HABANG nagmamaneho sila palayo sa tirahan ni Fiona, dahan-dahang nahimasmasan si Irene. Nag-iisip siya ng paraan kung papaano makakatakas sa kahila-hilakbot na bangungot na ito. Nananalangin siya sa kanyang isipan na huwag naman sanang ipahintulot ang kanyang kinatatakutan. Tila pinakinggan naman ang kanyang dasal nang marahang huminto ang kanilang sinasakyan. Sa isang masukal at maraming mga puno makikita ang isang maliit na portable toilet. Nagmadaling bumaba ang driver. Hindi yata nito napansing hindi naka-locked ang mga pintuan. Kinakabahan man pero mabilis na bumaba si Irene ng van. Ito na ang kanyang pagkakataon para makatakas. Ngunit tila naalala nang driver ang katangahan nito at agad na lumabas ng toilet. Nakita siya nitong nakalabas na ng pintuan.
“May balak ka pa palang tumakas, ah! Masuwerte ka, ma’am, dahil mahaba pa rin ang pasensya ko sa magiging asawa ni boss.” Akmang tatakbo na siya nang biglang nasa harap na niya agad ang lalaki at kinaladkad siya nito papuntang unahan ng kotse. Binuksan nito ang passenger seat at itinulak siya papasok.
“Pakawalan mo ako! Saan mo ako dadalhin? Maawa ka, kuya!” pagmamakaawa niya. Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan.
“Hindi puwede! Sumusunod lang ako sa iniuutos sa’kin kaya kung ako sayo, ma’am, mananahimik na lang ako!”
“Ihinto mo ang sasakyan! Palabasin mo ako!” patuloy ang pagsigaw at pag-iyak ni Irene habang hinahampas ang braso ng lalaki.
“Itigil mo ‘yan! Huwag mong subukang ubusin ang pasensya ko, ma’am, binabalaan kita!” Sa kabila ng babala nito ay patuloy pa rin siya sa pagsigaw at paghampas sa braso nito. Mukhang walang balak itong huminto kung kaya’t tinangka niyang agawin ang manibela.
“Ihinto mo sabi!” Dahil sa hindi na na-kontrol ng driver ang manibela ay bumangga sila sa malaking puno. Sa lakas ng pagkakabangga ay nagkadurog-durog ang windshield na tumama sa kanyang mukha. Saglit na nawalan nang malay si Irene. Nang dumilat siya ay kumikirot ang kanyang ulo at buong mukha. Napatingin siya sa kanyang paanan nakita niya ang isang tubong bakal. Kahit nanghihina siya ay pilit niyang pinaghahampas ang bintana hanggang sa tuluyan na itong nabasag.
Tiningnan niya ang driver na nakasubsob sa manibela, duguan at hindi niya alam kung buhay pa ito. Pilit niyang inilabas ang katawan. Nang makalabas siya ay gumapang siya at pinilit na tumayo. Duguan siya at hinang-hina. Hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya. Andaming dugo na nakikita niya sa kanyang katawan. Pinilit niyang lumapit sa kalsada. Sa wakas ay may paparating na sasakyan.
“Tulong! Tulungan niyo ako!!” sabi niyang na halos nagdidilim na ang paningin.
Hanggang doon na lang ang kanyang naaalala. Pilit sana niyang inaalala ang iba pang nangyari pero biglang kumirot ang kanyang ulo. Napadaing siya at napapikit ng mariin.
“Miss, ayos ka lang?” Isang lalaking naka-black suit ang nasa harap niya ngayon. Napakunot noo siya sa pagkalito.
“Nasaan ako?” tanong niya.
“Nandito ka sa hospital, miss, nakaaksidente ka. Sinabi sa amin ng pulisya ang tungkol sa imbestigasyon. Sakay ka ng kotseng bumangga ‘di kalayuan nang mapadaan kami. Ikinalulungkot ko pero hindi nakaligtas ang driver mo. ‘Tsaka tinanggihan ng nakarehistrong may-ari ng kotse ang anumang kaalaman o anuman tungkol sa iyo at ng driver mo. Ano ba’ng nangyari? Kaanu-ano mo ba ang driver? Bakit bumangga kayo sa malaking puno?" sunod-sunod na tanong nito.
Naalala na niya ang lahat. Mabuti na lang at nakaligtas siya.
“Hindi ko kilala ang taong iyon. Ang totoo, masamang tao siya. Teka, sino ka?” tanong niya sa kaharap.
“Ako si Dan, halos masagasaan ka ng kotseng minamaneho ko. Hindi kasi kita napansin nang bigla ka na lang sumulpot sa kalsada. Mabuti na lang at nadala ka agad namin dito sa hospital.”
Napangiwi siya nang muling makaramdam ng kirot sa ulo.
“Miss? Teka, tatawagin ko lang ang nurse,” bakas sa mga mata nito ang pagkataranta.
“Hindi na…ayos lang, nawala na ulit.” Napaluha siya sa kanyang sinapit.
“Gusto ko nang umuwi sa amin, gusto ko nang makita ang pamilya ko. Please tulungan mo ako…” lumandas ang kanyang mga luha.
“Ano ngapala pangalan mo?” tanong ni Dan.
“Irene,” tugon niya.
“Miss Irene, ganito, huwag mong alalahanin ang bayarin dito sa hospital ang boss ko na ang bahala sa lahat.”
“B-boss?”
“Oo, si Boss na ang bahala.”
“Sinong boss? Si Mr. Tuason ba ang tinutukoy mo?!” bumalik sa kanyang alaala ang sinabi ng driver, “si boss”. Napakunot noo si Dan.
“Hindi. Sinong Mr. Tuason ang sinasabi mo?” tanggi ng lalaki. Medyo nawala ang kanyang pag-aalala at nakahinga ng maluwag.
“Akala ko kakilala mo rin ang taong ‘yon,” unti-unti na siyang kumalma akala kasi niya si Mr. Tuason ang tinutukoy nito.
“Si Mr. Flores ang amo ko. Siya ang kasama ko nang araw na mabangga ka,” paliwanag ni Dan.
“Amo mo?” medyo kalmado na siya ngayon.
“Oo. Si Mr. Flores, mabuting tao siya. Ngayon, kung hindi mo mamasamain, puwede ko bang malaman kung bakit nasabi mong masamang tao ang kasama mo sa kotse? At paano ka napunta roon?”
Sinalaysay ni Irene ang kanyang kuwento mula noong pag-alis niya sa Bicol at pagsama sa isang recruiter dito sa Maynila sa pag-asang makahanap ng trabaho sa abroad. Matiyagang nakinig si Dan sa kanyang kuwento hanggang sa sabihan ito ng nurse na pagpahingahin na muna ang pasyente. Umalis na si Dan. Pakiramdam ni Irene ay matutulungan siya ng lalaki para makauwi sa kanyang pamilya.
Minsan ay dinadalaw siya nito pero madalas ay mag-isa lang siya sa silid. Pasalamat na lang siya kapag may pumasok na nurse dahil may nakakausap niya kahit papaano.
Madalas ay naiisip niya kung ano ba ang mangyayari sa kanya kapag lumabas na siya ng hospital. Wala siyang kakilala sa Maynila maliban kay Dan at kay Fiona. Pero hindi na siya magpapakita pa kay Fiona. Nakaramdam siya ng takot. Paano kung mahanap siya nito? Paniguradong sa mga panahong ito ay nalaman na ni Mr. Tuason at ni Fiona ang nangyari sa kanila. Baka nga hinahanap na siya ng mga ito.
SA WAKAS, ngayon ay tinanggal na ng mga nurse ang kanyang mga benda sa mukha. Iniwanan siya ng mga ito ng isang salamin sa gilid ng mesa. Dumating din si Dan nang palabas na ang mga nurse sa kanyang silid. Noon din ay isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan. Tinanong niya si Dan kung maaari siyang humingi ng tulong para makahanap ng trabaho. Ayaw niya kasing umuwi nang walang dalang pera para sa kanyang pamilya.
“Gusto mong magtrabaho sa kompanya ni Mr. Flores?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Dan sa kanya. Nabanggit din kasi ni Dan na maraming negosyo si Mr. Flores at maari nga siyang mabigyan nito ng trabaho. Tumango siya.
“Oo, Dan, inaasahan kasi ako ng pamilya ko kaya gusto ko talaga makahanap ng trabaho ngayon. Ayokong umuwi sa amin nang walang laman ang bulsa ko. Ang alam kasi ng pamilya ko, nasa abroad na ako," malungkot na salaysay niya.
“Sige, tingnan ko kung anong magagawa ko tungkol d’yan, Miss Irene.”
Ngumiti siya, “Salamat Dan, tatanawin kong malaking utang na loob ito.”
“’Wag ka munang magpasalamat, kakausapin ko pa ang amo ko tungkol dito.”
“Thank you pa rin. Sana mabigyan ako ng pagkakataong makapagtrabaho, kahit anong trabaho basta marangal.”
Tumango ang lalaki at bahagyang napangiti sa kanya bago ito umalis. Naikuwento ni Dan sa kanya na ito pala ang inatasan ng amo para tumingin-tingin at bumisita sa kanya para alamin ang kalagayan niya sa hospital. Laking pasalamat pa rin niya dahil may mga taong tumulong sa kanya.
Mag-isa nalang ulit siya sa silid pero mas komportable na siya ngayon dahil natanggal na ang kanyang mga benda. Hindi pa rin niya tinitingnan ang kanyang mukha, natatakot siya baka kung anong itsura niya. Hindi pa siya handang makita ang sarili sa salamin. Hindi naman kasi lingid sa kanya na maraming nasugat sa kanyang mukha dahil sa pagtama ng mga nabasag na salamin. Mabuti na nga lang at hindi napinsala ang kanyang paningin.
NANG matapos ang resulta ng kanyang mga laboratory test ay sinabi ng kanyang doktor na malapit na siyang makalabas. Pinilit niyang ngumiti at nagpasalamat sa mababait na doktor at nurse na nag-aalaga sa kanya.
Ngunit ang inaabangan niya ay ang muling pagbisita ni Dan na nagbigay sa kanya ng kaunting pag-asa. Gusto niyang malaman kung anong balita sa pakikipag-usap nito sa amo. Umaasa siyang magandang balita ang dala nito sa susunod na pagbisita.
Sumigla ang mukha ni Irene nang makita ang pagpasok ni Dan sa pintuan, may bitbit itong mga prutas at iba pang pagkain.
“Para sa’yo, Miss Irene,” inilapag nito sa maliit na mesa.
“Para sa’kin ba ‘yan? Naku! salamat nag-abala ka pa,” nakangiting sabi niya.
“Wala ‘yon, kay boss talaga galing ang lahat ng ‘yan.”
“Ang bait talaga ng boss mo. Pakisabi maraming salamat sa mga tulong niya. Ngapala, Nabanggit mo ba sa kanya?” ang tinutukoy niya ay ang kanilang napag-usapang trabaho. Napangiti si Dan at tumingin sa kanya.
“Teka, tinanggal na pala ang benda sa mukha mo,” pansin nito habang pinagmamasdan siya. Bahagyang napayuko si Irene sahil sa hiya.
“Ngapala, Miss Irene, may maganda akong balita.”
“Talaga?!” napaangat siya ng tingin kay Dan.
“Binanggit ko na kay sir ang sinabi mo, titingnan daw niya. Ang totoo niyan gusto ka rin naman tulungan ng boss ko. Kaya lang kailangan pa niya makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa’yo,” anitong umupo sa tabi ng kanyang hospital bed.
“I-impormasyon?”
“Tungko sa—” naputol ang pagsasalita ni Dan nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. Pumasok ang isang lalaki kaya napatingin sila pareho.
