Kabanata 19: Para sa kaibigan

2197 Words
19 Dinig ko ang mabagal niyang paghinga, kabaliktaran naman sa akin na animo'y nauubusan ako ng hangin sa baga.  Humigop ako ng hangin. Pilit pinapalakas ang loob. Iisa lang naman ang aking pakay kung bakit ako tumawag, at kailangan ko ng sabihin sa kanya ng diretsuhan. "K-kuya...a-ano. Pwede ko ba bigay number mo sa iba?" Halos kagat labi kong sabi. Napunan ng ilang minutong katahimikan ang kabilang linya nang hindi siya agad sumagot ngunit nang magsimula na siyang umusap—ang kaninang walang emosyon niyang tono ay tila nagbago sa isang segundo. Ngayon, ito'y nakakatakot, nakakamatay.  "Aren't you going to ask about me first?" Nakaramdam ako ng pinaghalong kaba at hiya sa sinabi niya. "I'm s-sorry kuya...g-gusto ko lang sana ipaalam sayo kung bakit ako tumawag..." "Why do they need my number?" "A-ano kasi..." Ano ba ang pwede kong dahilan? Sa tingin ko si kuya ang taong hindi tatanggap ng kung anong dahilan. Kaya sa ganitong isipin ako nahirapan. Paano ko ba to lulusutan? "Tell me," Siguro maganda ngang sabihin na lang ang katotohanan kaysa paikutin niya ako sa mga tanong niya na alam kong magreresulta lang rin sa pagsasabi ng tunay kong pakay. "H-hinihingi n-ng kaschoolmate ko kuya..." Pag-amin ko sa kanya. Biglang natahimik ang linya, at wala na akong ibang narinig kundi ang t***k ng puso ko. Habang nagbubuhol-buhol ang mga nasa isipan ko, patuloy na kinakabahan sa kung ano ang iniisip ni kuya, hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi. "No," Hindi ko inisip na tatanggi siya... "Ano kuya?" "I said no, loud and clear," "P-pero kasi kuya...malaking bagay to para sa akin. T-tatanggapin nila ako. Magiging kaibigan daw ako kapag—" "Do I have to repeat myself?" "Ano kasi kuya...baka anong masabi nila s-a akin, umaasa pa naman sila," "Kahit lumuhod pa sila," Humigop ako ng malalim na hininga. Hindi ito pwede. Magagalit sila sa akin. Sila lang ang natatanging kaibigan ko, hindi ko sila pwedeng bitawan. Ito na ang tsansa ko, ang matagal ko ng hinihingi. "K-kuya ayokong madissapoint sila. G-gusto ko rin naman m-mapuri... gusto kong natutuwa sila sa akin," Pinipigil ko ang boses humikbi, hindi ako naiiyak dahil tinanggihan niya ako, ngunit nalulungkot ako sa isiping hinding-hindi niya talaga ako tutulungan. "Fine. Give them. But I will tell them that you're not my sister," Bahagya akong natigilan sa narinig. Hirap akong umapuhap ng hangin. Hindi pwede iyon mangyari... tutal nakilala lang naman ako dahil sa pangalan ni kuya. Kinakaibigan dahil sa kanya... "Gusto kong malaman nilang hindi kita kapatid," Pagklaklaro niya uli sapagkat hindi ako sumasagot. "Pero bakit? K-kuya kahit saang dokumento ko! Magkapatid na tayo!" Nakarinig ako ng tila nabasag na salamin sa kabilang linya. Pakiramdam kong sadya niya iyon ipinarinig sa akin. Sa puntong ito, hindi ko napansin kanina ko pa pala mahigpit na kinakapitan ang dulo ng aking damit. "Rose...why do you want to be favoured by them so much!?" Ramdam ko ang galit sa tono niya. Ang diin at lalim nito. Gayunpaman, hindi ako nag-patinag. "Kasi wala akong kaibigan! Miski dito!" Hindi ko na napigilan ang maiyak. Kahit anong pilit kong pigilan tuluyan nang kumuwala ang panginginig ng boses ko. Totoo naman. Magisa lang ako, may pangangailangan rin ako, ang pakikihalubilo, ang maramdamang katanggap-tanggap ka ng iba. Bakit hindi niya iyon maintindihan? Ganito ba kalungkot ang buhay ni kuya? Sa puntong kung ano ang naranasan niya, nais niya rin ipamalas sa akin. Pero magkaiba kami. Kung siya'y mapag-isa, kabaligtaran naman ako. Lumaki ako sa isiping may kasiyahan kapag may mga taong nagmamahal sayong nakapaligid. Iyon ang paniniwala namin sa bahay-ampunan. "I told you already, you can't have anyone but me," Gusto kong umalma. "P-parang awa mo na k-kuya. Wag mo akong idamay. Kailangan ko rin ang tulong nila, ang tulong ng iba... kaya marunong ka rin sana humingi ng tulong kung malungkot ka!" Sobrang emosyonal ko na kaya wala ng preno ang bibig ko. Minsan na akong iniwan mag-isa. Sa madilim na bahagi sa bahay nina auntie...sa lugar na ayoko ng balikan...sa lugar na walang nakinig sa paghingi ko ng saklolo... Narinig ko ang mahinang halakhak ni kuya. "You've become fiercer," Kahit hindi ko siya kaharap, ang nakangiti niyang imahe ang nakikita ko. Sobrang layo namin sa isa't isa pero parang napakalapit niya lang sa akin. "If they...truly want you, they'd accept you regardless of my answer," Umiling ako na parang tanga, na animo'y nandito lang siya. "K-kuya... H-hindi nila ako tatanggapin! Ayaw nila ng mahihirap! Ayaw nila sa taong tulad ko!" "What person are you Rose? What exactly are you afraid of?" Biglaan akong nahinto dahil miski ako naguguluhan na rin. Nang una natatakot lang ako kay kuya, ngayong wala na siya sa pinoproblema ko, natatakot naman akong bumalik sa dati gayong nasa akin na ang lahat ng inaasam ko. Pamilya, edukasyon...pagmamahal... "S-sa t-totoo lang... Masaya ako..." Ngumiti ako ng mapait. "—masayang mayaman kayo. S-sa unang pagkakataon may pangalan na ako! Pangalan na kilala!" Wala akong ibang tinutukoy kundi ang apelyido nilang halos halikan ng mga tao sa papuri. De Luca Industries. Kaya pala matunugan lang nila, iba agad ang trato sa akin. "Y-you don't know how l-lucky you are, kuya..." Pangalawang pagkakataon na niyang mapahalakhak. "This is probably my first time hearing you speak english. Nagbago ka na. Baka pagbalik ko hindi na kita kilala hmm?" "Ilang buwan...hindi. Siguro nga isang taon na ata simula ng mabago buhay ko. K-kailangan kong m-matuto sa kagawian niyo," "You will never be one of us, Rose. You will always be no one to them, but for me?" Tumigil siya sa pagsasalita ng marinig ko ang pagtikhim niya. "—you're the only one who can control me. Satiate my needs. At dahil takot ka sa dugo, I stopped threatening people. Stop my drive and lust for it. Hindi mo ba nakikita ang sakripisyo ko para lang sayo?" "Mali ka. Wala kang sinakripisyo! Ako ang pinagbubuntunan mo sa kung anong kagustuhan mo!" "Because you don't know how to listen. Hinayaan kita ng una... But you lured me. Kung ano-ano ang sinabi mo tungkol sa pagmamahal..." Huminga siya ng malalim at tumawa. "—kaya masisisi mo ba ako kung totohanin natin ang mga sinabi mo?" Hinawakan ko ang ulo. "You'd love me no matter what, that's what you said," Sa sobrang galit ko, hindi ko namalayang naibato ko ang cellphone na hawak. ____ TATLONG ARAW, halos inaraw-araw ako kung paalalahanan. Hanggang ngayon mabait pa rin naman ang turing sa akin nina Polly, parang wala namang pinagbago, ang ikinababahala ko lang ay ang panay nilang pagbanggit sa akin ng hinihingi nila. Hindi lang sila, miski na ang senior kong si ate Lucy. Hindi niya ako tinantanan. Madalas niyang mabanggit sa akin ang hiningi niyang pabor. Ang sinabi ko sa kanya'y may inaabala si kuya, pero hindi ko inaasahan ang mga nasabi niya sa akin. "Baka may babae na kuya mo?" Nagulat ako sa narinig. Ano ba sila? At sino ba siya para makademanda sa akin ng basta-basta? Totoong gusto kong makipagkaibigan sa kanya kaso hindi ako mapakali sa inaasta niya. Pati ang pananalita niya'y nagiging bayolente. "W-wala ate... At k-kung meron man, labas na tayo don," Hinampas niya ang katabing locker ko. Kaunti na lang, konting lakas na lang, mayuyupi na ito sa kanyang pwersa. "Rose...tulungan mo ako. Diba magkaibigan naman tayo? Seriously, what's taking so long?" Napalunok ako sa walang preno niyang tanong. "Number lang...mahirap ba yon?" "Bakit ako ate ang iniipit niyo? Hindi niyo ba siya nahingian dati? Baka mayroong iba dyan na may alam," Tinignan niya ako ng diretsahan sa mata. "I will not ask you if I know," Huminga siya ng malalim, at bahagyang lumayo sa akin. "Ano bang meron kay kuya?" Nasa kalagitnaan kami ng hallway. Laking pasasalamat ko at walang estudyante, sa sobrang lawak ng paaralang ito, may mga lugar na sadyang bakante. "He's intelligent, athletic,...handsome, and the heir to your family's conglomerate. He's the perfect package you can say. My father wants our family to merge in business, at ako, gusto ko ang kuya mo," Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Nakikita mo ba ang kinabukasan nating dalawa? De Luca's real estate combined with my father's construction company, we will be on top. Malapit na akong gumadruate ng highschool, malapit na akong maging tagapagmana. I'll take everything one step a time...kailangan ko mapalapit sa kuya mo. He would understand..." Kinagat ko ang labi at inagaw ang aking kamay sa kanyang kapit. "I'm not like you, ate. Hindi business ang inaatupag ko o ang anumang relasyon na saklaw non. Hindi ko maintindihan..." Humigop siya ng hangin. "Of course, you're still just a kid. You wouldn't understand. It's not just about the money, Rose. May gusto rin ako sa kuya mo, hindi ba't sinabi ko na ito sayo?" Yun nga ang problema...ano ba ang nagustuhan niya kay kuya? Imbis na sumagot, hindi na ako nagsalita pa, tutal magkaiba nga kami ng lebel ng pagiisip. Baka nga masyado lang akong bata para maintindihan. Kahit labag sa kalooban ko, at kahit alam kong malalagot ako. Sa huli, pumayag na ako. Binigay ko na ang numero ni kuya, sa ayaw man niya o sa hindi. Binigay ko pa rin kay ate Lucy at sa mga kaibigan ko ang ilang araw na nilang inuungot sa akin. NASA KALAGITNAAN ako ng klase nang maramdaman ang nagbabadyang antok. Nitong mga nakaraang gabi, parang bihira na lang ako kung makatulog, at marahil ang dahilan ay ang pagkabahala ko sa maraming bagay. Minsan na akong napatawag sa office ni Mam Hyacinth. Pinagsabihan niya ako ukol sa pag-aaral ko. Mababa pa rin ang grado ko sa ingles at hindi ko mapigilan mabahala nang pagdudahan niya ang pagiging miyembro ko ng pamilya De Luca. Nabanggit niyang kilala sa angking talino ang pamilya ko, sila'y mga talentado, sopistikada, at hindi musmos sa karunungan. Lahat daw ng iyon ay taliwas ako. Bagama't magaling ako sa Filipino, pinamukha niya sa akin na hindi lahat ng tagumpay ay pwedeng ipagmalaki. Siguro nga utak kolonyal sila, mga makamundo, gaya ng turo sa akin ni Mother Elena. Kung bakit mas marami pa akong natutunan sa bahay-ampunan pagdating sa pagkatao? Hindi ko rin mawari... "Rose!" Bigla akong napatayo sa malakas na sigaw. Sa aking harapan, nagngingitngit si Mr. Lucio habang hawak-hawak ang kanyang patpat. "I've been calling you multiple times! Stupid! Hindi porket maimpluwensya ang pamilya mo ay aanga-anga ka na lang dyan," Hinampas niya ang patpat sa pisara. "Tell me what is the economic system where people can own property and business...and who are also free to decide what to make, how much to make, and what price to charge," Pinikit ko ang mata. Ito na naman kami sa tanungang negosyo at ekonomiya. Isa sa mga asignaturang hindi ko maunawaan ng husto. Kung dati ingles lang pinoproblema ko, ngayon mas pinalawig pa ang suliranin ko. Ilang minuto akong hindi nakasagot. Hanggang sa marinig ko ang mahinang bulong sa akin ni Polly sa gilid. "Free enterprise," Mahina niyang bulong habang nagpapanggap na nagdradrawing sa papel. "Free enterprise," Medyo nahihiya kong sabi, gayong hindi ko naman talaga alam ang sagot. Tumango sa akin si Mr. Lucio at hinayaan na akong makaupo, bago magpatuloy sa diskusyon. Hinintay ko talaga matapos ang klase para pasalamatan si Polly, dahil kung hindi, tiyak ay mapapahiya na naman ako sa harap nilang lahat. At nang matapos ang klase, siya a g una kong pinuntahan. "Polly, thank you. Sobrang salamat sa pagtulong sa akin. Kaunti na lang ay aatakihin na ata ako kanina sa kaba," Ani ko sa kanya, kapit-kapit ang aking dibdib. "No worries, Rose. What are friends for...diba?" Wika niya pabalik, bahagya pa akong kinindatan. "Atsaka... Binigay mo kay Sam ang number ng kuya mo, like what you promised. This is also our way of repaying you back," Bigla akong nilapitan ni Samantha at isinukbit ang kanyang braso sa akin. Sumunod si Bernadette na bahagyang nagpulbo muna. "Finally! We can go home!" Masayang bungad niya sa amin. Tumango silang lahat, maliban sa akin nang maalalang nakalimutan kong kunin ang notes sa locker ko. "Teka lang, kailangan ko muna kunin notes ko sa locker. Kailangan ko mag-aral para di na uli ako aasa ng sagot," Pagamin ko sa kanila na alam kong naunawaan naman nila. "But seriously, Rose. Hindi kami makapaniwala na nahihirapan ka sa business subjects natin. Like come on, we are raised and taught that since we were born. I mean, lahat tayo may mamanahin. Don't you think it's your responsibility to at least know more about it?" Bahagya akong napakamot ng ulo sa sinabi ni Samantha. Ilan sa mga estudyante ang napatingin sa amin habang naglalakad sa hallway, at ang madalas nilang batiin ay walang iba kundi ako. "Iba kasi pinag-aralan ko nung bata... Sinanay ako sa bibliya, sa salita ng Diyos," "I didn't know that your family is religious," Wala ako naging imik. Hanggang marating namin ang kinalalagyan ng mga lockers, hindi ako nakapagsalita. Binuksan ko ang aking locker, at ang bumungad sa akin ay sadya kong ikinabigla. Sa gitna, kung saan naiipit ng dalawang libro, isang rosas ang nasilayan ko.  Dahan-dahan akong napaatras. Hindi ako masyadong nabahala sa pagkakataong may nangialam ng locker ko, ngunit mas nabahala ako nang masilayang walang ni isang tinik ang bulaklak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD