Chapter 7

1241 Words
"Inay, lumabas na ho ba si Virgil sa kwarto niya?" Matapos ang ilang oras matapos marinig ang maaanghang na salita ng ama ng binata ay tanong niya sa kanyang Inay. Nakatapos na sila ng pananghalian pero kanina ay walang Virgil na sumalo kay Mr. Augusto sa panananghalian ng huli. Mag-isa itong pinagsilbihan nila kaya siguro nag-alok itong sumabay silang mag-ina dito na pinahindian nila. "Wala pa nga eh. Hindi ko naman makatok sa silid niya dahil ayaw niya iyon. Hindi niya gustong kinakatok siya dahil lalabas daw siya kung kailan niya lang gusto." Alam naman na niya ang bagay na iyon. Ayaw na ayaw nitong iniistorbo kapag nasa loob ito ng sariling kwarto. Isang beses na siyang nasigawan nito nang dahil lang sa pagkatok sa kwarto nito noong ipinaris siya rito ng professor nila para lang mapalaki ang grado nito. "Anong oras na ho. Hindi pa rin ho iyon kumakain." Pag-aalala niya at tumingin sa gawi ng labas ng pahabang dirty kitchen. "Hayaan mo na. Hindi mo naman responsibilidad na bantayan iyon sa pagkain. Malaki na si Virgil at marunong ng mag-isip para sa sarili niya." "Pero Inay..." Tumingin siya dito. "Nasaktan ho iyon panigurado. Kung narinig niyo lang kanina ang mga sinabi ng Papa niya, kahit kayo ay maaawa sa kanya." "Eh anong magagawa natin? Away nilang mag-ama iyon... Hindi naman pwedeng mangialam tayong dalawa." "Naaawa lang ho ako sa kanya, Inay." Tiningnan niya ang relo sa di kalayuan. "Alas tres na ho ng hapon... hindi pa ho siya nanananghalian. Kumain ho ba 'yun ng almusal kanina?" Umiling ang Inay niya. "Hindi ko 'yun nakita simula kaninang umaga. Akala ko nga ay nasa farm nila iyon. Kapag mga ganitong araw ay palaging nasa farm iyon eh." "Eh si Mr. Augusto ho?" "Umalis na kasama si Dolfo. Nagkwe-kwentuhan kayo ni Emma kanina kaya hindi mo na nakita. Nasa farm na iyon ngayon." "Inay, baka kung ano na po ang ginawa 'nun ni Virgil sa sarili niya." Napamulagat siya. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pananakit ng mga kabataan sa kanilang sarili dahil sa depresyon lalo na kung mayroong problema sa pamilya. Bigla siyang napatayo mula sa plastic na upuan dahil sa kanyang naisip at lumakad siya palabas ng kusina. "Saan ka pupunta?" "Doon ho." Turo niya sa unahan. "Huwag mong kakatukin ang taong iyon sa kwarto niya ha. Pagagalitan ka 'nun panigurado." "Eh paano ho pala kung may nangyari na doon? Paano kung..." Naisip niya ang binatang may laslas sa pulsuhan na kaagad niyang pinalis sa kanyang isip, iyon nga lang, maya-maya naman ay imahe nitong nakabitin at may tali sa leeg ang nakita niya. Dahil doon ay napasinghap siya at tinakbo na ang patungo sa kinaroroonan ng mga kwarto sa kabahayan. "Sophia!" Hindi na niya pinansin ang tawag ng Inay niya. Dumiritso na siya sa kinaroroonan ng silid ni Virgil at makaraang huminga ng makailang beses ay kinatok iyon ng kinatok kasabay ng pagtawag sa pangalan ng binata. "Virgil! Nandiyan ka ba!?" Walang sagot katulad ng inaasahan niya kaya mas lalo pa niyang nilakasan ang pagkatok sa pintuan. "Virgilll! Natutulog ka ba!?" Muli niyang naisip ang nakabigting imahe ng lalaki na ewan niya kung saang bahagi ng utak niya galing. "Hoy!!! Nandiyan ka ba? Buksan mo 'to!" Wala pa rin. Nararamdaman na niya ang halos pagluwa ng puso niya sa kanyang dibdib dahil sa takot sa kanyang naisip. Sinubukan niyang pihitin ang pintuan pero naka-lock iyon kaya nasisigurado niyang nasa loob niyon ang binata. "Virgil anong ginawa mo? Buksan mo 'to!" Naiiyak na siya. Wala siyang anumang narinig na kahit na anumang pagkilos mula sa loob kaya ang naisip niya'y balikan ang Inay niya sa kusina. Tinakbo niya iyon pabalik. "Inay... Saan ho nakalagay ang master key ng mga kwarto rito?" "Aba'y si Augusto lang ang humahawak niyon, bakit ba?" "Inay... hindi siya sumasagot. Baka kung ano na po ang ginawa niyon sa sarili niya. Kinakatok ko ng kinakatok pero wala hong sumasagot, wala rin pong ingay sa loob." Aniyang hindi mapalagay. Ipinapagpag niya ang magkabilang kamay sa kanyang tagiliran dahil sa kabang nararamdaman niya. "Sophia, tumigil ka nga muna. Ano bang naiisip mo?" "Kasi ho ano eh..." Pumikit siya ng pilit at muling iwinaksi ang naisip na ginawa ng kababata. "Kakatukin ko ho ulit 'Nay. Pwede ho ba ninyong tawagan si Mr. Augusto para tanungin kung saan niya inilagay ang master key ng mga kwarto? Sige na po..." Nerbiyos na nerbiyos siya. Hindi na niya hinintay ang Inay niyang sumagot. Muli siyang bumalik sa silid ng binata at kinatok iyon kasabay ng pagtawag sa pangalan nito. "Virgillll! Nasaan ka ba?!" Nang lumipas ang ilang sandaling wala pa rin siyang naririnig na kahit anuman mula sa loob ay binalya na niya ang pintuan gamit ang balikat niya kasabay ng pamamasa ng kanyang mga mata. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung tototohanin ng lalaki ang sinabi nito isang beses noong mga bata pa sila. Alam niyang mga bata pa sila noon at siguro ay hindi nito iyon intensyong gawin pero ngayong hindi ito sumasagot sa pagtawag niya ay ngayon siya natakot para sa lalaki. "Virgil! Hoyyyy!" Tumutulo ang mga luhang tawag niya sa lalaki. Muli ay inulit niya ang pagbalya sa pinto. Hindi man sila nagkakausap ng maayos at maaaring may galit ito sa kanya pero mas nanaisin pa niyang ganoon ito kaysa naman sa mawala na ito ng tuluyan. Sa muli pa niya sanang pagbalya sa pintuan ng kwarto ay malakas na braso mula sa kanyang likuran ang pumigil sa kanya. Para siyang tinangay ng hangin na sa halip na sa pintuang balak niyang balyahin bumangga ay sa katawan ng humatak sa kanya siya humantong. "Anong ginagawa mo?!" Matigas ang tinig ng tinig na iyon na kilalang kilala niya. Pagtingala niya dito ay magkatagpo ang mga kilay nitong halos nag-isang linya na. "Buhay ka..." Naibulalas niya kasabay ng kanyang panlalambot. Kung hindi siguro nito mahigpit na hawak ang isa niyang braso ay baka bumagsak na siya sa sahig. "Inaasahan mo bang patay na ako?!" Halos maduling ito mula sa galit na pagkaka-titig sa kanya. "Anong ginagawa mo sa pintuan ng kwarto ko?!" Ang galit nitong tinig ay hindi niya inalintana. Pakiramdam niya ay guni-guni niya lang ito. Tiningnan niya ang pinto ng kwarto nito at pagkatapos ay muling tumingala dito. Pawis na pawis ang mukha nito maging ang suot na gray na fitted t-shirt. Maliban pa roon ay naamoy niya ang musky scent nitong galing sa regular nitong ginagamit na pabango na humalo sa amoy ng mga hayop sa farm. Buhay nga ito at totoong hawak-hawak ang kanyang braso. "Buhay ka..." Ulit niya. Noon siya parang tinakasan ng lakas. Nanghina pati ang mga tuhod niya at kung hindi nito naisalo ang isa pang braso sa likod ng bewang niya ay tuluyan na siguro siyang natumba. "Siyempre buhay ako... Sino bang nagsabi na patay na ako?!" Muli nitong wika. Bagaman at matigas ang pagkakasabi nito niyon, dahil malapit sila sa isa't-isa ay hindi naman nito iyon nilakasan na gaano. Siguro ay naramdaman na rin nito ang panghihina niya. Naramdaman niya ang pagkakadikit ng mga katawan nila at ang pagkilos nito payapos ng magkabilaang braso sa kanya kasabay ng pagtawag nito sa kanyang Inay. "Nanang Susan! Nanang Susan! Si Sophia po!" Takang-taka naman ang Inay niyang lumapit sa kanila. Bahagya na lang niya itong narinig na nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi na niya nadinig ang buong usapan dahil pakiramdam niya ay nagdilim na ang lahat sa paligid niya. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD