Chapter 15

2018 Words
Entry 18 Dear Diary, I have always wanted to become a Student Assistant. Why? Well, aside sa may allowance (although hindi ko pa alam kung magkano), I thought advantage din `yon in the future since magkakaroon ka na ng background sa office work. Sort of a prologue for internship. Well, my interest was stirred after no’ng insidente sa miniature pond kasi sa hallway to the right may naka-post sa binaliktad na whiteboard na nangangailangan ang mga certain department ng school ng Student Assistants. I was assuming there were lots of student inquiring in our school, wanting to enroll. Or if I have to get negative, balak ng mag-transfer sa ibang school. Think in terms of clearance. Dadaan ka muna sa iba’t-ibang offices to clear your name, making sure na wala kang iiwang pending responsibility bago ka lumamyerda sa iba. Just the general S.O.P. of any institutions. Plus, if Harold saw me doing this kind of work, he would think I was a lady worthy of him. Kanina, I decided to go to the H.R. Department para mag-inquire. Kumatok ako not once but couple of times, still, `di ako pinagbuksan ng pinto. It was only until may dumating na maintenance at sinabihan ako na once kumatok ka na dumiretso na sa pagpasok. “Mga Head Department ang nasa loob. `Di sila tatayo para pagbuksan ka ng pinto.” Frankly, he had a point. Unfortunately, hindi ko iyon naisip habang kumakatok. Nag-thank you ako sa manong. It was a mistake learned. But would I really want the Officers to bring it up again, gayong natutunan ko na pagkakamali ko? Hindi na sana. Pero naisip ko, I really needed the extra allowance dahil magastos akong babaita. So I pulled the door. Two people, behind their desks, laid eyes on me. The place was spacious pero parang hindi dahil sa dami ng bakanteng long table (mga tatlo). Flourescent ang lighting. Not its brightest. I took a step. "Uhm, good afternoon po! Mag-" "Ikaw ba `yong katok nang katok, dear?" tanong ng ginang. `Di man lang talaga ako patapusin. Bastos. Walang modo. `Di, joke. Baka `di pa ako pag-S.A.-hin. Ayoko naman mag-appear na tanga over again kasi pinamukha na ni Kuya Maintenance `yon kanina. Besides, she looked like those sweet looking woman but with a biting sense of shade. So sinabi ko na lang, "Ay `di po. Si Kuya Maintenance po `yon." Enter Kuya Maintenance. "Ma’am Tess, pa-receive daw po." Agad nanlaki mata ko. "Ito ba `yong Maintenance na `yon?" tanong again ng ginang. My cover was almost blown, ses. Nakaka-stress. `Di ko puwede sabihing siya dahil para ko na rin ginisa ang sarili sa sariling mantika. So I said, "Ay `di po. `Yong ibang Kuya Maintenance po ang tinutukoy ko." I cracked a nervous smile. Ikinatatakot ko na baka sumawsaw si Kuya but thank God `di siya nagsalita. Ni-receive lang ng tahimik ng Ma'am Tess ang papel na dala niya’t lumarga na after. `Yong kasama naman niyang lalaki, walang balak alisin ang mukha sa computer screen. Napaisip na nga ako no’n kung office-related ba `yon o isa na namang kasong kahaharapin sa Case Criminal?' "Have a seat, Miss." She gestured the brown chair in front. Umupo ako syempre, nakakangawit kayang tumayo. "Uhm, Ma’am, mag-iinquire po ako kung pa’no mag-apply as an S.A." I thought bibigyan niya ako ng mga requirement like barangay clearance, birth and baptismal certificate, mga ganern. Glad school-related requirements lang ang need niya, which I could easily accomplish within the day. Binigyan niya ako ng Info Sheet at pina-transfer ako sa isang table para mag-fill-up. Once done, dinouble-check ko mga pinaglalagay ko bago ko pirmahan. Tama naman lahat ng mga naroon... I guess. So `yon, while doing my impossible-to-forge signature nahintakutan ako bigla nang makita ko `yong sentence na, 'I hereby certify that all information here is true to the best of my knowledge'. E ang nilagay ko ro’n sa complexion e 'fair'...hindi 'pinkish white'. Hm, `yaan mo na. After all, mas safe pa rin gamitin ang 'fair' skin. Kahit in reality, ang unfair. "Ma'am, tapos na po ako." I slipped this to her desk. While on it, scanning, she said, "Provide ka ng photocopy ng schedule mo this sem, grades mo last sem and I.D. Then I'll text you kung saang department ka ma-a-assign." "Thank you, Ma'am." I gathered myself up, heading for the door when my mind wandered. Onin thought I won't last a day without him. Sino niloko niya? Kaya ko kaya. Lalo pa ngayong mag-e-S.A. ako. Sina-savor ko pa sa isip ko ang mga bagay na `yon when all of a sudden, I hit someone upon opening the door. "Arrayy!!!" Mabilis kong chineck ang na-disgrasya ko, panicked written and audible in my voice. But soon as I learned who was it, I sighed in relief and said, “Hay, `kala ko kung sino na. Ikaw lang pala.” "Anong ako lang pala?" Onin asked. Besides, physically beaten. Na-hurt din ang ego niya. Kasama niya na naman mga anime addict niyang friends. "`Pag ibang tao magso-sorry `pag ako hindi?" "Bakit sa tingin mo no’ng pinush ko `yong door, alam kong dadaan ka? Hindi no. It was just an accident. At ikaw, ang lapad-lapad ng hallway dito ka pa talaga maglalakad malapit sa doorway!" "So ang sinasabi mo kasalanan ko pa pala? E `di wow. Kaitiman mo talaga e, `no?" My hand was raised, ready to crack his head til he added, "O,mananakit pa `yan, o." Immediately, the guilt forced my hand to put it down. Bwiset din `yong mga alagad ni Onin, tatawa-tawa pa. Nag-tsunami walk na lang ako, bago pa mawala ang aking poise. Though before I turned a corner, I caught one last glance at Onin. All his friends were walking away, samantalang siya nakahinto sa tapat ng H.R Dept, nakatingala. Before I knew it, he went in. I walked towards the photocopying section, feeling a bit remorseful na hindi ako nag-sorry sa baluga. Could it be considered quits - sa pagtawag niya sa`kin ng 'Ginegra'? In the end, I sided with the latter. Quits na kami. Haha! And I was having a little victory dance hanggang sa sabihan ako ng tao sa loob ng stall. "Sorry. Paubos na ang ink e." nang hindi pa man naïf-flip ang adviser’s slip na ipapa-photocopy. Maa-accept ko na sana, diary e. Tumalikod na `ko’t paakyat na sa stairs para sa labas na lang magpa-photocopy hanggang sa isang babae (na lamang ng ilang ganda sa`kin) ang agad inasikaso no’ng impakto. She was holding a thick book. "Ilang copy `to, Ma'am?" "Twenty." ang pa-virgin sagot ng babaita. Do’n na ako nagreact. "Kuya, kanina sabi mo wala ng ink!" "Meron pa pala." And I was like, ‘Ang sarap niyang rolyohan ng karton at hampas-hampasin na parang piñata. Napaka-bias! Had I known, sinabi niya kaninang wala because he couldn’t be bothered making a copy of my Adviser’s slip kung hindi ito twenty copies. Para lang sa tatlong ipa-phophotocopy, dinanas ko ang scourging heat of the sun. Thus, when I came back, drinking fountain kaagad ang hinanap ko. Unfortunately, natapat ako sa defective fountain. By defective I meant, kapag pinedal mo ang ibaba it’s either masyadong mahina ang labas ng tubig o sobrang lakas parang bidet. Matatanggap ko pa kung sa noo ako tinamaan. Kaso sa ilong e. What's worse, nasaksihan pa `yon ng mga nakatambay sa long table. `Yon, hagalpakan ang mga depungal. They could have put a notice na sira ang fountain but no. Hihintayin talaga nilang may mabiktima to have a laugh. That said, umakyat akong second floor. I was hoping I’d get lucky this time. Pero for safety measure at walang repeat history na maganap, hindi ko muna tinapat ang mukha sa fountain. Pinedal ko lang muna, which I was glad I did, dahil sumirit ang tubig pataas, nag-over the bakod. Masaklap niyan, may nabasa ako. I’d be damned kung professor `yon or someone. But when I learned si Onin lang pala, I gave myself permission to laugh. "Ano kayang nakakatawa?" He wiped his face down, annoyed. "Sorry, `di ko sinasadya.” Nagpigil akong tawa. But alas, I couldn’t. Para siyang pugo na nabasa! "`Di mo sinasadya?” He crossed his arms. “Kaya pala `di mo tinapat pagmumukha mo nang `di ikaw ang nabasa.” “FYI, lalaking mukhang pugo, nasungalngal ako sa ilong ng drinking fountain diyan sa baba." I pointed a finger down. "Ano, tanga ako? Hahayaan ko uling mangyari `yon? Syempre, nag-ingat ako. I have to test this first. Ikaw, dahil pasulpot-sulpot ka, ikaw nagdala niyan sa sarili mo!” Wala siyang pang-come back do’n. Pinedal ko muli ang fountain because usually, sa sunod na apak, tamed na ang lalabas na tubig. But that didn’t go as planned. So `yon, nabasa ko na naman tuloy si Onin. This time, wala na akong narinig na salita sa kanya. Basta, nakatingin na lang sya na para bang kasalanan ko na naman. Diary you must remember, uhaw pa rin ako nang mga oras na `yon. But when Onin took his shirt off, na-dehydrate na wari ako. Uwian na. Class suspended due to hotness overload. Umaygad, seswang. I thought bilbil makikita ko but I was mistaken. Meron siyang two, no, four! Ay mali, six pala. Six pack-ening abs! My eyes forgot to blink so as if to help me, hinagis sa`kin ng kumag ang damit niyang `yon at sinabing, "Binasa mo `yan. Labhan mo.” Binunggo pa ako ng impakto sabay tungo sa locker niya. Sinubukan ko uling pedalan ang fountain. This time, nakainom na rin ako nang matiwasay. Then I went near Onin at binato ito pabalik sa kanya. "Ang O.A mo maka-demand na labhan. Bakla, nabasa lang `yan. Itapat mo sa electric fan `ta mo tuyo agad `yan.” “Kinapitan na `yan ng bacteria. Nahawakan mo na e.” Binato niya uli `to sa`kin. “Labhan mo `yan tapos gamitan mo ng fab con.” Aba’y ang animal, ginawa akong tiga-laba. "Isuksok mo na lang diyan sa locker mo." He paused putting his shirt on. Damn those abs. "Tinuturuan mo `ko ng mali? Pa’no kung bumaho locker ko? Siyempre magkakaron `yan ng moist, kakalawangin. `Di ka nag-iisip, ano?” "Ang arti! Bakla ka talaga!" "Isa pang sabi mo ng bakla, hahalikan kita riyan!" Ano, diary, magsabi pa ba ako ng isa? Haha! Haliparot. `Di alam ko naman talagang lalaki siya. It’s just how I like to call people na parang ka-level ko lang, ka-close na, ganern. I guessed I had no choice but to wash his shirt. Hindi naman `yan tatanggap ng 'no' for an answer e. But just as I was about to go, he asked me a question. "Kelan ka magsta-start ng duty?" Nilingon ko siya. "Anong duty? Duty free? Duty Fruit?Tender Duty?" "Duty bilang Student Assistant.`La siya." "E magpapasa pa nga lang ng requirements, `di ba?" I said, rolling my eyes. Then I realized something. "Wait, paano mo nalamang mag-e-S.A. ako?" "Pumasok ako sa H.R.D. Duh." "`Wag mo nga akong ma-Duh-Duh diyan!" ani ko sabay, "Diyan ka na nga. Bakla.” “Sandali.” Lumapit si Onin at may inabot. “Ano `to?" tanong ko. "DTR. Diyan daw natin ire-record ang time-in at time-out once magsimula na tayo sa duty." "Wait, ‘tayo’?” “Nag-apply din ako,” he said, going back to his locker. “Same department tayo." When he said 'same department tayo', lightning struck, the red sea parted. “No! What sorcery is this?” sabi ko. I was so alarmed na mag-e-S.A. rin ang impakto but eventually nangisi ako. "O, anong sorcery nangyayari sa`yo?" Umiling ako. "Ts.Tsk.Tsk. I knew it." "Anong 'I knew it'?" "That you won't last a day without me either. At `pag nagkataon, maglalasing ka. Iinom ka ng alcohol. Family Rubbing alcohol." E `di nakaganti rin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD