After two months... "Apo, may sulat na naman mula sa isang Shahid Raganit ng SSR Development Corporation. Ano ba ito?" anang lola ni Reign at napasimangot siya. Isang proposal iyon dahil gusto nitong mag-invest sa rancho. Napailing siya dahil kahit pa legit ang iyon, parang hindi niya makuhang magtiwala. Isa iyong foreign real estate developer. Ni hindi man lang nag-occular inspect kaya hindi na niya iyon pinapansin. "Wala ho 'yan," aniya saka pinunasan ang kamay. Kasalukuyan niyang pinaliguan si Tweety. Namatay na ang unang Tweety niya at pinangalanan niya ang bagong kabayo din ng ganoon. Isa pa'y naaalala niya si Wryle sa tuwing nakikita iyon. Parang nakikinikinita niyang pinaliliguan nito iyon at siya naman ay nagpapa-cute habang abala ito. Napabuntong hininga siya. Hindi na talaga i

