilan man si Tangi nang dahil sa kapirasong sinabi niyang iyon ay hindi na niya iyon problema.
"Hay, tara na, Thorn, lasing ka na yata. Tapos na 'tong huling bote." Inangat ng dalaga sa ere ang boteng mga walang laman, "Puwede na tayong umuwi." Saka tumayo na ito. Lasing na nga yata ang babae dahil medyo natumba pa.
Tatawa-tawa ito nang alalayan niya. "Careful. Mahirap mahulog kapag walang kasiguraduhan kung may sasalo sa 'yo, Tangi."
Bumungisngis ang babae. Umangkla sa kaniya. "Humuhugot ka pa, mana ka sa lola mo!"
"Nah, wala naman akong mahuhugot. Katulad mo ay hindi ko pa hinahayaan ang sarili kong mahulog sa isang tao."
"Hoy! Ang hirap mo pala nalalasing, sumeseryoso ka!" Tatawa-tawang buska ni Tangi sa kaniya.
He shrugged. Nang makarating sila sa labas ng mababang gate ng kiosk bar ay sumenyas siya kay Gerson na huwag muna silang lapitan. Malakas ang pakiramdam niyang susuka si Tangi kaya inakay niya muna ito papunta sa batuhan ng dagat ng Manila Baywalk.
Malakas ang hangin, makakatulong iyon para maginhawaan ang lasing. Madali yatang nalasing si Tangi ngayon dahil matagal-tagal na nang huling uminom ito ng alak.
"Hindi ako seryoso ah, talaga lang wala pa akong babaeng natitipuhan," tugon niya.
"Kasi nga, busy ka sa pagpapayaman."
Tinitigan lang niya si Tangi kahit narinig naman niya ang sinabi nito. Hinawi kasi ng babae ang sariling buhok. Tila umaliwalas ang paligid kahit sobrang dilim na ng mga oras na iyon nang mapagmasdan niya ang pagtingalang ginawa ng dalaga at pagpikit. Malayang dinama nito sa ganoong ayos ang malakas na hangin.
Ang sarap lang magmura sa hangin bigla, kay sarap din sisihin ng mga kapirasong ilaw sa kapaligiran na galing sa mga tindahan na naroon sa mga sandaling iyon, sumobra ang ganda naman kasi ng babaeng kaharap niya sa mga oras na iyon…
Natatangi…
"Nasusuka ako," anunsyo ni Tangi habang nananatili itong nakapikit.
"Alam ko."
"Nakakadiri kapag sumuka ako dito." Napangiwi pa ang babae.
"Yep," simpleng sang-ayon ni Thorn.
She snorted. "Nakakahiya naman sa tagalinis ng lugar na 'to."
Napangiti siya't napabuntong-hininga. Ayaw niya sanang mag-alis ng tingin sa mukha ni Tangi pero yumuko na rin siya para dukutin sa kaniyang bulsa ang plastic na hiningi niya kanina sa kiosk bar. "May plastic ako di—"
Paano pa ba siya matatapos ang kaniyang sinasabi? Inagaw na ni Tangi ang nilabas niyang plastic—saka sinukahan na nga nito iyon.
Napailing na lamang siya. Gago talaga ang dagat at mga ilaw na background ni Natatangi, sumusuka na kasi ito ay ang ganda pa rin sa paningin niya. Akalain ba niyang puwede palang gumanda ang isang babaeng sumusuka na dahil sa kalasingan?
Siraulo talaga siya. O baka epekto na iyon ng mga alak na nainom niya?