The year I turned seventeen felt like a long waiting. Hindi dahil sa birthday, hindi sa graduation, hindi sa kung sinong lalaki… pero sa isang ending na alam kong papalapit kahit pilit ko pang i-deny. Parang bawat buwan may nawawala. Bawat linggo may humihina. Bawat araw may lumalamig. At kahit anong pilit kong magmukhang okay, nasa likod ng bawat ngiti ko ang isang tanong na hindi ko masabi. Gaano pa katagal? Gaano pa kami magkakasama? Ang unang beses kong humawak ng manibela ay isang Sabado ng hapon. Mainit, maaraw, at ang hangin ay may amoy ng alikabok at bagong wax sa kotse. Si Ate Nikki ang in-hire ni Timothy para turuan ako. “Relax lang, ma’am,” sabi ni Ate Nikki habang tinuturo kung paano i-adjust yung upuan. “Hawakan mo nang maayos. Wag masyadong dikit sa manibela.” Nakangiti

