20
Nasa harapan ngayon si Mam Hyacinth habang binubura ang white board. Kanina ko pa pasimpleng niyayakap ang sarili dala ng naiwan ko ang jacket sa bahay, at sobra akong giniginaw sa lamig na hatid ng aircon. Hindi tulad nina Poppy na animo'y sanay na sanay na, nanatili silang nakatutok sa harapan.
"Okay class, today we won't be discussing..."
Napuno ng hiyawan ang klase, iba ay pumalakpak lamang. Hindi ako naka-kilos.
"But... doesn't mean we won't be doing anything today,"
"...such a disappointment," Halos bulungan mg iba.
"Teacher Hya, I thought today is rest day?"
Nilingon ni Teacher Hyacinth ang nagtaas-kamay na si Bernadette.
"I know...but today is rather special. Mag-eelect tayo ng class officers and of course, find our representative for our Mr and Ms. Aphrodite contest,"
Halos hindi magkamayaw ang iba sa kanilang upuan sa nadinig, samantalang ako naman ay nanatiling walang kaalam-alam sa nangyayari. Gusto kong tapikin si Poppy ngunit humugot na si mam Hyacinth ng record book mula sa kanyang desk.
"Today we will be casting our votes. First up, I now open the nomination for the class president,"
Lahat ata ng katanungan ko ay tila nasagot matapos kong masaksihang ma-nominate si Poppy at Sam sa posisyong class president. Nilibot ko ang kabuuan ng classroom, masyado akong mapagmasid kaya hindi nakatakas sa aking paningin ang iilang ekspresyon ng mga kaklase ko.
Nakita ko ang iba'y tila nagaalangan mag-nominate. Itataas nila ang kamay sa ere bago ito ibaba uli na parang may pangamba. Sa huli, natapos ang nomination sa dalawang pangalan, at ang nanalo ay walang iba kundi si Poppy.
Dumaan ang mga sumunod na posisyon, pababa ng sekretarya ay nagkaroon na ng kalayaan ang iba magnominate. Kung presidente si Poppy, awtomatikong vice-president si Sam. Ang secretary naman ay si Bernadette.
Pansin ko lang pero ayokong ipalagay agad, tila mataas ang tingin ng mga kaklase ko sa mga kaibigan ko, ang kataka-taka'y pati sa akin masyado silang mabait. Madalas nila akong purihin kahit wala namang kapuri-puri sa akin.
Kahit alam nilang ako ang may pinakamababang marka sa mga asignatura, hindi nila ako kinukutya... datapwat parang sinusuportahan pa nila ako.
"Now...we will now choose the persons who will be our muse and escort,"
Nagsipalakpakan ang lahat, animo'y pinaka-inaabangan itong pangyayari. Sumenyas si Mam Hyacinth at dahan-dahang namatay ang palakpakan.
"Magsimula tayo sa escort natin,"
Halos limang tao ang nagtaas ng kamay. Si May na mestiza kong kaklase ang unang nagsalita.
"I nominate Alexander Nixon,"
"Ohhhh" Sabay-sabay na reaksyon ng mga kaklase ko, ako naman ay napa-tango na lang din.
Unang kita ko kay Alexander ay nang tawagin siya sa harapan ni Mam Edelyn, ang math teacher namin. Aaminin kong napaka-pogi niyang lalaki—may lahing banyaga, half Japanese at German sa aking pagkakarinig. Kung wala lang laman ang puso ko, baka isa na rin siya sa magiging crush ko. Kaso sa bokabularyo ko, isang lalaki lang na magustuhan ko ay sasapat na.
Sunod-sunod na ang nag-nominate. Naisama si Sol, Elijah at Oliver sa pisara.
"Rose...kanino ka boboto?"
Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong si Samantha ang mahinang bumulong mula sa likod ko. Bahagya akong sumandal sa upuan at napaisip.
"Baka kay Alexander," Ani ko sa kanya pabalik. "Malakas kasi charisma niya at tingnan mo naman napakatangkad niya kumpara sa tatlo,"
"I'm glad we're in the same boat,"
Naputol ang aming usapan nang magsimula ng magsalita si mam Hyacinth. Ngayong nasa harapan na ang apat na lalaki—na kapwa magagandang lalaki naman, iba pa rin talaga ang datingan sa akin ni Alexander.
"The votings will now start,"
At gaya ng kanina, nagsimula na ng botohan. Nang mabanggit ang pangalan ni Alexander kasama ako sa nagtaas ng kamay. Pati mga kaibigan ko ay nagsitaasan, si Poppy nga ay medyo nagmamadali pa sa kanyang pagboto.
Medyo nailang lang ako nang makatagpuan ng aking mata ang tingin ni Alexander, at walang sabi itong ngumiti sa gawi ko. Nilingon ko si Samantha kung sa kanya ba ito ngumiti pero kinunutan lang ako ng noo ni Sam. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari.
Sa huli, at gaya ng inaasahan, nanalo si Alexander. Nagsipalakpakan ang lahat at nagsi-upuan na rin ang mga delegado.
"Now for our Muse and our supposed Aphrodite. I, now open the floor for nomination,"
Mabilis na nagtaas kamay si Bernadette. "I nominate Poppy!"
"Okay! Poppy it is," Nagsimula nang magsulat si Mam Hyacinth sa pisara.
Inulan ng iilang tingin ang gawi ni Poppy, ang iba parang napatango na lang. Miski ako ay napatingin kay Poppy na ngayo'y may malaking ngisi sa mukha. Base sa kanyang ekspresyon, mukhang ito ang pinakaabangan niya.
Masaya naman ako kay Poppy. Beauty and brain siya kaya tiyak na siya ang magandang pambato. Marami man akong naggagandahang mga kaklase, hindi ko rin naman maitatanggi ang kakayahan ng kaibigan ko makipagsabayan.
Nagising ako sa huwisyo nang makarinig ng mga nagulat na bulalas.
"Tama ba nakikita ko? Si Alexander nagtaas kamay?"
"The cold Alexander...I can't believe he'd participate,"
Tila hindi makapaniwala ang iba sa nangyari. Miski si Poppy na ilang pulgada lang ang layo sa akin ay nagulat at napalingon sa kanyang likod.
Naapawan ang mga bulong-bulungan nang tawagin si Alexander ni Mam Hyacinth. "First time ko atang makita si Alexander na sumali sa ganitong nomination. Sino inonominate mo?"
Tumayo si Alexander sa kinauupuan, at sa isang iglap, umarangkada ang puso ko nang mapatingin siya sa akin.
"I nominate Ms. Rose De Luca for muse,"
Napanganga ako sa gulat.
Habang naiwan akong tigagal, narinig ko ang malakas na pagsang-ayon ni Maribel na nasa pinakaunang hilera ng upuan.
"Oo nga noh!" Ani ni Maribell. "Maganda naman si Rose, pero di ko lang naisip i-nominate kasi ang tahimik!"
Sumabat si Rendell. "Yes, she's beautiful but I don't think she has that much confidence in her. But still, may laban talaga,"
Bahagya akong kinabahan, lalo na nang magtagis ang paningin namin ni Poppy. Pero laking gulat ko nang hindi naman siya nagalit. Sa halip, nginitian niya ako.
"Of course, wala akong kaibigan na panget at walang tayo," Bigkas niya na talaga namang kinagulat ko.
Nilingon ko si Mam Hyacinth. "Mam...w-wag ako please. Wala akong maisasagot sa question and answer...talagang matatalo tayo dahil sa akin,"
Nagsitawanan ang buong klase, miski na si teacher Hyacinth. Buong akala nila siguro ay nagbibiro ako, pero ang katunayan niyan, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"It's alright Rose. Tutal matagal pa naman. I'm sure may oras ka para paghandaan at para magaral. Magiging madali na lang iyon sayo lalo na't madali na sayo magkatutor,"
Hindi ako umimik.
