KABANATA 4

1919 Words
SAMANTALANG sa penthouse ay inihahanda na nina May at Clara si Irene. Pinaganda ng husto ng mga ito si Irene. Ilang buwan ding nasa stage of recovery siya. At ngayon nga ay tuluyan nang magaling na siya. Sa mga panahong iyon ay wala siyang hinangad kundi ang matapos na ang kanyang kalbaryo sa surgery. Mahirap, pero kinaya niya lahat at sulit naman ang naging resulta niyon. Naalala niya nang unang makita niya ang kanyang mukha sa salamin matapos maghilom ang kanyang mga sugat ay talagang namangha siya sa ganda ng kanyang bagong mukha. Hindi nga siya nagkamali dahil na-surprise talaga siya. Kahit na pumayag siya sa posibleng tuluyang pagbabago na ng kanyang hitsura ay nagulat pa rin siya. Kaya malaki talaga ang dapat niyang ipagpasalamat kay Mr. Flores. Nang mga panahong iyon ay sina May at Clara ang nag-aalaga sa kanya. Tinuturuan din siya ng mga ito ng piano lessons, classic arts at history. Pakiramdam niya ay para siyang nag-aaral ulit ng bagong kurso na hindi niya alam kung ano ang tawag. Minsan ay naisip niyang baka totoong mga guro talaga itong sina May at Clara dahil napakaraming alam ng mga ito na tinuturo sa kanya. Tinuruan din siyang mag-aral na may kinalaman sa fashion, interior design and linguistics. Naisip niyang itanong sa sarili kung mag-aartista ba siya o ano? Nang bumalik siya sa Penthouse ay tuluyan na ring nabago ang disenyo ng kanyang silid na tinutuluyan. Naging kulay berde na ito. Alam niyang nabanggit niya sa dalawa kung ano ang kanyang paboritong kulay pero hindi naman niya akalain na ipapa-renovate ni Mr. Flores ang kanyang kuwarto at ang ipinalit pa ay ang paborito niyang kulay. Pinalitan din ng mga mamamahaling kagamitan at iba pang furnitures ang loob ng kanyang silid. Naisip niya kung ano kaya ang ginawa roon sa mga unang kagamitan. Tinapon lang kaya ang mga iyon? Nanghihinayang man siya subalit wala naman siya sa lugar para mag-usisa sa mga nangyari. Noong una ay natatakot siya mabilanggo sa magarang silid at penthouse na ito pero habang tumatagal ay tila nagugustuhan na niya rito. Hindi lang iyon, gusto niyang matuto pa ng iba pang mga bagay. Iyon bang parang buhay mayaman na kilos kahit paminsan lang. Nakangiti siya habang inaalala ang mga bagay na kanyang natutunan kina Clara at May. Ang pinakaayaw lang talaga niya ay ang piano lesson dahil napakatigas ng kanyang mga daliri at aaminin niyang mahirap pala talaga mag-aral ng piano. NANG matapos nina May at Clara ang pag-make-up sa kanya ay saglit na lumabas ang mga ito ng kanyang silid upang bigyan siya ng pagkakataon na makita ang sarili sa malaking salamin. Nag-umpisang pagmasdan ni Irene ang sarili sa malaking salamin. Tuluyan na kasing nagbago ang kanyang hitsura. Wala na ang bakas ng dating Irene na probinsiyana. Pero nalungkot siya dahil sa pagbabagong ito ay maaring hindi na rin siya makilala ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Nag-init ang kanyang mga mata sa napipintong mga luha. Ngayon na ang araw upang makita at makilala niya ang kanyang generous benefactor. Tumayo siya at pinagmasdang mabuti ang sarili at napahanga siya sa angking kagandahan. Suot niya ngayon ang isang asul na long sleeve choker v-neck dress na tila sinukat sa hubog ng kanyang katawan. Naalala pa niya noong unang ipinakita sa kanya ng doktor ang kanyang mukha, malayong-malayo na ito sa hitsura niya ngayon. “Dok, ako ba talaga ‘to?!” tanong niya na puno ng pagkamangha. “Yes! Congratulations, Miss Irene, it was a successful surgery!” anito. Pero biglang napalis ang kanyang mga ngiti at napalitan iyon ng kalungkutan dahil wala na ang bakas ng dating Irene. Hindi na siya makikilala ng kanyang pamilya. At ang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay