Entry 19
Dear Diary,
First day ng duty ko bilang Student Assistant and voila! Late ako.
It’s my fault. But not entirely. You see, kung hindi pwinesto ni Mama ang t.v. sa tapat ng kainan, `di sana tuloy-tuloy lang ako sa pagnguya. What appeared on the screen wasn’t even good. In fact, it was horrible – basura dito, basura diyan. Poor people living on the streets, mga batang mapapayat pero malalaki ang tiyan.
And then paglipat kong ibang channel, tungkol naman sa pagsho-showcase ng mga aksesorya ng celebrities ang fini-feature. `Yong iba umaabot pa ng half a million. Gusto kong sabihin, ano kaya kung ipa-convert niyo `yan sa cash at ipamahagi sa mga nakita ko sa kabilang channel?
But it would be unfair, in a way, to guilt these rich people. Because maybe, binili `yon sa kanila as a gift. Or maybe they bought that out of hard earned money. But still, wouldn’t it be a better place kung mag-share tayo ng resources?
Sorry, diary ha? Ganito talaga ako `pag nakanunuod ng t.v. Na tri-trigger. Isa pang nakatri-trigger sa`kin ay `yong mga paid ads ng tatakbo for coming election, `yong pagkendeng-kendeng, pangiti-ngiti lang ang puhunan pero wala namang significant na ambag.
But now that I mentioned 'pagtakbo' tumakbo rin kaya akong S.K? Sangguniang Kagandahan! Hm, pagnilayan ko pa siguro kay `pag napikon sila sa ganda ko, ma-good job ako nito. Pero `di, ses, nasa risk talaga ang buhay mo `pag um-enter ka sa Politics.
Although marami nga ang kabago-bago pa lang nae-endorse na sa higher position, I thought the best way to start was from the bottom. That said, S.A muna, then S.B hanggang sa makarating ng S.K! Oo na, diary. Last ko na `yon.
But speaking of S.A., one hour akong late sa duty. Nilagay ako sa Students Affairs Office, under Ma’am Mamia. Gulat ako kay bulto-bultong kapapelan man ang naka-stack sa long table sa dulo.
Waa na akong time para magpahinga because apparently, they thought cl-in-aim ko na `yon no’ng na-late ako. In-inform na agad ako na kailangan kong i-fastened lahat ng mga kapapelan ng student orgs sa respective nilang folder. May checklist na binigay sa`kin. Per organization, ililista ko kung ano pa ang hindi nila sinu-submit as of that day.
So I thought this was easy. This was fun. Pero kung ganito pala ang araw-araw mong gagawin for the rest of the week, nakakaumay. I still have two hours before my next class. Hindi niya naman siguro ie-expect matatapos ko `to within that time. Not to mention, mayamaya rin ang pasok ng tao (alumnus most likely) and I’d be called by Ma’am Mamia to look for their papers or something.
Kailangan pala multitasker ka dito. Tuloy, tuwing maririnig kong bumukas ang pinto, ang mental banter ko ay, ‘Ugh! Mauudlot na naman `tong trabaho ko!’ Pero at one point, I was mistaken.
You see, share sa kwartong `to ang office of Students Affair at ang Guidance Counselling. At ang S.A. for G.C.O. ay si Onin, who just then came in, may bundle ng kapapelan sa braso.
“O, ang aga mo, ha?” bati niya sa`kin sabay u-turn sa G.C.O., to the left lang ng table kung nasaan ako.
There was laughter inside the room. First day pa lang ng pagdu-duty close na sila ni Ma’am. Ma. Sita, samantalang kami ni Ma’am Mamia parang may cold war or something.
Eventually, natapos si Onin sa pinapagawa sa kaniya so he thought he’s okay to go here at mameste sa`kin – titingin-tingin ng folder, buklat dito at doon until matagpuan niya ang folder ng THOMSOC– ang org naming Hotel Management and Tourism students.
“Ma’am Mamia, puwede ho ba `kong tumulong kay Dana?” ani Onin.
Inalis ni Ma’am ang mukha sa Excel. “Wala na bang pinagagawa ang Ma’am mo?”
“Wala na po.” “Okay. Thanks.”
Bumalik si Onin sa papel and without even asking what to do, sinimulan niya ng gawin ang task. Probably, nabanggit na sa kanya `to ni Ma’am habang wala ako.
Shortly after, he said, “Dana, binabayaran ka para magtrabaho hindi para tumitig sa`kin.” Nang hindi man lang nag-aangat ng tingin.
I found myself blushing.
“Ang kapal mo naman,” sabi ko. “Saka dito ka pa talaga nag-S.A., ano?”
“O, huwag mo sabihing ako mismo nagpalagay dito. Gusto ko nga sana sa Office ng HTM e. Minalas lang na dito ka rin pala ilalagay.”
“Wow, kinumpara mo talaga ako sa malas. Puwes isa kang sakuna.”
Ang lakas talaga mang-imbyerna ng hinayupak.
Eventually after two hours, nag-out na kami for our class. Ang balik namin sa hapon pa. Natapos namin ang paglilista ng mga hindi pa nasusubmit at pagfa-fasten ng mga kasu-submit pa lang na kapapelan. Turned out, need pala ni Ma’am Mamia `yon mamaya dahil may meeting siya with the Org presidents.
“Ilalagay ko na lang sa table mamaya ang ipagagawa ko, Dana.” Pahabol pa ni Ma’am before Onin closed the door.
After our afternoon class, dumiretso na si Onin sa office samantalang ako nag-retouch pa muna, which I was glad I did kay ang next task ko man ay libutin ang campus para ipa-received ang memo na ginawa ni Ma’am Mamia sa different departments.
Nkarinig ako ng mabilis na pagtitipa sa keyboard. Onin’s probably impressing Ma’am Ma. Sita. Itong sisilip ako, nakita ko si Ma’am na palabas, sukbit ang shoulder bag. ‘Ang aga naman niya mag-out,’ sa isip-isip ko. But what did I know? Malay mo may importanteng lakad lang pala siya.
Sabay na kaming lumabas.
After some time, nakabalik na `kong office. Kayang-kaya kong i-spell sa`yo ang salitang STRESS. No actually kaya kong ipakita – ito. Itong mukhang `to. Now what I really wanted was to sit there for a while uninterrupted and probably took a nap. When all of a sudden nag-ring ang telepono. Ginaya ko way ni Ma’am Mamia sa pag-receive ng tawag.
“Thank you for calling OSA, how may I help you?”
“Uy, Dana, si Onin `to. Maganda ba boses ko?”
Ay gipisti! Binagsakan ko nga ng handle.
"Kita mong kararating ko lang, pagal ta’s bwibwisitin mo `kong dimunyu ka?” sigaw ko, without moving from the red checkered couch. “Gagamit pa talaga ng telepono parang ang layo-layo at ang ganda-ganda ng sasabihin.”
Narinig ko hagikgik ng unggoy samantalang nagri-ring muli ang telepono. So lazily I reached for it, picked up, and made my voice pretty.
“Thank you for calling OSA, how may I help you?”
“So maganda nga boses ko?” “Ikaw talagang impakto ka, napaka-ugh!”
Kung bakit `di ko na lang din kasi amining pang ASMR ang boses niya, na napaka-gentle and lovely? Then as if he sensed na ibababa ko na, he quickly said, “O,o,o sandali! `Wag mo munang ibaba!''
"At bakit?"
"Uhm, may chocolate wafer ako? Baka gusto mo?” “Dalawa akin.” “`Ge lang.”
Binaba ko ang handle at kinaladkad ang sarili papunta sa G.C.O. Naka-dekwatro ang ungta sa rotating chair at pagpasok ko, bigla akong d-in-issed.
"Sabi na nga ba e. Haggard ka."
"Ikaw kaya lumibot sa buong campus.” Inimbita ko ang sariling maupo sa brown couch.
“Salo!” Binato niya sa`kin ang snack. Hindi ko pa man din nasasalo nagbato again so ang ending, wala akong nasalo kay nataranta man ako.
"`Wag ka ngang haggard!" sigaw niya. Siya pa ang galit, ha.
"Kung madali lang sana `yan `di ba?" "Madali lang `yan. Take a deep breath. Inhale..." Nagdemo pa talaga. "...exhale! Inhale –”
"Di ako tanga, `no?”
"Makalilimutin lang." Kumagat siya ng choco wafer. "Often times, we forget how simple things can make us less stressful."
May point siya, ha, pero ang unusual lang marinig kong mag-English `tong si Onin.
"Well, thanks for reminding." Kumagat na rin ako nang sa akin. “Thank you rin para dito.”
"Nah! Nabasa ko lang `yon dito sa Ten Simple Things on How To Be Happy!" Tinaas niya `yong pocketbook. Paniwalang-paniwala pa naman akong naggaling `yon sa kanyang kokote. Scam lang pala.
"Saka `yang choco wafer? Nah, wala `yan! Andami pa dito sa drawer ni Ma’am, oh! Ano gusto mo pa?"
Gusto ko na lang idura’t i-repackage uli `yong wafer. Pinuntahan ko siya sa lugar niya’t nanambunot. "Pinakain mo `ko nang hindi naman pala sa`yo?”
"A-Aray! Aaaah! Ako bumili nito!”
Kumalma ako nang slight. Pero hawak ko pa rin buhok niya as if to tell, ‘Explain more!’
"Meron din si Ma'am! Isang box pa nga e! Doon ko lang tinago sa drawer niya!"
"Bakit doon mo nilagay? Pa’no `pag binintangan ka?" Every question may ngudngod.
"E do’n niya pinalagay para `di raw nakakahiya sa bisita. Stock-an talaga niya `yon ng pagkain. Aah, buhok ko!"
Okay. So may consent pala ni Ma’am Ma. Sita. I should be pulling my hands off of his hair (nakakaramdam na ng remorse e) hanggang sa madatnan kami ng boss niya sa ganoong ayos.
"Anong kababalaghan `to?" Para kaming nasa drama-rama sa hapon.
Dagli akong napabitaw. "Ah, Ma'am, `wag po kayo mag-isip nang kung anu-ano."
“Sabi ko sa`yo `wag natin gawin dito e! Masyado kang mainit e.” Si Onin.
Namula si Ma’am, napahawak sa bibig.
"Ma'am, very wrong po `yang naiisip niyo. Hindi po gano’n `yon.”
Nangingisi na si Ma’am Ma. Sita. "O sige, I'll hear both of your sides later, okay? Nag-text si Ma’am Mamia, ibaba mo raw sa conference room tablet niya.”
“S-sige po, Ma'am.” I shot Onin dagger before heading out.
Habang ngumunguya ng choco wafer, hinanap ko ang tablet. Found it wala pang one minute. Sinimulan kong kainin ang pangalawang wafer on my way to the Conference room. I knocked on the door thrice – not too loud but not too soft.
Tinaas ko ang tablet ni Ma’am Mamia so they knew ahead why I was there. Pinalapit ako ni Ma’am. Para akong pusang tahimik na lumapit. Buti na lang nasa gitna sila ng pagme-merienda. And luck, oh luck! Naroon si Harold. Siya President ng THOMSOC.
“Now who’s that beautiful girl?” It was the School President asking.
“That’s my classmate, Sir.” Sagot ni Harold, sabay kaway sa’kin. Isang wave lang. Kilig!
I thought it was the best compliment I ever heard in my entire life. No, scratch that for the entire five seconds lang pala. Kasi after suotin ni President ang kanyang salamin sa mata, napa-“Oh” siya bigla. Alam mo `yong ‘Oh’ na na-disappoint. Kainis.
I didn’t know what got into me that I said, “Mr. President, wala ng bawian. Nasabi mo na e.”
Tawanan ang mga Org Presidents, including the President, his secretary, at si Ma’am Mamia. Si Harold lang ang hindi. Matter of fact, Harold was the only one who stood for me (literal) may hawak na table napkin.
“Dana, may chocolate crumb ka sa labi. Let me just…”
Wala na. Finish na, diary. Harold wiped the crumbs for me. At instinct, napausli ako ng labi at napaikit ng mata, hoping he’d kiss me until… “O ayan, wala na.”
I crammed. “U-Uhm, salamat, Harold.” Sumibat na `ko diretso’t tumakbo ng ala Naruto palayo sa Conference room.
Like damn, what a day.