Mataas na ang sikat ng araw ng magising kinabukasan si Letizia. Sinulyapan niya ang iniwang espasyo ng asawa sa kama at nakangiting inabot ang unan nito at sinamyo-samyo iyon. Naroroon pa rin ang iniwang amoy ni Antonio.
Muli niyang ipinikit ang mga mata. She stayed on the bed for a while bago naisipang tumayo at mag-shower.
Pakanta-kanta pa siyang nagbihis. She was in a good mood kaya naisipan niyang maglinis ng buong bahay. Bukod sa wala naman siyang gagawin, mas maigi na iyon para pampatanggal na rin ng inip.
Many will raised an eyebrow if they will saw her doing a house chores, pero hindi na iyon bago sa kanilang mansyon. Lumaki siyang hindi pala-asa sa mga katulong nila. At ipinagpapasalamat niya iyon dahil nagagampanan niya ngayon ng husto ang mabuting may-bahay ni Antonio.
She cleaned every single nook of the house. Pati paglalaba pinakialaman na niya. Ngayon niya lang na-realized na may ligaya palang hatid ang paglilinis ng bahay.
Muli siyang bumalik sa itaas para linisin ang opisina ng asawa. She was arranging some papers on Antonio’s table nang mapansin ang isang ginasumot na papel.
Dinampot niya iyon. And out of curiosity, she reads it. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng mabasa iyon.
Dumulas iyon sa kamay niya at nahulog sa sahig.Nanlalambot ang mga tuhod na napaupo siya.
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Ang kaalamang pinakasalan lang siya ni Antonio just because of the agreement ay bumibiyak sa kanyang puso.
It hurts her so much.
Akala niya, kahit papaano, Antonio has a feeling for her. Pero mali pala siya... Maling-mali... She was just a mere tool para hindi mawala dito ang minana sa ama.
At bukod doon, kasangkapat pa nito ang daddy niya. Kaya ba ganoon na lang kung makapag-alala ang ama sa kanya?
Ngayon, nauunawaan na niya ang galit na nakikita sa mga mata ni Antonio pati na ang panlalamig at paiba-ibang ugali nito. Hindi naman niya ito masisisi sa bagay na iyon.
Hapong-hapong bumalik siya sa kanilang kwarto. Nawalan na siya ng ganang kumilos. Hindi niya alam kung kanino ba siya dapat magalit. Kay Antonio ba o sa sarili niya?
Matagal siyang napatitig sa kawalan. Para siyang isang estatwa na hindi gumagalaw sa pagkakahinga. Ni ang huminga ay parang nakalimutan na niya sa mahabang sandali.
Maya-maya pa’y bumangon siya. She quickly grabbed her phone and called Victoria.
“Let’s meet up.” She immediately said after Victoria picks up her phone.
“Now?” tanong nito sa kabilang linya.
“Yes. Now… Same place,” mabilis niyang sagot.
“Okay.”
“’K, bye.”
Mabilis siyang nagbihis pagkatapos nilang mag-usap at nagtungo sa meeting place nila ng kaibigan.
**
“Is there something wrong?” nag-aalalang tanong ni Victoria sa kanya.
Pagak siyang napatawa at tinitigan lang ang kaibigan sabay iling. Kanina pa sila sa bar ng mga ito sa Timog at marami-rami na rin siyang nainom.
She wasn’t a drinker type of person, but she was drinking liquors like a water. Balewala ang mainit na likidong tumatama sa kanyang lalamunan na manaka-naka’y nagpapangiwi sa kanya.
Pinakatitigan siya ni Victoria. Kilala na siya ng kaibigan at alam niyang hindi siya nito titigilan hangga’t hindi siya nagsasalita.
“Fine… fine…” aniya habang nakataas ang dalawang kamay.
Bumuntong-hininga ito. “You’re always making me worried. Kahapon lang parang ang saya-saya mo, tapos ngayon…” anito at hindi na itinuloy ang sinasabi. Makahulugan itong tumingin sa kanya. “What really happened to you?” tanong nito.
She took another sip on her glass before she answered. “I got married,” walang kaabog-abog na saad niya.
“What?!” halos lumuwa naman ang mga mata nito ng marinig ang sinabi niya.
Sarkastikong napatawa naman siya sa reaction nito. “You heard it right. I got married two days ago sa lalaking mismong sinamahan ko ng gabing maglaho ako dito sa bar ninyo.” Mapait na wika niya.
Napakunot-noo ang kanyang kaibigan. “What do you mean?” naguguluhan ng tanong nito.
Sumimsim siyang muli ng alak. “Remember the night I went missing?”
Tumango si Victoria.
“I went to some stranger that night. We spent the whole night together. At hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat, because that man turned out to be my fiancée... And now... my husband. Oh 'di ba ang saya? Ang saya-saya!" histerikal na palatak niya.
Napainom bigla si Victoria ng marinig ang mga sinabi niya. Pagkatapos ay awang ang mga labing tinitigan siya nito.
Hindi niya napigilan ang lalong mapatawa ng malakas sa reaksyon na iyon ng kaibigan. Tumawa siya ng tumawa hanggang sa maya-maya ay napalitan na iyon ng impit na mga hikbi.
Lalo namang nagtaka si Victoria.
“Hey…” anito sabay haplos sa kanyang likuran.
“Alam mo ba ang mas nakakatawa?” tanong niya at hindi na hinintay pa ang sagot nito. “It turned out that it was just a marriage of convenience. He just married me because of that damn agreement!” aniya kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Marahas niya iyong pinahod ng mga daliri at muling uminom.
Sa tuwing maiisip niya ang dahilan ng pagpapakasal nila ni Antonio, unti-unting bumabangon ang galit sa dibdib niya.
“Wait... What do you mean? I mean… Who was really your husband?” muling tanong ni Victoria.
Tinitigan niya ang kaibigan sa mga mata nito. “Baka atakihin ka sa puso kapag sinabi ko kung sino ang asawa ko,” nananantyang sagot niya dito.
Umiling naman ito. “Just tell me who he is.”
She took a long deep breathe. “It was none other than the great Antonio Monte Bello,” paanas na wika niya na siya lang halos ang nakadinig.
“Pardon?” salubong ang mga kilay na sabi nito.
“It’s Antonio Monte Bello.”
Now, she said it loud and clear.
“W-wait. What?!” may kalakasan ang tinig na gulat na gulat na wika nito.
Dahan-dahan itong napaupo ng unti-unting mag-sink in sa isip nito ang sinabi niya, at mataman siya nitong pinagmasdan.
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang pag-inom.
“You’re in love with him.” Maya-maya’y wika nito na nagpatigil ng kamay niya sa ere.
“You’re in love with him, Letty!” pag-uulit pa nito. Hindi iyon tanong, kundi isang kumpirmasyon. Ang nakikita nitong inaakto niya ng mga sandaling iyon ay indikasyon na tama ito sa sinasabi.
As what she expected to her friend, mas madali nitong nabibigyang linaw ang nararamdamang kaguluhan sa isip at puso niya.
Ibinaba niya sa bar counter ang hawak na baso at nilaro-laro ang ibabaw noon. She was in a deep thought.
Mahal na nga ba niya si Antonio? At napatingin na lang siya sa kawalan na tila nakikita doon ang mukha ng asawa and that made her heart skip a beat.
Reality hits her.
She loves him! Kaya siya nagkakaganito at nasasaktan dahil mahal na nga niya ang si Antonio!
Nag-ulap ang kanyang mga mata. Maya-maya’y isa-isang pumatak ang mga luha mula doon.
Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigan. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“What should I do now, Vicky?” tanong niya dito sa pagitan ng paghikbi.
Now that she knows the truth, pati na ang katotohanan sa likod ng kanyang nararamdaman para sa asawa, tila hindi na niya kakayanin pang mawala ito sa piling niya. She’ll die kapag iniwan siya nito.
**
Madilim ang buong kabahayan ng umuwi si Antonio. Maghahating-gabi na ng mga sandaling iyon.
“Letizia… Letizia?” tawag niya sa asawa ngunit walang sumasagot. Nag-eecho ang tinig niya sa tindi ng katahimikan ng buong bahay.
Mabilis siyang umakyat sa itaas. Tinungo niya ang kanilang kwarto ngunit wala doon si Letizia. He searched for her everywhere pero hindi niya ito matagpuan.
Hawak ang noong nagpauli-uli siya sa salas. Walang nababanggit si Letizia na may pupuntahan ito ng araw na iyon.
Hinugot niya ang telepono sa bulsa at tinawagan ito. Ngunit, panay ring lang iyon. Hindi siya tumigil sa kakatawag dito hanggang sagutin iyon sa ika-sampung dial niya.
“Where are you?” kaagad niyang tanong ngunit, walang sumagot sa kabilang linya. He just heard a loud noise from the other line.
Napakunot-noo siya. Bahagya niyang inilayo ang telepono sa tenga, then put them back again.
“Letizia... Hello? Where are you right now?” muli niyang tanong sa makapangyarihang tinig pero nanatili ang malakas na tugtugan sa kabilang linya which made him really pissed off.
He walked out of his house at muling lumulan ng kanyang kotse. He didn’t turned off his phone. Nagbabakasali siyang may magsalita mula doon.
He drove to one place he remembered. Ang bar kung saan sila unang nagkita.