ang naghihintay. Pagbabago na hindi niya alam ang magiging resulta kung mabuti ba o maganda. Naisip niyang baka si Mr. Flores ay kagaya rin ni Mr. Tuason. Sa dami na ng ginawa nito para sa kanya ay halos nabili na nito ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay wala na talaga siyang kalayaan. Mayamaya lang ay pumasok si Clara sa kanyang silid. “Miss Irene, handa ka na ba? Nandito na si Sir Brent,” anito. “Sige, Clara, lalabas na ako.” Agad niyang kinuha ang kanyang maliit at kumikinang na clutch bag na halos katerno ng kanyang damit at lumabas na siya ng silid. Agad na napatingin sa kanya si Brent at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Wow, you look gorgeous, Miss Irene! Siguradong magugulat si Mr. Flores ‘pag nakita ka niya,” ani Brent na nakangiti. “B-bakit naman?” inosenteng tanong niya. Hindi ba nakakakita ng maganda si Mr. Flores?” sa loob-loob niya. Parang imposible naman yatang paniwalaan iyon sa isang kagaya niya na mayaman at maimpluwensiyang tao. Lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Brent. Samantalang tahimik lang si Irene habang nasa sasakyan ni Brent ganoon din ang lalaki. “Napakatahimik mo naman,” basag ni Brent sa katahimikan. “W-wala lang, nagtataka lang ako kung bakit ginagawa ito ni Mr. Flores. Kinakabahan ako.” “He will tell you tonight. Huwag kang kabahan isipin mo na lang na isa lang itong dinner date with your prince charming.” “Dinner date?” napalinga siya kay Brent. “Oo, ‘di ba, it’s already dinner,” napangiting sabi nito na napatingin pa sa pambisig na relo. Naalala tuloy ni Irene ang scenario kung papaano siya dinala ng driver ni Mr. Tuason. Pero ang pagkakaiba lang, sa pagkakataong ito ay wala na siyang balak na tumakas pa. Takot na siya sa maaring mas malalang puwedeng mangyari sa kanya. “Ngapala ‘wag mong kalilimutang isuot ‘yang mask,” paalala ni Brent. Ibinigay sa kanya iyon ni Clara bago sila umalis ni Brent sa penthouse. Isa iyon venetian mask na kakulay din ng kanyang damit. “Okay…tatandaan ko..” ang tanging tugon lamang niya. “Wearing a mask is a must,” napangiti si Brent. “Talaga namang lalong nagiging engrande ang party tuwing sasapit ang company anniversary, at ngayon naman ito ang naisip ni Mr. Flores para sa kanyang mga empleyado, ang magkaroon ng masquerade ball,” napailing si Brent. Naisip ni Irene na baka hindi naman masamang tao si Mr. Flores kung ganito siya kagalante magbigay ng party para sa kanyang mga empleyado. NAPUNO ang hall ng mga tao na nakasuot ng nagagandahang kasuotan. Kaya pala ganoon na lamang ang ginawang paghahanda sa kanya nina May at Clara dahil hindi pala biro ang kanilang pupuntahan. Para itong isang masquerade ball ng mga prinsesa at mga prinsipe sa palasyo. Nang bumaba sila sa sasakyan kanina ni Brent ay inalalayan na agad siya nito. Naglahad ito ng bisig para siya ay humawak. Wala silang imik pareho ni Brent habang nakasuot sila pareho ng mask na naglalakad sa party hall. Sa dulo ng hall ay naroroon ang mesa ng mga VIP’s. Dumeretso sila ni Brent at hindi muna ito nakipag-usap sa mga tao sa paligid. Lalong lumakas ang kanyang kaba na nararamdaman. TUMAYO si Andrew nang makita nito si Brent kasama ang babaeng nakasuot ng magandang kasuotan. Napangiti ito sa dalawa. “Bro,” tinapik ni Brent si Andrew sa balikat sabay nakipagkamay rito nang makalapit sa mga ito. Tila napako ang tingin ni Irene sa kaharap nilang lalaki ngayon, may katangkaran ito na sa tantya niya ay nasa 5’11”. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot nitong mask. Matikas ang tindig nito at bagay na bagay ito sa suot nitong blue tuxedo with velvet blazer. “Hi, I’m Mr. Flores!” sabi ng baritonong boses nito. His voice, his dark solemn eyes and that smile, rendered Irene speechless. “N-nice to finally meet you, Mr. Flores.” Ang nasabi lamang ni Irene na halos higit ang kaniyang paghinga sa kaba. “Oh, pa’ano, bro, ikaw na ang bahala sa kanya. Dito muna ako sa mga nagagandahang mga babae,” sabi ni Brent na napangiti sa kanilang dalawa. “Thanks, Brent. Ako na ang bahala,” tugon nito. Mr. Flores thanked politely took her arm in his. Umalis na si Brent sa kanilang presensiya upang makipag-usap sa mga kakilala sa paligid. “Let’s go,” yaya nito sa kanya. “S-saan po tayo pupunta?” tanong niya sa lalaki. “Sa second floor, naroon ang table natin, my princess,” tugon nitong nakita pa niya ang pag-arko ng sulok ng mga labi nito. Umakyat sila sa carpeted stairs patungong second floor. Sa kabila nang nakatakip na mukha ni Mr. Flores ay nababakas niya ang kagandahang lalaki nito. Nasasamyo rin niya ang pabango nito na tila kay sarap sa ilong, hindi nakakasawa. Papasok na sila sa isang VIP room na napupuno ng mga petals ang sahig. Para itong isang napaka-romantic date na pinapangarap ng mga kababaihan. Gayunman, hindi talaga mawala ang kaba sa kanyang dibdib. His fingers raised her chin as soon as they were inside. His eyes regard her with longing she couldn’t fathom. Lost in his stare, Irene struggled to break eye contact. Bahagya siyang umatras nang maisip niya kung ano ang maaring intensiyon ng lalaki sa kanya. “Mr. Flores, salamat sa pagtulong mo sa’kin. Napakalaki ng utang na loob ko sa’yo. P-pero…bakit mo ba ako tinulungan nang higit pa sa hinihiling ko? A-ano ang kapalit nang lahat nang ‘to?” tanong niya. “Irene, remember? Ikaw ang humingi ng tulong sa’kin, tinugon ko lang. Hindi ko na kasalanan kung sobra ang binigay ko sa’yo. Ganoon talaga ako,” sabi nito. “Huwag po kayong mag-alala babayaran ko ang lahat ng utang ko sa’yo?” Nakita niya ang pag-arko ang sulok ng mapupulang labi ng lalaki. “How?” He interrupted her, pulling her back next to him. “Puwede mo ako bigyan ng trabaho sa kompanya mo, tapos ikaltas mo na lang sa’kin, I mean sa sasahurin ko. Puwede rin namang magtrabaho ako sa iba at paunti-unti ay magbabayad ako sa’yo,” sabi niya na tila nanginginig ang buong kalamnan sa pagkakahawak sa kanya ni Andrew. “Unfortunately, there’s currently no open position but you might qualify for something else…” sabi nito habang iginigiya siya nito papunta sa couch sa dining table. “Anong trabaho naman po iyon?” tanong niya. He smiled at her and gently removed her mask, revealing her face. Mr. Flores grew quiet and before Irene could say anything. “I never liked promises…” he whispered. Irene strained her ear to hear him, “marry me instead…” “A-ano? Se-seryoso ka po ba, Mr. Flores?” napasinghap siya. Ngayon lang niya naisip ang sinabi ni Brent sa kaniya na maaring ang kalayaan niya ang maging kapalit ng lahat, at ito na nga iyon. Hindi siya nananaginip sa kanyang narinig at sa palagay niya ay hindi nagbibiro ang lalaking kaharap. Nakatakas nga siya kay Mr. Tuason, pero parang young charming Mr. Tuason din siya mapupunta. Hindi niya lubos maisip kung bakit sa lahat ng mga babae ay siya pa ang inalok nito ng kasal. “Mr. Flores, pupuwede ba akong pumunta muna sa ladies room?” tanong niya. Sa sobrang nerbiyos niya ay hindi niya malaman kung anong gagawin niya. Tumango lang ang lalaki. “Sure, but this time don’t try to run away. You wouldn’t want another accident,” makahulugan ang sinabi nito. Pero nagpatuloy siya para makapag-isip isip siya. Habang naglalakad siya papunta sa ladies room ay hindi niya mapigil ang panginginig ng kaniyang kamay. Parang naiiyak na siya. Diyos ko! Ano po ba itong nangyayari sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD