Ilang buwan na ang lumipas pagkatapos ng mga nangyari. At kahit pa sinasabi kong “healed” na ako, hindi naman gano’n kabilis ang pagbalik sa dati. Pero unti-unti… natuto akong mabuhay ng normal ulit. Pabilis rin nang pabilis ang mga araw sa school. Finals, intrams, mga kwentuhan nina Rina at Cristy. Minsan nahuhulu ko na ang sarili kong nakangiti kahit papaano. I’d laugh with them during lunch, complain about quizzes, or makipag-asaran during break time. Pero hindi pa rin nawawala ang ilang bagay. Kapag may biglang hahawak sa braso ko, kahit pa kaibigan ay napapaatras pa rin ako bigla. Kapag may malakas na tunog, napapikit ako nang mariin. Pero hindi na kasing lala noon. Hindi na ako nauupos sa sahig katulad dati. I was trying. At kahit never naming pinag-usapan, alam kong sinusundan

