KABANATA 3

2428 Words
HALOS hindi nakatulog si Irene nang gabing iyon kung tatanggapin ba niya ang tulong ni Mr. Flores. Nag-aalangan man siya sa mga magiging consequences nito sa kanya pero mukhang wala na siyang pagpipilian kundi ang magtrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Kung hindi siya makapapasok sa trabaho ay mas magiging pabigat pa siya sa kanyang pamilya. Nang bumalik si Brent ay buo na ang kanyang desisyon na tanggapin ang deal ni Mr. Flores. Kung ano man ‘iyon, hindi pa niya alam. “Gusto kong magtrabaho kay Mr. Flores, iyon na ang desisyon ko, Sir Brent.” Ngumiti sa kanya ang lalaki, “Good, Ako na ang bahala. Just call me Brent, Miss Irene.” Excited na si Irene dahil ngayon nga ang araw na siya’y lalabas na ng hospital. “Shall we, Miss Irene?” ani Brent. Sinusundo na siya nito upang dalhin sa lugar kung saan magkikita sila ni Mr. Flores. “Handa na ako, Sir Brent,” tugon niya. Wala naman kasi siyang mga gamit na dapat ayusin paglabas ng hospital dahil ang lahat ng kanyang ginagamit ngayon ay si Mr. Flores ang nagbibigay. May maliit siyang bag na may ilang laman na damit na binigay din sa kanya ni Dan noong unang pagbisita nito sa kanya. Kanina lang ay kinuha na iyon ni Dan upang dalhin na sa sasakyan. Bigla namang nawala sa paningin niya si Dan noong pumasok na si Brent sa kanyang silid para sunduin siya. Habang nasa biyahe sila ay tahimik lang si Irene habang pinagmamasdan ang binabagtas nilang daan. Bagama’t hindi pa niya lubos na kilala si Brent ay mas palagay na ang loob niya rito kumpara sa hindi pa nakikilalang si Mr. Flores. “Ano bang iniisip mo?” basag sa katahimikan na tanong ni Brent. “Marami akong iniisip. Naiisip ko kung ano bang klaseng tao si Mr. Flores. Pwede mo bang sabihin sa’kin?” pakiusap niya. Nakita niya ang pagbuntong-hininga ni Brent. Sana ay hindi na lang niya tinanong baka isa rin ito sa maikli ang pasensya at mag-init ang ulo sa kanya, kagaya na lamang ng driver ni Mr. Tuason na nagdala sa kanya. “Wala ka naman dapat ipag-alala sa kanya. Mabait kung sa mabait, but I’m warning you ‘wag na ‘wag kang gagawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan. In that case I can’t guarantee na magiging mabait siya sa’yo. He’s a good friend but he can be a worst enemy.” Napasinghap siya dahil mukhang tinatakot naman yata siya ni Brent. Bigla siyang nilinga ng lalaki at tumawa ito. “Sorry, tinakot ba kita?” anang lalaki. DINALA siya ni Brent sa sinasabi nitong Penthouse na pag-aari ni Mr. Flores. Sa labas pa lang ng building ay naisip niyang hindi biro ang tumira sa ganitong lugar. Napatingala siya sa matayog na gusali bago sila pumasok sa parking area. Sa Manila Green Meadows sila pumunta isa sa mga sikat na residential condominium sa malapit sa Manila Bay. Napahanga lalo si Irene nang paakyat na ang kanilang glass elevator na sinasakyan. Tila kinikiliti ang kanyang mga paa habang pataas na sila, takot kasi siya sa heights. Nagtaka siya dahil hiwalay ito sa sinakyan ng ibang mga unit owners. “Bakit hindi tayo roon sumakay?” tanong niya kay Brent. Hindi na siya nangopo ayaw din kasi ng lalaki na masyadong pormal dahil lalo daw itong tumatanda. “This is for VIP’s use only at para kay Mr. Flores lang o kaya sa papunta sa unit niya ang puwedeng gumamit nito,” tugon nito. Lalo siyang namangha ngunit nandoon ang kaba na hindi niya maintindihan. Ibig sabihin ay hindi talaga basta-basta ang pagkatao ni Mr. Flores. Sa wakas ay bumukas na ang elevator sa 60th floor. Agad niyang natanaw ang malawak na Manila Bay at ang araw na palubog na. Napahanga siya ng husto nang inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng Penthouse. Pinapasok siya ni Brent sa loob at bumungad sa kanya ang eleganteng living room nito. Malawak, napakagaganda at mamahalin ang mga kagamitan. “Sir, nasaan po si Mr. Flores?” tanong niya. “I said drop off the po and sir.” “Mr. Flores is away for business trip don’t worry about him. You will meet him soon. For the mean time sina Clara at May ang makakasama mo rito,” ani Brent. Agad naman na lumapit ang dalawang babae na sa tantya niya ay nasa 30’s na ang mga ito. Ngumiti ang mga ito sa kanya. “They’re Andrew employees too..pero sila ang magtuturo sayo rito. They will help you prepare for your surgery and keep you company,” pakilala ni Brent sa dalawa. “Hi! Miss Irene! Nice to meet you,” ang sabi ni Clara at sinigundahan naman ito ni May. Iginala pa ni Irene ang kanyang mga mata habang hindi maalis sa kanya ang pagkamangha. “So, pa’no maiwan na kita rito,” paalam ni Brent. “S-sige, salamat..” tugon niya. Tumalikod na si Brent at pumasok na ito ulit sa elevator na halos nasa tapat lamang ng living room. Kakaiba talaga ang desinyo ng bahay. Puwede pala iyon akala niya sa mall lang may elevator o kaya sa mga opisina. “Halika, Miss Irene, ituturo namin sa’yo ang mga dapat mong gawin,” ani Clara. Inilibot siya ni May sa kabuuan ng unit ni Andrew. Mula sa modernong kagamitan sa living room, kusina, sa kuwarto maging sa infinity pool nito. Hindi lubos ma-imagine ni Irene na may ganitong lugar pala sa Pilipinas na ngayon lang niya nakita. Hindi niya mahanapan ng salitang puwede niyang ilarawan ang nasabing lugar dahil napakaganda at elegante nito para sa kanya. Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya o dala pa rin ito ng mga hallucinations niya. “Ah, ano bang tawag sa lugar na ‘to?” tanong niya sa babaeng kaharap. “Dito ka pansalamantalang titira, Miss Irene, or baka dito ka na rin mamalagi hangga’t gusto ni Mr. Flores.” “Ganun ba? P-pero ang ibig kong sabihin ay…ano ang tawag sa magarang lugar na ‘to?” tanong niya. “Ah..ito ang tinatawag na Penthouse. Isa lang ito sa mga pag-aari ni Mr. Flores. Kung hindi mo naitatanong ang pamilya Flores ang nagmamay-ari ng condominium na ito. Isa ito sa mga pinakasikat sa lahat ng mga Flores’ tower.” Napasinghap siya, “Talaga? Ganoon kayaman si Mr. Flores?” “Oo. Kaya sa tingin ko ay napakasuwerte mo, Miss Irene.,” ngumiti sa kanya ang babae. Lumanghap siya nang hangin habang nakikita niya ang magandang sunset na tila kay payapang pagmasdan. “Magugustuhan mo rin sa lugar na ‘to,” nakangiting sambit ni Clara. Tumango-tango na lamang siya. Kahit gaano kasi kaganda ang lugar ay may nararamdaman siyang pangamba. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay na bukas sa kanya sa pakikipagsapalaran niyang ito. Hindi na siya puwedeng umatras. Tumahip na naman ang kaba na nararamdaman niya. Lumapit sa kanila si May na galing sa labas loob ng kuwarto. “Ngapala, Miss Irene, gusto ko lang ipaalala sayo na maraming mga CCTV camera sa buong penthouse. Bukod sa mga nakikita mo, meron pang iba na nakatago. So sana maging aware ka. Pinapaalala ko lang, ‘wag kang gagawa ng mga bagay na hindi magugutuhan ni Mr. Flores,” tila may pagbabanta sa tinig ni Clara. Lalo tuloy siya nakaramdam ng kaba. Bakit kahit sina Clara at May ay parang pinagbabantaan din siya sa pagkatao ni Mr. Flores? Kagaya din iyon ng sinabi sa kanya ni Brent kanina. Ibig sabihin pala ay nakikita pa rin siya ni Mr. Flores kahit wala dito ang lalaki. Ano bang klaseng tao siya? Ano ba ‘tong pinasok ko? sa loob-loob niya. Mas lalo yatang nanganganib ang kanyang buhay. NANG matapos na silang maghapunan ay tinuruan naman siya ni Clara kung papaano ang paggamit ng mga bathroom products at mga beauty gadgets na ngayon lamang niya nakita. Hindi niya alam kung papaano gamitin ang mga iyon mabuti na lang at talaga naroon sina Clara at May para turuan siya. Minsan ay sumasagi sa kanyang isipan ang mga katanungan kong bakit ba niya kailangan gumamit ng mga ganoon. Anong trabaho ba ang papasukin niya? Hindi naman siguro sa loob ng bahay dahil mukhang prinsesa siya kung itrato ng dalawa. Kung totoong trabaho ang ipagagawa sa kanya sana ay tungkol sa trabaho ang pinapagawa ng mga ito sa kanya. Saglit na iniwan muna siya ng dalawa sa kanyang silid. Napakaganda rin ng kanyang silid. Kulay pink at cream ang nakikita niyang kulay ng paligid. Parang kuwarto talaga ito ng isang prinsesa na napapanood niya sa mga pelikula. Humiga siya sa kanyang malambot na kama hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. KINABUKASAN, ay nagising si Irene na maayos ang pakiramdam. Napapikit pa siya sa liwanag na pumasok sa glass wall nang hawiin ni Clara ang kurtina. Mataas na pala ang araw at mula sa kanyang silid ay abot tanaw niya ang halos kabuuan ng siyudad. “Good morning, Miss Irene!” bati nito. Nag-inat siya at tumugon sa bati nito sa kanya. “Pasensya kana, Miss Irene, pero ngayon na ang schedule mo para sa iyong surgery. Sasamahan ka namin ni May na pumunta sa clinic ng doktor.” “Ha? Ngayon na agad?” tanong niya. “Yes, Miss Irene.” Kahit marami na siyang pinagdaanan na mga turok noong nasa hospital pa siya ay hindi pa rin mawala sa kanya ang matakot at mag-alala. Alam niyang masakit ang turok at takot talaga siya roon. Pero kailangan niyang lakasan ang loob dahil ito ang magiging susi sa magandang kinabukasan niya at ng kanyang pamilya. “O-okay, Clara,” maikling tugon niya. “Kinakabahan ka ba?” nakangiting tanong nito. “Oo, kinakabahan din talaga ako,” pag-amin niya. “Isipin mo na lang na para ito sa kapakanan mo, magiging maayos na rin ang lahat, Miss Irene.” Napangiti siya sa comfort na ibinigay ni Clara. “Salamat, Clara.” “Ang ganda ng kuwarto. Ibig sabihin ay pinagawa din ito ni Mr. Flores? Nakapagtataka naman. M-may kamag-anak ba siyang babae na natutulog dito?” usisa niya. Ngumiti lang si Clara, “Actually ito ang paboritong kulay niya,” tugon lang nito. “Ni Mr. Flores?” “Hindi. Basta malalaman mo na lang ‘yan kapag nakaharap mo na siya,” ani Clara na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya kahit wala naman siyang nakikitang mga kalat. “Pero palagay ko, magbabago pa ang disenyo nito, depende sa gusto mo. I’m sure kapag ginusto mo puwede mo itong ipabago kay Mr. Flores.” “Ha? Bakit naman? ‘Tsaka wala naman akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ‘yon. Nandito ako sa poder niya dahil pansamantala lang niya ako pinatuloy at siguro kapag nagtrabaho na ako sa kanyang kompanya maghahanap na lang ako ng matutuluyan ko kahit maliit lang, nakakahiya naman kasi sa