Malaki ang kumpyansa ko na kilala ako ng mga kaklase ko. Alam kong alam nila na hindi ako matalino. Hindi rin ako magaling sumagot. Sadyang maraming pagkukulang sa akin. Kaya naman malakas ang kutob kong mananalo si Poppy, tutal kilala siya dito, at animo'y prinsesa nga ang turing sa kanya.
Ngunit, sa ilang pagkakataon, pinagdudahan ko ang sarili. Laking pagkakamali kong hindi pala ako iboboto, sapagkat ang kinalabasan—ako na pala talaga ang representante.
_____
HABANG NAGLALAKAD sa hallway, hindi ko magawang tignan sa mata si Poppy. Base pa lang sa kinikilos niya kanina, malakas na ang kutob kong mas ninanais niya maging muse kaysa maging president.
"Sayang si Poppy noh... I mean, pwede rin siya maging muse,"
Hinihiling kong hindi na sana banggitin nina Bernadette ang bagay na iyon, ngunit mga bata nga naman. Minsan hindi na namin mapigilan ang sariling bunganga. Ramdam kong pansin nila ang panlulumo ko. Bukod sa pakiramdam ko'y naagawan ko sa posisyon ang kaibigan ko, kinatatakutan ko din ang patimpalak na ito. Malayong-malayo ito sa karakter ko at kakayahan.
Narinig kong nagbuntomg-hininga si Poppy, maya-maya sinukbit niya ang braso sa akin. "Well, I'm fine not being the muse. Ang mahalaga ang grupo natin ay pasok sa class listings. No one should be left behind, right?"
"Oo nga, atsaka sa ating tatlo, si Rose ang walang pwesto sa officers kaya maganda na rin ito," Dagdag ni Sam na animo'y pinapagaan ang loob.
Pati ako ay napahigop ng malalim na hininga. "Pasensya na Poppy...hindi ko naman ginustong makisinggit sa kung ano ang gusto mo," Pinakita ko talaga sa kanya ang sinseridad sa mga sinabi ko kaya hinawakan ko ang kanyang kamay ng buong puso.
Iniling niya lamang ang ulo. "Rose...It's okay...besides, there will be many more years to come. At nakasali naman ako last year, sadly third placer lang. Maganda na rin na iba muna ang tumakbo," Hinawakan niya ang balikat ko at muli akong nginitian. "Goodluck, Rose. We will always support you,"
Halos maiyak ako sa narinig. Niyakap ko sila isa-isa ng mahigpit. Matapos marinig ang suporta nila, parang may isang bahagi sa akin ang nabuhayan at nabigyang pagasa. Alam kong kaya ko to. Hanggat nandito sila, hindi ako uurong.
First time kong lalaban hindi lang para sa kanila pero para na rin may mapatunayan ako...
TUWING UWIAN, parang mantra na namin ang pumunta sa locker area. Bukod kasi sa may pagkamausyoso mga kaibigan ko, araw-araw akong nakaabang sa nagbibigay ng rosas sa aking locker.
Kung dati ay rosas lang, nitong mga nakaraang araw, may pasabog na ang taong may pakana. This time with matching letter pa.
"Ano? Meron?"
"Did he leave you with something again?"
"Hey, don't pressure her. Tingnan niyo nahihirapan tuloy siya buksan locker niya,"
Hindi ko na pinansin ang usapan nila sa isa't isa at sa halip, nagpokus ako sa pagbukas ng locker code ko. Nang sa wakas ay mabuksan ko na, bumungad na naman sa akin ang pamilyar na rosas.
Aaminin kong halos mangatog ako sa takot dati matapos malamang may nag-iiwan ng rosas sa loob ng locker ko. Unang-una kasi, at parang ewan lang na dahilan, akala ko ay si kuya ang may pakana. Pero napakaimposible naman non gayong nasa ibang bansa siya.
Ikalawa, kung sino man ang may kagagawan nito, alam na alam niya ang locker code ko, bagay na ipinagtaka ko dati. Nang simulan kong baguhin ang pass code, tsaka ko lang nalaman na naswerte lamang ang taong iyon—dahil hindi na ito naka-pagiwan ng rosas.
Dati kasi birthday ko ang pass code, kung hindi lang ako pinilit nina Poppy ibalik sa birthday ko ang pass code baka hindi na kahit kailan pa mag-iiwan ng rosas ang tinatawag nilang secret admirer ko.
"Congratulations on being muse," Basa ko sa liham.
"Yieee...Ang sweet naman sino kaya yan," Tawa ni Bernadette bago ako marahang sikuhin.
Si Sam naman ay inagaw sa aking pagkakahawak ang liham at magawad itong inamoy. "Ibang pabango na naman to...Gentleman, year 2017 by Givenchy," Tumango-tango siya at inabot sa akin ang liham. "Not bad, mukhang elegante naman ng lalaking iyan. Lucky you Rose!"
Oo nga pala, maalam si Samantha pagdating sa pabango. Mga sikat na perfurmer ang kanyang mga magulang sa France. At mayroon naman silang pabrika ng fragrances dito sa Pinas. Minsan na nga niya akong regaluhan ng Vanilla scent at totoo ngang nakakaadik ito pag nalanghap.
Ang malungkot nga lang na balita, bihira niya makasama ang magulang. Siguro nga kapalit ng karangyaan na nalalasap namin, ang oras naman sa iyong magulang ay sadyang nababawasan din. Kung mahirap ang iba sa pera, siguro mahirap naman kami sa kalinga.
Sa aming gilid, nakasandal si Poppy sa isang hilera ng lockers. "This guy...aren't you curious to who he is?" Tanong niya sa akin habang naka-krus ang mga braso. "I mean, ayaw mo ba siyang makilala? Tutal, kinikilig ka naman sa ginagawa niya,"
Kinagat ko ang labi at umiling. "Bakit ko naman siya kikilalanin?"
"Well...maganda malaman kung sino crush mo. It brightens up your day,"
"Crush? Hindi ko naman crush ang nagpapadala sa akin nito. Hindi ka dapat nagkakagusto sa kung sino sino lalo na kung hindi mo kilala,"
"Then why do you expect it very often? His flowers and letters I meant,"
Napaisip ako ng bahagya. Wala naman akong partikular na rason kung bakit ko inaabangan. "Wala lang...siguro kasi nakakataba ng puso pag may nagkakagusto sayo,"
Tumango siya sa akin. "I've been meaning to ask you this Rose. But who exactly do you like?" Isinenyas ni Poppy ang kamay kina Sam at Bernadette. "Kilala mo na crush namin. It's fair to tell yours. Para maiwasan na rin natin na magkagusto sa iisang lalaki,"
Bahagya akong natigilan sa biglaan niyang tanong. Kung kanina abala sina Sam magayos, ngayon ay nakatitig na rin sila sa akin.
"Ummm Poppy, crush lang naman. Hindi ba't wala namang masama kung parehas kayo ng nagugustuhan?"
"Yes, there's nothing wrong. Pero, as you can see, we will be our company's heir in the future. Ngayon palang, habang bata pa, you should know the future of your boyfriend or husband to be. It's about building connections and learning that properties aren't shared. Including relations with others. Sinasabi ko lang kasi baka balang araw, malay mo...maikasal ako kay Ethan Villanueva..."
Naubusan ako ng hangin matapos marinig ang pangalan niyang nabanggit.
"—kaya sino ang gusto mo, Rose?"
Tila bumagal ang mundo. Lumabo ang mga boses nila sa akin. Hindi ko alam ang isasagot tutal nahihirapan akong magsinungaling.
Mula sa kalayuan, sa likod nina Poppy, nagulat ako nang dumating ang grupo nina Ethan. Napalingon sila sa amin, gayundin ang mga kaibigan ko. Kinawayan ako nina Will at ate Lucy. Habang ang iilan ay nginitian lang ako.
Bagamat walang naging reaksyon si Ethan habang nakatitig sa amin. Sa puntong iyon, hindi ko maikakaila ang pagkabog ng dibdib ko—ang masama, hindi dahil sa nerbyos o takot itong nararamdaman ko kundi sa isang bagay na ayaw kong ungkatin at kahit kailan sabihin...