Chapter 4

1327 Words
Pawis ang noo at leeg ni Sophia pagkarating niya sa eskwelahan nila. Mula sa suot niyang uniporme ay nararamdaman niya rin ang pagkabasa ng kanyang likod dahil sa pawis ng kanyang paglalakad kanina at pagko-commute. Ipinagkibit-balikat niya iyon pero dumiritso siya sa C.R at pinunasan ng tissue ang buong mukha at leeg. Nagsuksok rin siya ng tissue sa kanyang likod at dibdib upang matuyo lang siya. Ang kanyang buhok na tuwid na tuwid ay hinayaan niya lang na lumugay. Palibhasa ay basa pa, nakadagdag pa iyon sa pagkabasa ng kanyang damit. Ilang minuto niyang tyinagang paypayan ang kanyang leeg at likod gamit ang isa niyang notebook upang mabawasan lang ang pagkabasa ng kanyang uniporme. Pagkatapos niyang masuri ang hitsura sa salamin ng C.R. ay lumabas na siya at dumiritso sa klase nila. Iilan na ang kaklase niyang nadatnan kasama na roon si Virgil na iniwasan niyang tingnan. Nakaupo ito sa dulong bahagi ng silid, malayo sa kanya na nasa may unahang hilera ng upuan. "Nakapag-review ka ba?" Tanong kaagad ng matalik niyang kaibigan na si Cindy. Katabi niya ito ng upuan at nakalukot ang mukha pagkakita sa kanya. "Bakit?" "Pa-kopya ako ha. Hindi ako nakapag-review. Wala akong matutunan." Bulong nito. "Sige, tingnan natin kung kaya." Pabulong niya ring sagot. Nasa harapan kasi sila ng lamesa ng kanilang professor at hindi niya alam kung makakapag-pakopya siya. Umupo na siya at nagbuklat muli ng kanyang kwaderno. Ilang exam na lang at tuluyan na siyang ga-gradweyt sa paaralang iyon. Makakapag-trabaho na siya at kung susuwertehin ay malalayo na siya ng tuluyan sa mga pailalim na tingin ni Virgil. Kung bakit kasi naging magkaklase pa sila nito? Buong buhay niya sa kolehiyo ay wala na tuloy siyang ginawa kung hindi ang umiwas dito. Bagaman at wala naman talaga itong ginagawa na tahasang pamamahiya sa kanya sa eskwelahan ay wala rin naman siyang natatanggap mula dito kung hindi disgustong tingin na nakakasanayan na lang din niya. Hindi naman sila nito magkasabay ng baitang dati. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon pero tumigil ito ng isang taon ng mawala ang ina noong nasa first year high school kaya ng sumunod na taon ay nagkasabay sila nito bagaman at magkaiba sila ng eskwelahan. Ito ay sa pribadong eskwelahan habang siya ay sa pampubliko. Naging magka-klase lang sila ng pumasok sila ng kolehiyo at ninais ni Mr. Augusto na kumuha rin siya ng Business Administration course katulad ng anak nito. Hindi naman niya ito napahindian dahil ito ang gumagastos sa lahat ng gastusin niya sa eskwela maliban pa sa wala naman siyang maisip na ibang kursong pwede niyang pasukin dati hanggang ngayon umabot na siya ng ikaapat na taon sa kolehiyo. "Sophia... Sophia!" Untag ng kaibigan sa kanya. Mula sa pagkakatitig sa kawalan ay luminga siya rito. Nasa harapan na niya ang palad nito na kanina pa pala nito ikinakampay. "Ano bang naiisip mo diyan?" Umiling siya. "Wala. Iniisip ko lang ang exam natin. Bakit ba?" "Ito o." Ipinakita nito ang isang papel sa isa sa mga nakaraan nilang quiz. May itinuro itong tanong doon. "Hindi ko 'to maintindihan. Ipaliwanag mo nga yung sagot sa akin." Binasa niya iyon at pagkatapos ay ipinaliwag sa kaibigan ang sagot. Tungkol iyon sa business law kung saan ay aminadong mahina ang kaibigan niya. "Kailangan mong mag-cite ng example diyan bago ka pumunta sa conclusion mo. Kapag ganyan ang sagot mo siguradong bawas ang puntos mo niyan." Sumimangot si Cindy. "Nahihirapan pa rinn akong intindihin. Sana katulad mo na lang ako. Matalino kahit walang review." May halong inggit na wika nito bago kinuha mula sa kanya ang papel na ipinahiram sa kanya. "Anong wala? Madaling araw na ako natulog para lang makapag-review ako no. Anong sinasabi mo?" "Sus. Kahit naman hindi ka mag-review, alam ko naman na mani-mani lang sa'yo tong mga subject natin eh. Siyempre, running for c*m Laude ka." Pinalo niya sa braso ang kaibigan na ikinaigik nito. "Ang ingay mo. Anong running running ang pinagsasasabi mo? Nakakahiya sa mga nakakarinig ano?" "Tsss. Alam ng lahat kung gaano ka katalino. Kaya nga kinuha kang partner ni Prof. Isagani para maturuan yung lowest sa klase natin eh. Para maka-gradweyt din. Hayyy naku. Kung hindi lang talaga mayaman ang magulang ewan ko na lang kung saan talaga pupulutin yan." Muli niyang pinalo ang kaibigan sa braso ng tila lumakas ang boses nito. Pasaring nito iyon kay Virgil na noon ay parang wala lang na nakasandal sa upuan, nagkukutkot ng kuko, at tila may sariling mundo. "Hindi ko alam kung anong saltik meron ang taong iyan. Gwapo naman pero napakawalang-kwenta pagdating sa pag-aaral. Hindi ko nga alam kung bakit umabot yan dito sa fourth year eh. Kung ako lang ang mga professor natin, first year lang ang abot niyan sa akin." "Cindy! Tumigil ka nga!" Tumaas ang tinig niyang saway sa kaibigan. Nagtagpo ang kilay niya at nawala ang kaninang lambing sa pakikipag-usap dito. Parang may kung anong sakit na nararamdaman siya para sa lalaki. Totoong ipinareha siya dito ng isa nilang professor upang tumaas-taas naman ang grado nito pero sa ilang beses niyang pagtuturo rito ay alam niyang sinsadya nito ang pagbagsak ng mga marka kaya ang masabihang may saltik ay alam niyang sobra-sobrang panghuhusga. Kung ano ang dahilan ng kawalang gana nito sa pag-aaral ay hindi niya alam at wala na siyang balak na alamin pa iyon kaya hindi siya nagpilit na turuan ito ng mahinuha niyang wala itong interes na mapalaki ang grado. "Sorry..." Halatang walang senseridad na wika ng kaibigan sabay linga sa binanggit. "Kasi naman eh. Ang salbahe kaya niyan sa'yo. Di ba salbahe yan?" "Pero hindi maganda ang sinabi mo. Huwag mo ng sasabihin ulit 'yun." "Bakit concern ka sa kanya?" "Concern ako sa lahat. Ayaw ko ng may mga ganyang salita, Cindy. Kahit pa kanino sabihin yan, hindi ko magugustuhan." Noon naman napagtanto ng kaibigan niya na seryoso siya kaya tumango ito at hinawakan siya sa kamay. "Sorry. Hindi ko lang gusto na may tumatarantado sa'yo." Alam ng kaibigan niya ang sitwasyon niya sa pakikitungo ni Virgil sa kanya na pinag-ugatan ng galit nito sa lalaki. Dahil kaibigan niya itong matalik ay naiintindihan niyang concern din ito sa kanya. Nginitian niya ito. "Alam mo naman na okay lang ako, hindi ba?" "Ako hindi." "Tama na. At saka, wala naman tayong pakialam kung wala siyang interes sa pag-aaral hindi ba. Hindi naman na niya kailangan ito. Mayaman naman na sila. Tayo ang may kailangan nito kaya tayo na lang ang magsikap para sa sarili natin." Nagkibit-balikat ito. "Sabagay. Tama ka." Matapos ang diskusyon nila ay nagkanya-kanya na silang aral na magkaibigan. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang walang pagbabago sa kilos ni Virgil. Aakalain mong wala itong haharaping exam kung ang pagbabasehan ay kilos lamang nito. Nagdatingan na ang iba pa nilang kaklase at kung kailan dumating din ang guro nila ay saka naman ito walang paalam na lumabas ng silid. Hindi niya alam kung maiinis siya dito o maaawa. Noong nakaraang linggo ay narinig niyang pinagagalitan ito ni Mr. Augusto nang mabisita siya sa malaking bahay. Nasa salas ang mga ito at papasok na sana siya nang makita ang pagkastigo ng ama rito dahil sa mabababang marka sa eskwela. Nang makita siya ng ginoo ay mas lalo nitong pinagalitan ang anak nang maikumpara sa kanya ang grado. Iyon marahil ang dahilan kung bakit masama pa rin ang tingin ni Virgil sa kanya hanggang kanina na kaagad din naman niyang inalis sa isip. Matagal ng ganoon ang pakikitungo sa kanya ng lalaki at hindi niya alam ang dahilan ng pagkakaganoon nito. "Are you ready!?" Malakas na tanong ng professor nila. Naglabas na ito ng exam booklet mula sa dala nitong malaking bag. Nagtaas siya ng kamay. "C.R lang po, before we start." Pumayag ang professor nila. Mabagal ang kilos na lumabas siya ng silid kasama ng iba pa nilang kaklase at pumunta ng C.R. Pagkabalik niya ay saka siya nakahinga ng maluwag. Nasa upuan na nito si Virgil. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD