You’re Mine to Protect

1347 Words
“Hindi ka na pwedeng lumabas mag-isa. You’re mine to protect now.” Nanlamig ang buong katawan ni Jaira sa narinig. Mine to protect. Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang isipan, tila may bigat na unti-unting yumayakap sa kanyang dibdib. Hindi niya maunawaan ang ibig sabihin, ngunit naramdaman niyang may malaking pagbabagong nangyari sa takbo ng kanyang buhay simula nang makilala niyang muli si Venus. “Anong… anong ibig sabihin nun?” tanong niya. Nanginginig ang boses niya. Hindi sa galit. Sa takot. Lumapit si Venus sa kanya. Isang hakbang lang ang layo. “May mga kalaban ako, Jaira. Marami. At simula nung pumasok ka sa building na ‘to, target ka na nila.” “Pero bakit? Wala naman akong ginagawa! Bagong empleyado lang ako!” Sabi ni Jaira. Tumingin si Venus sa kanya. Diretso sa mata. “Dahil alam nila na mahalaga ka sa akin.” Nanlaki ang mata ni Jaira, hindi siya makasagot. Kinuha ni Venus ang phone niya. May tinawagan. “Marco. Sa office. Now.” Binaba. Pagkatapos ng isang minuto, may kumatok, pumasok ang isang lalaki. “Sir,” sabi ng lalaki. Tumango kay Venus. “Marco, siya si Jaira Soryano,” sabi ni Venus. Tinuro si Jaira. “From now on, you don’t leave her side. Kung nasaan siya, nandoon ka. Kung kumakain siya, bantay ka. Kung natutulog siya.” “Po?!” Sabi ni Jaira. Namula siya. “Hindi naman po kailangan.” “Kailangan,” putol ni Venus. Malamig ang boses pero madiin. “Last week, may inatake sa parking lot empleyado ko akala nila girlfriend ko bali ang braso, anim na tahi sa ulo.” Napahawak si Jaira sa bibig niya. “Hindi kita hahayaang mapahamak,” dagdag ni Venus. Tumingin kay Marco. “Understood?” Tumango si Marco. “Yes, Sir. I won’t let anyone touch her.” Tumingin si Marco kay Jaira. Tumango rin. “Ma’am.” Ma’am. First time may tumawag sa kanya ng ganun hindi siya komportable. “S-Sir Venus,” sabi ni Jaira. Humarap kay Venus. “Hindi ko po kailangan ng bodyguard. Kaya ko po sarili ko. Eight years akong mag-isa. Nakayanan ko.” “I know,” sabi ni Venus. Lumapit siya ulit. Ngayon, halos isang dangkal na lang ang layo nila. “Alam ko kung paano ka nabuhay. Alam ko na tatlong beses ka nang nahimatay sa gutom nung college. Alam ko na minsan, tubig lang ang hapunan mo.” Naiiyak na si Jaira. Paano niya alam lahat ‘yon? “Pero tapos na ‘yon,” sabi ni Venus. Hinawakan ang kamay ni Jaira. “Hindi mo na kailangang maging poste, Jaira. Kasi ako na. Ako na ang sasalo sa’yo.” Binawi ni Venus ang kamay niya. Parang napaso. Tumalikod. “Marco, hatid mo siya sa condo niya. 61st floor. Unit 6101. Naka-setup na lahat.” “Condo?!” Sabi ni Jaira. “Hindi ko po” “Part ng contract,” sabi ni Venus. Hindi lumingon. “Ayaw mo? Fine. Resign.” Natigilan si Jaira. Resign? Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos niyang malaman na 8 years siyang hinintay? Hindi. Tumayo siya nang tuwid. “Hindi po ako magre-resign.” Lumingon si Venus. May maliit na ngiti. Halos hindi makita. Pero nandoon. “Good.” Tumingin siya kay Marco. “Dalhin mo na siya. I have a meeting.” Tumango si Marco. “Ma’am, this way po.” Sumunod si Jaira. Bago siya lumabas, lumingon siya kay Venus. “Sir… Venus… salamat po. Sa lahat.” Hindi sumagot si Venus. Tumango lang. Pagkasara ng pinto, napasandal si Venus sa table. Napapikit. Ang tapang niya. Pero ang hina niya pa rin. Kinuha niya ang phone. May tinawagan ulit. “It’s me,” sabi niya. “She’s here. Sa building. Protect her at all costs.” Unit 6101. 61st floor. Nanlaki ang mata ni Jaira pagpasok. Malaki sobrang laki. Mas malaki pa sa buong apartment building niya sa Sampaloc. White and gray ang theme. Malinis, mabango at may malaking bintana kita ang buong city. “Sa’yo po lahat ‘to, Ma’am,” sabi ni Marco. Nakatayo sa pinto. “May kitchen, dalawang kwarto, office. May closet na puno ng damit. Size niyo po lahat. Pinili ni Sir Venus.” Lumapit si Jaira sa closet. Binuksan. Nandoon lahat blouses, pants at dresses. Lahat simple lahat puti, beige, black. Walang masyadong design gaya ng suot niya lagi. Paano niya alam? “Si Sir po… 8 years niya kayong pinag-aralan, Ma’am,” sabi ni Marco. Parang nababasa ang isip niya. “Alam niya kung anong kape mo. Alam niya na allergic ka sa hipon. Alam niya na natatakot ka sa kulog.” Umupo si Jaira sa kama. Malambot! “Parang… parang hindi totoo,” bulong niya. “Pero totoo po,” sabi ni Marco. “At delikado. Kaya please, Ma’am. Sundin niyo si Sir. Huwag kayong lalabas mag-isa. Kahit CR sa office, ipaalam niyo sa akin.” Tumango si Jaira. Takot pa rin siya. Pero may kung ano sa dibdib niya. Init. Safety. For the first time in 8 years, hindi na ako mag-isa. Gabi na. 9 PM. Nasa kwarto si Jaira. Nakapajama na. Nakahiga. Hindi makatulog. Iniisip si Venus. Iniisip ang sinabi niya. You’re mine to protect.It’s always been you. Biglang kumulog. MALAKAS. Napabalikwas si Jaira. Takot siya sa kulog. Simula nung namatay ang parents niya sa car accident. Umuulan nun. Kumukulog. Isa pang kulog. Mas malakas. Nanginig si Jaira. Yumakap sa unan. Please… tulungan Mo ako, dasal niya. Tahimik. Sincere. Tok. Tok. Tok. May kumatok sa pinto ng kwarto niya. “Ma’am? Okay lang po kayo?” boses ni Marco mula sa labas. “O-Okay lang,” sagot ni Jaira. Pilit matapang. Pero nanginginig ang boses. Isa pang kulog. SABAY. Napasigaw si Jaira. “Ay!” Bumukas ang pinto. Hindi si Marco. Si Venus. Naka-black shirt lang. Naka-pajama pants. Basa ang buhok. Galing sa ligo yata. Walang salita, lumapit siya sa kama. “Anong ginagawa niyo po dito?” tanong ni Jaira. Gulat. Hiya. Takot. Lahat na. “Tumigil ka,” sabi ni Venus. Umupo siya sa gilid ng kama. “Narinig ko yung sigaw mo. Sabi ni Marco takot ka sa kulog.” Hindi makasagot si Jaira. Isa pang kulog. Napapikit si Jaira. Nanginginig. Walang salita, hinila ni Venus ang kumot. “Tabi ka.” “Po?!” “Move,” sabi ni Venus. Hindi utos. Hindi malambing. Basta sinabi lang. “Hindi kita hahawakan. Hihiga lang ako dito. Para hindi ka matakot.” Dahan-dahan, umusog si Jaira. Humiga si Venus sa kabilang side ng kama. Nakaharap sa kisame. Mga isang ruler ang layo nila. Hindi nagdidikit. Katahimikan. Kulog na lang naririnig. “Sir…” bulong ni Jaira. “Venus,” correct ni Venus. Nakatitig pa rin sa kisame. “Venus… bakit mo ‘to ginagawa?” tanong ni Jaira. “Bakit ako? Ang dami mong pwedeng piliin. Maganda. Mayaman. Sikat. Bakit ako na ulila, na walang wala?” Huminga nang malalim si Venus. “Dahil ikaw lang ang hindi natakot sa akin nung high school.” Natigilan si Jaira. “Lahat sila, lumalayo. Kasi tahimik ako. Kasi weird ako. Pero ikaw…” Huminto si Venus. “Ikaw lang ang ngumiti sa akin. Nung nadapa ka at inabot ko notebook mo. Ngumiti ka. Sabi mo, ‘Salamat.’ Isang salita lang. Pero… yun na ‘yon.” Tumulo ang luha ni Jaira. Hindi niya maalala ‘yon. Pero si Venus, maalala. For 8 years. “Matulog ka na,” sabi ni Venus. “I’m here. No one can hurt you.” Isa pang kulog. Pero this time, hindi na natakot si Jaira. Kasi nandito na si Venus. At sa unang pagkakataon sa loob ng 8 years, nakatulog siya nang hindi umiiyak. Sa labas ng pinto, nakatayo si Marco. Nakangiti. May tinetext: Sir, phase two complete. She’s sleeping. You’re beside her. Mission success. Sa kabilang dulo ng city, may is ang lalaki na nakatingin sa litrato ni Jaira. Ngumisi. “So… siya pala ang kahinaan ni Venus Mendoza.” Tinutok niya ang baril sa litrato. “Interesting.” To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD