Drew’s POV Pagkatapos kong dalawin si Caleb, dumiretso na ako sa shooting. Sa totoo lang, wala akong gana. Parang may kulang, o baka dahil hindi ko nakita si Almira. Ano bang nangyayari sa akin? Ang eksena namin ngayon ay masaya: magkakaibigan kami, at kakapromote lang sa trabaho ng karakter ko. Dapat ay madali lang ito. Pero kahit nagawa ko nang maayos, parang sobrang pagod ako. Pag-upo ko sa director’s chair, kinuha ko ang cellphone ko. Hinanap ko si Almira sa IG at f*******:. Nang makita ko ang profile niya, napangiti ako. Parang nabawasan ang lungkot ko. Pero maya-maya, napahinto ako. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Ganito ko na ba siya ka-miss, eh kaninang umaga lang naman kami nagkita? Napahinga ako nang malalim, tapos bigla akong napasigaw ng mahina. Napatingin tuloy ang PA ko.

