Parang kahapon ang saya saya ko lang kasama ang isang lalaking hindi ko kakilala pero ngayon namomroblema ako sa trabaho ko.
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.. Lalo na ngayong may natuklasan pa ako, nawawala ang kinita namin sa Montecer Apparel at LM Malls. Hindi pwedeng mawala ang ganung kalaking pera dahil maaari itong ikabagsak ng LM Group of Companies.
Ako ang may hawak nung mga kumpanyang iyon sa ngayon pero hindi ko pa nagagalaw ang mga iyon ng magsimula na itong kumita, nakausap ko na rin ang CFO namin at sinabi nyang ako ang naka-pirma sa isang dokumento na ako na ang maghahawak ng pera ng mga kumpanyang iyon. Napaka-imposible naman nun, hindi ko pa nga nabasa ang dokumentong iyon, paano ko mapipirmahan yun.
Kapag nagkagipitan at nakarating ito kay Sir Luhan, ako ang masisi rito, sa akin din hahanapin ang pera na hindi ko naman kinuha.
Kailangan kong mahanap ang may kagagawan nito.. Kailangan kong mag-imbestiga.
Mula sa financial reports, sa mga sinabi ng CFO, sa kumpanya.. Sumasakit na ang ulo ko.
Posibleng finorge lang ang pirma ko rito, may nangialam din sa mga papeles na nandito sa lamesa ko, malamang sa malamang ay isa rin syang empleyado rito.. Dapat talaga hindi na ako sumama kina Sir Luhan sa bar, kung sana lang hindi ko iniwanan ang trabaho ko.
Kung sabihin ko na kaya kay Sir to? Ayan lang naman sya kasama ko sa iisang opisina, may sariling cubicle lang naman ako rito.
Hanggang sa napagdesisyunan ko na ngang lapitan sya.
"Sir Luhan, pwede po ba kayong makausap?" Nakangiti naman syang nilingon ako.
"Sige, tungkol saan ba?" Magsasalita na sana ako ng dumating si Mam Mariana.
"Hon, may meeting ka raw pinapasabi ni Edward, ngayon na.."
"Mamaya mo nalang siguro sabihin, Pearl." Natulala nalang ako ng lumabas na si Sir ng opisina. Nakatingin naman sa akin si Mam Mariana habang nakataas ang kilay nya sakin, naiwan pala sya rito.
"Hi! Pearl, right?" Pilit akong ngumiti at tumango. Parang wala lang nangyari sa amin noon, nung una kaming mag kita ay galit na galit sya sakin nun, nilalandi ko raw si Sir, muntikan nya na akong sabunutan mabuti nalang may dumating na tao. Kaya ilag na ako sa kanya.
"Sige po, Mam, may gagawin pa--"
"Are you really loyal to my love?" Tanong nya na para bang dudang duda sya sa akin.
"Lahat naman po ng nagtatrabaho ay loyal sa kanilang boss.." Medyo sarkastikong sagot ko.
"Bakit ba lagi kang nasa tabi nya ha? Pwede bang dumistansya ka naman sa kanya?! You're not his friend naman, he just needs you lang naman if may problem. So, don't you dare flirt with him! Hinding hindi ka naman nya magugustuhan!" Alam ko naman na ang bagay na yun, hindi na dapat pa akong umasa kay Sir pero masakit parin sa akin na marinig na Hinding hindi nya talaga ako magugustuhan. Hindi ko rin alam kung bakit ba lagi nalang galit si Mam Mariana.
"Aalis ka rin naman dito.." Napakunot nalang ang noo ko sa huling salitang binitiwan nya. Iba ang pakiramdam ko sa sinabi nya.
Nag-overtime na rin ako, maasikaso ko lang ang lahat. Maraming posibleng mangyari sa kin kapag ako ang nadiin sa bagay na to. Una, magagalit sa akin si Sir sa unang pagkakataon kung sakaling hindi sya maniwala na hindi ko naman talaga ginawa yun. Pangalawa, matatanggal ako sa trabaho at wala na akong maitutulong kina Mama. Pangatlo, may posibilidad na makulong ako.
Ayaw kong mangyari ang lahat ng iyon sa akin.
KINABUKASAN, nanibago ako sa araw na ito, hindi ako binati ng masiglang guard na si Manong Bert, pinagtitinginan din ako ng mga ibang empleyado saka ako pagbubulungan.
Pinilit kong hindi pansinin ang lahat ng iyon, huminga ako ng malalim saka muling tinahak ang daan sa opisina ni Sir Luhan.
"Pearl, let's talk." Pagpasok ko pa lang ay narinig ko na ang seryoso at ma-otoridad na boses ni Sir. Bad trip ba sya?
Pinaupo nya ako sa harapan nya at may inabot sya saking mga papeles.
Agad ko namang binasa yun, e-eto yung kahapon..
"Tinangka mo ba talagang kunin lahat ng yan?" Eto ang gusto kong sabihin sa kanya kahapon pero ngayon hindi ko na tuloy alam kung paniniwalaan nya pa ako.
"Sir, k-kilala nyo naman po ako diba? H-hindi ko po magagawa yan, yan po yung gusto kong sabihin sa inyo sa kahapon. Kahapon ko lang po nabasa ang dokumentong yan, i-imposible na ako--" Matalim ang titig nya sa akin na para bang pinipigilan nya ang galit nya.
"Pero pirma mo to diba?!" Tumaas na ang boses nya. Ang sakit na sa unang beses ay narinig kong sigawan nya ako.
"Posible pong may nag-forge nyan, pakiramdam ko po may gustong sumira sa akin, wala po talaga akong alam sa bagay na yan. Kahapon ko lang po yan nalaman lahat, wala rin po akong pinirmahang kahit ano nitong--" Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko, para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Pero Pearl, I trusted you.. Hindi ko kailanman naisip na papasok sa isip mo na gawin yan--"
"Sir! Hindi ko po talaga ginawa yun! Kahit hanapin nyo pa sa bank account ko ang pera, wala kayong makikita da--"
"Dahil naagapan ni Mariana ang lahat, kung hindi pa nya nalaman, malamang ay naitakbo mo na ang perang iyon.." Tumulo na ang luha ko, nawala sa isang iglap ang tiwala nya sa akin.
"Sir Luhan! Papatunayan ko pong wala akong--"
"I don't wanna hear your explanations anymore! Akala ko ikaw na ang pinaka mapagkakatiwalaang tao pero binigo mo ko! Tama si Mariana, hindi porket matagal na sa iyo ay kilala mo na.."
"You're. Fired." Matigas nya pang sabi. Hindi ko inakalang hahantong kami sa ganito.. Hindi ko na rin tinangka pa na magsalita, dahil alam kong hindi na sya maniniwala pa sa akin. Sirang sira na ako sa kanya, napapikit nalang ako habang inaayos ang mga gamit ko nang makaalis na dito.
Posibleng si Mam Mariana ang may kagagawan ng lahat ng ito, dahil sa pagbabanta nyang "aalis ka rin naman dito". Pero syempre, walang maniniwala sa akin, lalong hinding hindi maniniwala sa akin si Sir, sino ba naman ako? Eh yun yung taong mahal nya, ako empleyado lang nya at taong nandyan para sa kanya tuwing may kailangan sya.
Pero nagpapasalamat pa rin ako, nawalan man ako ng trabaho hindi nya ako sinampahan ng kaso.. Pero sa lahat ng natulong ko sa kanya at sa LM Grp. of Companies, ganito rin pala ang kababagsakan ko. Sa huli ay binalewala ako, at napagbintangan, maging ang reputasyon ko ay nasira na rin..
Agad na din akong umalis.. Iniisip ko ngayon kung saan ako magtatrabaho, hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho dahil kailangang magpadala sa probinsya. Buwan buwan ko ring binabayaran ang bills at upa sa apartment ko, daming gastusin. Hindi ko rin alam kung may tatanggap pa ba sa akin, kapag nalaman nila ang issue na yun, masasayang ang tinapos ko.
Kahit ano ngayon ay tatanggapin ko na, kahit waitress o janitress pa yan, pati street sweeper..
Napansin ko nalang na kanina pa pala tumutulo ang luha ko, nagulat naman ako ng makitang may tumatawag sa cellphone ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at saka huminga muna ng malalim.
"H-hello, Ma!" Pinilit kong siglahan ang boses ko dahil ayaw ko syang mag-alala.
"OK ka lang ba, nak?"
"Syempre naman po, kayo po musta kayo dyan?"
"Ayos lang din kami dito, nasa trabaho ngayon ang Kuya mo at si Bunso naman eto nasa school, saka kung makakauwi ka, magsabi ka ha.. Para sabay sabay tayong makadalaw sa puntod ng Papa mo sa death anniversary nya." Muli na namang tumulo ang mga luha ko, hindi ko masabi na baka hindi ako makauwi ngayon, wala akong pamasahe at baka hindi rin ako makapagpadala dahil kasalukuyan akong walang trabaho.
"S-sige po, Ma. Sasabihan ko nalang po kayo, may g-gagawin pa po pala ako.. Ingat po kayo dyan! Love you po!" Hindi ko na kaya, ibinaba ko na, baka mamaya ay bigla nalang akong umiyak kay Mama.
Buong linggo lang akong tumambay sa bahay ko, hindi ako lumabas.. Tamad na tamad akong kumilos simula ng nangyari, ilang araw na rin akong hindi naliligo puro instant na rin lahat ng kinakain ko, wala rin akong nakakausap.
Nang lumabas naman ako, nagpunta lang ako ng convenience store para bumili sana ng cup noodles pero napabili na rin ako ng canned beers..
Nung araw na yun, nakaubos ako ng halos sampung lata.. Matapos nun ay nakahilata na lang tuloy ako sa sakit ng ulo ko. Hindi ko alam bakit nga ba naman ako naglasing?
Hanggang sa magising naman ako sa nakakabinging alarm ko,
Pinapaalala pala na,
September 4,
'Mi Amor' musical :)
Nawalan na ako ng ganang pumunta.. Sino ba naman ang gaganahang manood kung ang dami ko pang problemang iniisip..
Binasa ko nalang muli ang libro at lalo lang akong naiyak at nabaliw..
Nagulat ako ng may mag-doorbell, pero mas nagulat ako ng makita kung sino ang tumambad sa harapan ko.
"Teka, bakit nandito ka?" Gulat na tanong ko sa kanya. Muli ko na namang nakita itong si Gus na, as usual ay naka-shades at naka-facemask pa rin.
"Hindi mo man lang ba ako papasukin?" Bakit ba kasi nya ako pinuntahan? Tinignan nya ako at bigla syang napaiwas ng tingin sa akin. Tsaka ko lang na-realize ang sabog kong itsura.
"Wait lang." Sinaraduhan ko muna sya ng pinto. Inayos ko muna ang loob ng apartment ko, maging ang sarili ko. Mabilisan akong nagsuklay ng buhok saka ko ito itinali. Nagsuot narin ako ng t-shirt para naman magmukha akong disente. Ang nipis kasi nitong suot kong sando dahil nasa bahay lang ako pati nitong maikli kong short. Chi-neck ko muna yung sarili ko sa salamin, saka ko sya muling pinagbuksan ng pinto.
Pagpasok nya, napansin kong nagpalinga-linga ang ulo nya sa buong apartment ko, pero kahit pa alam kong sa tingin nya ay maliit ito, maayos naman ito saka at least may natitirhan ako.
Saka, bakit ba kasi nya ko pinuntahan pa rito? Kung kailan wala ako sa mood at kung kailan hindi ako nakapaglinis ng apartment ko.
"Kung gusto mo ng kasama, sorry hindi ako makakasama, hindi ako manonood." Diretso kong sabi sa kanya. Nakaharap lang sya sakin kaya sa tingin ko'y nakatingin din sya sakin.
"A-are you okay?" Bahagyan namang napakunot ang noo ko sa tanong nya. Concern ba sya sakin? May pakialam sya sakin? Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon kaya wag na sana syang dumagdag pero kailangan ko rin ng makakausap.
"Hay, hindi ko rin alam.." Buntong hininga ko. Napapikit nalang ako ng muli ko na namang maalala ang mga nangyari sa akin.
"Something happened?" Tanong nya muli. Napa-facepalm nalang ako.. Gusto kong mag open kahit papaano para sana gumaan yung loob ko, ok lang naman sa akin kahit hindi sya makinig basta parang may mapagsabihan lang ako ng problema ko.
"Puede ka bang pagsabihan ng problema? A-alam mo kasi wala akong makausap ngayon.." Tumango lang sya at huminga naman ako ng malalim para magsimula.
"Ang sakit sa pakiramdam ng mapagbintangan, hindi mo naman ginawa pero ikaw ang dapat magbayad sa kasalanang iyon.. Ikaw ang nagipit dahil sayo isinisi.. Pero mas masakit pa roon ay nabigo ko ang taong malaki ang tiwala sa akin, galit na sya sa akin ngayon dahil sirang sira na ako sa kanya. Wala na rin akong trabaho, wala na kong maitutulong sa pamilya ko.." Nakakainis! Bigla na namang tumulo ang luha ko. Akala ko, okay na ko, pero hindi parin pala. Nakakahiya tuloy nakita nya pa kong umiyak, sya naman tahimik lang habang nakaharap pa rin sa akin.
"Ano ba yan! Nakakahiya naman nakita mo pa akong umiyak!" Agad kong pinunasan ang luha ko, saka tumawa. Para gumaan yung atmosphere. At baka kasi kaawaan nya ako saka para makita nyang ayos na ako.
"Hala! Para na tuloy akong baliw! Kakaiyak ko lang tapos tumatawa na ako." Natatawa nalang ako sa sarili ko habang sya, tahimik parin talaga. Sa tagal nyang nakaharap sa akin, pakiramdam ko nakatitig sya sakin ngayong naka-shades sya.
"Nababaliw na nga ako rito, ang tahimik mo pa rin!" Tawa ko pa.
"What should I say?" Ha? Hindi nya alam ang gagawin nya? Hindi siguro sya sanay sa mga ganitong bagay at makakita ng nababaliw na tao sa harapan nya.
"Bakit say? Baka anong dapat mong gawin? Kapag may umiiyak dapat niyayakap mo, ganun ang pag-comfort no!" Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko. Tama naman talaga, ganun ang naiisip ng tao na gawin nya para ma-comfort ang isang tao. Pero, sya hindi nya naisip? Sayang naman hindi ko mararanasang mayakap ng isang kung sino mang sikat na artista o singer..
"Hay! Bawal mo ba kong yakapin? Sayang naman! Sa tingin ko talaga artista ka eh! Swerte ko na sana pero swerte ko na rin dahil tignan mo ang isang artista ay dinadalaw ako sa bahay ko!" Ginagawa ko naman lahat para pagsalitain sya at kausapin ako pero wala eh, tahimik talaga tong si Gus.
"Maligo ka na." Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Pasimple kong inamoy ang sarili ko at hindi naman ako amoy bayabas kahit wala pa akong ligo.
"Bakit? Ganyan na ba ako kabaho, at umabot na ang amoy ko sa kinauupuan mo.." Sagot ko sa kanya.
"Maligo ka na o gusto mong ako pa ang magpaligo sayo.." Napayakap naman ako sa sarili kong katawan. Bakit nya ba kasi ako gustong maligo?
"Teka, bakit nga muna kasi?"
"Aalis tayo." Nagulat ako sa sinabi nya pero kalauna'y napangiti na rin ako. Saan kaya kami pupunta? Wow ha! Feeling close na rin sya.. Pero, swerte ko talaga feeling ko kasi artista talaga sya tapos syempre may friend na akong artista ngayon oh!
"Teka, treat mo ba yan? Wala kasi akong pera.." Nahihiya ko pang sabi sa kanya. Wala na talaga ako ngayon, pangkain nalang yung budget ko at wala ng panglakwartsa. Tanging tango lang ang isinagot nya sa akin.
Nagsuot lang ako ng yellow sleeveless top, denim skirt at white sneakers, saka nag-ayos ako ng kaunti. Okay naman na siguro to? Kasi naman eh, napaka-maporma nya kaya nakakahiyang hindi mag-ayos.
"T-tara na.." Nagtaka naman ako sa kanya nung parang nailang sya sakin paglabas ko kung saan sya naghihintay.
"A-ako na.." Akmang susuutan na naman nya ako ng helmet pero inunahan ko na sya.. Kinabahan na naman ako, kasi kakapit na naman nga pala ako sa kanya, naka-motor kasi sya ulit eh.