kanya,” aniya. “Yan, eh, kung papayagan ka niya. Hindi ka dapat tumatanggi sa mga ibinibigay niya sa’yo. Isa ‘yan sa mga bagay na ayaw ni Mr. Flores,” tugon ni Clara. “Ha? Ganoon ba? Sa palagay mo ba hindi siya papayag?” muling tanong niya. “’Tsaka mo na lang itanong ‘yan sa kanya. Sa ngayon kailangan mo nang kumain para makaalis na tayo. Handa na ang breakfast, Miss Irene, hintayin ka namin sa dining area,” sabi ni Clara sabay tinungo na nito ang pintuan at lumabas. MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN…. KASALULUYANG nagkita sina Andrew at Brent sa isang café. Umupo si Andrew habang humihigop ng mainit na kape. Nagtaka si Brent dahil nauna pa ito sa kanya. Kadalasan ay palaging nahuhuli itong si Andrew kapag nagkikita sila. “What is it this time, Andrew? I’ve done so many favors that I have lost count!” Napailing si Brent habang nakangiti sa kaibigan. “I want our first meeting to be memorable, romantic even.” Walang kahit anong kasayahan ang mababakas sa mukha nito. Ibinaba nito ang tasa sa mesa. Madalas silang magkausap tungkol sa naging kalagayan ni Irene at ni isang pagkakaton ay hindi nito pinalampas na malaman kay Brent. Lahat ay naka-monitor sa kanya. “So, how is she, Brent?” Bakas ang pag-aalala sa mga mata ni Andrew na noon lang nakita ni Brent. Hindi ito ordinaryong pakiramdam ni Andrew dahil madalas ay mas matigas pa ito sa bato kaysa sa kanya pagdating sa mga babae, maliban lang sa dating fiancee nito. “The surgery was successful. Iniwan ko muna siya sa pangangalaga nina Clara at May. Pero siyempre hindi maiiwasan na magtanong iyon tungkol sa mga bagay-bagay. Lalo na sa paraang pagtrato mo sa kanya. So, what’s your plan, bro?” tanong ni Brent. Napabuntong-hininga si Brent nang hindi agad sumagot si Andrew. Kinuha nito ang isang tasang kape at uminom na rin. “Sasabihin ko kung anong gagawin mo,” ani Andrew na seryoso pa rin ang anyo. “Hmm…so far she was indebted by your kindness, bro. At para na siyang mababaliw sa mga palaisipan na ginagawa mo sa kanya. Ano ba talaga plano mo kay Irene?” tanong ni Brent. “I’ll take care of it. Tell her to prepare for this weekend’s Masquerade Ball.” May kinuha itong isang magarang envelope sa ilalim ng bulsa ng coat nito at iwinagayway iyon sa harapan ni Brent. “Really? You want her out in public?” Napataas kilay si Brent sa pagkagulat. Naunawaan agad ni Brent kung ano ang card na iyon. Wala sa bokabularyo ni Andrew ang kumuha ng babaeng date at ganitong uri pa ng babae. “Come on, bro. Gagawin mo talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Brent. “Of course. Anong bang masama ro’n? Everyone’s wearing a mask of course, it will be fine. I want you to come with her and bring her to me.” Itinulak ni Andrew ang card sa harapan ni Brent. “I want to sweep her off of her feet!” Napangiti si Andrew habang iniisip kung ano ang puwedeng mangyari sa gabing iyon. Natawa si Brent, hindi siya makapaniwala sa kahibangan ng kanyang kaibigan. Kunsabagay, maigi na ito kaysa naman sa magmukmok ang kanyang kaibigan. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit pumayag siya sa mga kahibangan ng kaibigan niya. Gusto na rin niyang maging masaya ito. Mahabang panahon na rin ang pagluluksa nito mula nang mawala si Hailey sa poder nito. Umaasa si Brent na ito na ang magiging simula ng lahat at magiging masigla na ulit ang kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD