Entry 20
Dear Diary,
Today is Wednesday. Usually, wala kaming class unless na lang may masipag na guro na gusto magpa-make up class. Pero other than that, bakante ang time namin, which was great kasi that meant makakapag-S.A. ako the whole day. Of course, by S.A. I meant sa loob lang ng office.
Pinau-update sa`kin ni Ma’am ang Students Directory, ang folder ng mga scholars, etc. Meanwhile, si Onin nasa kabilang room nagbabantay sa pinag-e-entrance exam ni Ma’am Ma. Sita. Sarap-buhay, to say the least – makapaglalaro pa siya ng games while waiting the time to be over.
By lunch, `yong exam room nagiging kainan namin since ang boss ni Ma’am Mamia (secretary siya), ayaw ng amoy pagkain sa office. Minsan may baon silang dala, madalas wala. So thirty minutes before twelve, nagpapasuyo sila either sa`kin o kay Onin, depende kung sino `yong nasa office at the time.
E after ko sa Students Directory, pina-picture-an pa sa`kin ni Ma’am ang mga bulletin ng student orgs so si Onin probably ang nautusan. H-in-and over ko tablet ni Ma’am Mamia after kong ma-document ang mga bulletin. And while sliding the pictures, she nagged dahil karamihan, excluding THOMSOC, hindi pa inaayos ang bulletin. May bibisita pa man daw na tiga-Higher Education.
With that, binigay niya sa`kin ang cellphone at pina-text forward ang template niyang message regarding her concern. Nilabas ko ang Student Org folders at doon hinanap ang mga number ng Org Presidents. Suddenly, the air blew me on Harold’s number. Kidding, sinadya ko talagang hanapin ang number niya.
Kumabog dibdib ko. ‘This is it,’ sabi ko sa sarili. I would be ahead of everyone who fancied Harold kasi ako may number niya, sila wala. But then I just remembered, personal information `to. Kung i-ob-obtain ko `to for personal use and he’d asked pa’no ko nakuha, baka isuplong niya ako sa OSA, and in turn, accused OSA for having a very poor control or security system. Then ako naman ang pagbubuntungan ng OSA `pag nagkataon.
Ayoko magkaro’n ng bad record sa school! So, out of fear, binalik ko na lang sa bulsa ang cellphone. Ang kinuha ko na lang ay `yong kay Onin. Medyo alam ko na temperament no’ng unggoy. Hindi `yon magsusumbong. Plus, I was briefed na may mga pagkakataong kailangan kong mag-fieldwork, so I better get his in case of emergency.
Then some time after lunch, `yon na nga - Ma’am Mamia called and thought three o`clock in the afternoon was perfect for fieldwork. By fieldwork, it meant palalakarain niya `ko ng errand sa labas ng campus, which I thought school related lang. Until nilabas niya `yong mga utility bills niya at ng boss niya. Unahin ko raw `to bago magpunta ng Post Office at ipadala `yong mga sulat na s-in-ealed niya sa envelope. The letters were about student loans ng mga gr-um-aduate.
Besides sa pangbayad ng bill, binigyan lang ako ni Ma’am ng Two Hundred Pesos, for the stamps at fare, which was unfair. `Di man lang nagdagdag ng budget para sa food ng utusan? ‘`Pag ako tinopak,’ sa isip ko. ‘Ibibili ko `to ng PM1 sa Manong Inasal!’
I had no choice, hadn’t I? So sabi ko, kukunin ko lang sandali ang payong sa bag then I was off to go. Sa isang sulok ng office sa G.C.O. nakalagay ang bag ng mga Student Assistants (para raw hindi pakalat-kalat) so habang naka-squat ako sa side na `yon, nagre-retouch, nang-usisa si Onin.
"Sa’n ka pupunta?" "Mangingibang bansa." "`Di nga. Saan?"
"Basta diyan lang. It's a field work, you know?" ani ko sabay dugtong, " No-no! `Wag mo na akong ihatid. I can manage." Papunta kasi siya dito sa lugar ko.
"Sinong nagsabing ihahatid kita? Kukunin ko lang ang mga `to." Binuhat niya `yong stack ng beige folders.
Okay, napahiya ako. But still I held my payong and my head up as if hindi ako binasag at lumabas ng school to hail a cab. Chos. Cab- Cab pang nalalaman e, `no? Two Hundred lang ang budget. Wala, jeep tayo.
Diary, ewan ko ba bakit sa tuwing mag-aabang ako ng jeep, I’d be always at odd. Una, may tumawag na ‘Ms. Beautiful’ at pinauupo sa unahan, pero itong papasok na `ko nag-excuse ang isang vavaihan, letting me know siya ang tinutukoy ng barker.
Then that same barker yelled, ‘Ms. Kinis!’ so I thought ako na finally ang tinutukoy. Hanggang sa unahan na naman ako ng kulay labanos na babae. It was only at the third time did I catch a jeep. Pero unlike sa dalawang nauna na nilalagyan niya ng ‘Ms. Beautiful’ o ‘Ms. Kinis’, wala man lang siyang binanggit sa`kin. It was kinda nice but at the same time disappointing.
Pumara ako sa malapit na Center ng Bayad, paid the bills and now while walking towards the Post Office, my eyes caught the same food chain (not the same branch) Onin and I ate. Nagpahiwatig muli ang aking tiyan. May uprising na nangyayari.
Ayokong mamalas ng madla sa Post Office ang cannibal-like kong pagkatao kaya for their sake, kumain muna ako, gamit ang Two Hundred Peso bill. Tsaka ko na iisipin ang consequences. But really, that's the benefit of busog na Dana, nakakapag-isip ng diskarte.
After ma-satisfied ang craving, nagpa-load ako sa tindahan ng higit sa kailangan ko (nang maka-register ako sa surfing promo). Tinawagan ko si Onin. Mga limang attempt. Sa pang-anim, he picked up pero `di siya nagsalita.
“Hello, Onin, uhm, `yong pera kasi na bigay ni Ma’am aksidente kong nagastos. So I was thinking maybe puwede mo `ko pautangin? Punta ka rito." Binigay ko ang address.
"Mamayamaya. Nagbabantay pa ako ng examinees." Then he ended the call.
Kung tutunganga rin naman pala ako, I might as well do it at the mall, specifically sa arcade center. It was set in my mind na panunuorin ko lang `yong iba maglaro. Pero ano’ng nangyari after five minutes? Nagsho-shoot na rin ako ng basketball. I even built a fan base. Napakagaling ko raw, sobrang galing I heard one of them said,
"Siguro lalaki `to no’ng sinaunang buhay?"
Oo, siguro nga. Baka descendant din ako ni Muhammad Ali kaya nangangati akong pangahan siya. Kaloka, sa ganda kong `to? Natigil lang ako sa basketball nang magvibrate ang phone ko just to ask how I got his number.
“Sa kaklase nating kalbo. Remember, no’ng nagka-measles ka?” I lied. “Alam mo, puntahan mo na lang ako dito, okay? Pabebe ka rin e."
"Nasa loob ka ba ng Post Office?"
"Of course! Pinagbibintangan mo ba akong nasa Arcade Center?" I asked even though pretty sure, rinig sa other line ang ingay ng lugar.
"Sa sinabi mong `yan, binigyan mo ko ng clue na nandiyan ka nga. Labas ka nang may landmark akong makita."
"Ang cute-cute mo talaga e, `no? Sarap mong -"
"Masarap talaga ako. At cute pa." bigla nyang putol sa sinabi ko.
"Dagdag mo na rin 'mahangin' para ganap na `yang kakumagan mo! The nerve?" Binabaan ko nga.
So all in all, bente pesos na lang natira sa Two Hundred. Lumabas akong mall papunta sa Post Office. Ang sama lang ng impaktong `yon. Ituring ba naman akong landmark? Ta’s palalabasin ako wala pa naman pala. Tumambay na lang tuloy ako near the fishball vendor. Ito landmark niya.
Pero, Diary, ambot ba. Sa seven deadly sins, gluttony ata `yong sa`kin. Nagparamdam na naman kasi ang aking tiyan. And since on the way naman na ang Onin, nagpaluto na `ko ng squidball. Later,nilapitan ako ng dalawang bata, humihingi ng barya.
Pinagkamalan akong rich girl, `Te. So flattered.
"Ate, penge barya? Ganda ka naman e!"
"Jusko, ano ka ba? Kaliit na bagay!" May pagbali pa ako kuno ng kamay.
"`Te, sa`kin kahit mamon lang do’n sa Blue Ribbon!” Tinuro niya `yong kiosk. Squidball nga lang kaya ko as of now, mamon pa ang gusto?
“Mag-fishball ka na lang muna, boy,” sabi ko sabay bigay ng tinusok kong limang piraso. "Nasa’n ba magulang niyo?"
“Nasa bahay po," sagot ng naka-stripe na red. “Nagsusugal."
"Sa`kin po, Papa ko nagsusugal!" sabi ng naka-blue checkered shirt.
"Ang gagaling ng mga magulang niyo, ha." My sarcasm just came on.
"Opo. Magaling po si Papa sa pusoy rambol!" ani ng huli, parang proud pa sabay, "Ate, puwedeng lima pa?"
I looked at them. Madungis ang pisngi’t daliri. Kung paliliguan lang `to nang maigi, gwapo mga `to e. Tinusukan ko sila.
"Ate, `di kayo taga-rito, `no?” Si red stripe.
"Hindi nga." I thought when he said ‘taga-rito’, meaning dito sa lugar na `to. `Yon pala…
"O, sabi sa`yo e, taga-Madagascar si Ate!" Nilabas ng bata `yong paperback ng pirated dvd cartoon. Jusko, Sis, buti’t mga minor pa lang sila kung hindi nakatikim na `to ng sambunot.
Luckily, pinagtanggol ako ng naka-blue. “Tange! Pilipino si Ate!” And I was about to say, ‘Aww, thank you, Dear!’ nang idugtong, “Tignan mo `yong ilong! Pango.”
I knew I should have contoured my nose line bago mag-S.A. Natawa na lang din tuloy `yong tindero. E kung `di ko kaya siya bayaran? Bumalik ako sa dalawa. "Inaano ba kayo ng ilong ko? Cute naman a!"
I was reasoning why my nose was cute hanggang mamersonal na `yong naka-blue. "Ate may boyfriend na ba ikaw?"
Wala pa. But then I wouldn't say that kay baka sunod na lumabas sa bibig nila, 'Halata naman e!'. So I lied. "Meron. Bakit?"
"Siya na ba `yon?" Tumuro si red stripe.
Napa-180 degree turn ako just to see Onin sa kabilang kalsada, hands on his pocket, mad, which was understandable kay siya na nga uutangan, siya pa ang pina-deliver ng money at magbabayad ng fishball ng mga bata. Lagpas bente pesos na natutusok namin.
"In fairness, kay Ate ang galing mamili. Ang pogi!" Si Blue. Aba’y talande ang batang ire. May paghiyaw. “Isang fishball naman diyan!"
"Galawan natin e." Napaliyad ako.
"Kuya, ano po pangalan niyo?" tanong ng naka-blue. Tinignan ako ni Onin, wanting an explanation. Ako na lang sumagot para sa kanya.
"Onin name niya, Beh."
I gestured on paying the Manong fishball vendor but when he said na ‘Trenta lahat’ naterenta ako! Bente na lang ang meron ako (at kapal ng mukha). Sa isang sulyap ko lang kay Onin, alam niya na gusto kong sabihin.
“Ako pagbabayarin mo, tama ba?"
“Thank you, Onin. You’re the best.”
Nailing na lang na naglabas ang ungta ng pitaka. After some time, pumasok kami sa loob ng Post Office and while waiting, "Uhm, Onin sorry ha kung inabala kita."
"Pasalamat ka boy, may extra akong pera.”
I did what I had to do. And we commute back to the school. I was met by Ma’am Mamia’s fury. `Di niya na raw ako palalakarin ng mga out of school errands, upon knowing na nagastos ko `yong pera (Onin’s behind this, I just knew).
Well, if I looked at the brighter side, maganda rin naman ang nangyari since ayoko rin naman mag-amoy araw. But if there’s one person who got the most joy with this decision that would be Onin. I even caught him sighed going inside the G.C.O, saying, “Buti naman.”
But the question was, ‘Why?’ Why mabuti? For him? O for me? Hay, ewan.