Umangkas na ako sa likuran nya at natigilan na naman sya saka ako nilingon. Bakit na naman ba? Natataranta talaga ako sa tuwing napapatingin sya sakin.
"A-ah, oo nga pala.." Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakapit. Nagmadali akong magdesisyon at napili kong sa balikat nalang nya para hindi nya na higitin pa muli ang mga kamay ko. Mas komportable na rito.
"Ok ka na dyan?" Tanong pa nya sa akin at tumango nalang ako. Bakit ba kasi? Gusto ba nyang sa may tiyan nya ulit ako kakapit? Naiilang nga ako eh. Tsaka baka isipin nyang china-chansingan ko pa sya.
***
"Teka, bakit tayo nandito?" Takang tanong ko nung makita ko na nandito kami sa lugar na pag-gaganapan ng musical. Hindi nya ko pinansin at nagtuloy-tuloy lang sya sa pagpasok sa loob kaya sumunod naman ako.
"Diba tapos na? Ano pang aabutan--" Dagdag ko pa kasi wala nang tao sa loob tanging mga nag-aayos nalang.
"It's not finished yet, magsisimula pa lang." Lalo naman akong nagtaka sa isinagot nya. Ang kulit nya. Hindi ba nya nakikita to?
Wala na ngang tao sa loob at napatingin sa tuloy sa amin ang staff. Nagulat ako ng may nag-assist samin at sinabi nitong maupo na kami.
Umupo kami sa may harapan, at muli akong nagulat ng makitang bumukas ang kurtina kasabay ng pagkislap ng mga ilaw sa stage.
Nang magsimula ang play ay, manghang manghang naman ako. Ito kasi ang unang beses kong makapanood sa teatro, gayang gaya rin ang istorya nito sa libro, nakakakilig talaga ang bidang sina Gustave at Suzanne.. Napapasayaw na nga rin ako sa tugtugan pati ang sarap sa mata nung mga makukulay nilang props.
Napaluha nalang ako, ito na yung part na mamamatay si Gustave huhu nakakaiyak talaga to.. Kung kailan mahal na mahal na nila ang isa't isa eh. Buti pa tong katabi ko parang wala lang sa kanya, hindi sya emosyonal.. Pagtingin ko sa kanya ay napaiwas sya ng tingin. Teka, kanina pa ba sya nakatingin sa akin?
Bigla naman nya akong inabutan ng panyo, agad ko rin iyong tinanggap.. Kahit natapos na ang pinapanood namin ay hindi ko parin maawat ang pagtulo ng luha ko.
"Salamat.. Hay! Nakakainis talaga! Kahit ilang beses ko ng nabasa ang kwentong yan, naiiyak parin ako.. Bakit ba kasi hindi sila nagkatuluyan? Bakit kailangang patayin ng author yung isang bida? Bakit tragic? Huhuhu.." Palabas na kami pero napatigil kami sa paglalakad.
"Eh ikaw pala, paano mo nagustuhan ang kwentong yan?" Tanong ko pa kasi ang tahimik nya talagang tao. Napaka-bihirang magsalita.
"Cause that story reminds me of someone.." Napaisip naman ako. Eh? Parang napansin kong ang lungkot nga ng boses nya.
"Tragic din ang love life mo?" Tanong ko pa..
"She loves writing novels, so I love all the novels she wrote.."
"Kilala mo ang author ng Mi Amor?"
"Yeah, she's my mom." Nagulat naman ako sa sinagot nya.
"Kaya pala minahal mo na rin siguro ang genre na romance, so ibig sabihin nabasa mo na lahat ng novels nya?" Tumango naman sya. Muli tuloy akong namangha, isa palang ang nababasa kong libro ng author ng Mi Amor, masyado kasing mahal ang mga libro nito, mahirap ding maghanap at laging limited edition.. Tsaka ko lang naalalang, pumanaw na noon pa ang author na iyon, kailangan kong humingi ng paumanhin sa pagpapaalala nito sa kanya dahil baka malungkot sya dahil masakit talaga ang mawalan ng mahal sa buhay.
"Dapat pala hindi na kita tinanong, hindi ko sinasadyang maipaalala sayo yun.." Nahihiya ko pang sabi. Pero parang binalewala lang naman nya ang sinabi ko.
"What if I offer you a job?"
---