“Ah, nandito na pala si Sir Brent, kaibigan siya ng amo ko. Siya na ang bahalang makipag-usap sayo. Sige, lalabas na muna ako, Miss Irene,” agad itong tumayo.
Tumango lang siya kay Dan at muling tumingin sa lalaking kapapasok lang.
Isang matangkad na guwapong lalaking bilugin ang mukha, maputi at medyo wavy long hair ito. Sa tindig pa lang nito ay tila may kaya ito sa buhay. Ngumiti ito at sumenyas pa kay Dan habang palabas ng silid.
“Thank you, Dan, puwede mo na kaming iwan, ako na ang bahala rito,” ang sabi nito habang papalapit sa kanyang higaan. Medyo nailang si Irene sa lalaki.
“Kumusta ka na, Miss Irene? I’m Brent,” naglahad ito ng kamay saglit na kinamayan niya ito at mabilis rin binawi ang kanyang kamay. Nakatingin lang ito sa kanya na tila sinusuri ang kabuuan ng kanyang mukha. Nababakas sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa kanya. Naaawa ba ito sa kalagayan niya o napapangitan sa itsura niya? Inilihis na lang niya ang kanyang tingin sa lalaki.
“Sinabi sa akin ni Dan ang lahat tungkol sayo at kung papaano ka nauwi sa trahedyang ito. Sinabi rin niya sa akin na gusto mo raw magtrabaho sa kaibigan ko? Tell me, ano bang natapos mo?” tanong nito habang nakapamulsa.
“Sir, hindi po ako nakatapos…second year college lang po ako, dahil nagtrabaho na agad ako. Hindi na kasi kayang tustusan ng mga magulang ko kung dalawa kami mag-aaral sa kolehiyo. Kaya huminto muna ako at ‘yong nakababata kong kapatid muna ang nag-aaral,” tugon niya.
Kinuha ni Irene ang salamin dahil gusto sana niyang itakip ito sa mukha niya para maiwasan niya ang pagtitig sa kanya ni Brent. Ngunit hindi niya naiwasang nakita ang mukha sa salamin bagay na ikinagulat niya. Muntik na niya itong mabitiwan. Ganoon na pala kapangit ang itsura niya. Nag-iwan ng malalaking peklat sa kanyang magkabilang pisngi at sa noo. Gusto niyang maiyak sa kanyang itsura pero pilit niyang itinago ang nararamdaman sa harap ni Brent. Bakas naman sa mukha ng lalaki ang pagkaawa sa kanya at tila alam nito na hindi siya komportable.
Tumikhim ito, “Sa ngayon kasi, Miss Irene, wala kasing bakanteng position sa kompanya..” Napangiti si Brent ng alangan sabay napakamot sa batok.
“Kahit anong trabaho po, sir, madali naman po akong matuto,” pagpupumilit niya. Hindi siya puwedeng umuwi na ganito ang itsura niya tapos wala pa siyang dalang pera. Pag nagkataon ay mas lalong malulungkot ang kanyang mga magulang.
Hindi kumibo ang lalaki. Biglang nalungkot si Irene. Dahil ba pangit na siya? Kaya hindi na siya pwedeng magtrabaho? Tila bumagsak ang mundo ni Irene, hindi niya namalayan ang pag-agos ng kanyang mga luha sa kawalan ng pag-asa. Lalong naawa si Brent at dahan-dahang lumakad palapit sa kanya. Umupo ito sa gilid ng kanyang hospital bed.
Napabuntong-hininga ito, “Pero maari ka naming tulungan…I mean ng kaibigan ko. but it comes with a price…like everything else.”
Hinihintay pa rin ni Irene ang susunod na sasabihin ng lalaki.
“Sa totoo lang iyon talaga ang pinunta ko rito. We can hire the best doctor to fix your face, I mean my friend will do anything to help you,” dugtong pa nito.
“k-kapalit?” biglang natakot siya sa narinig.
“It’s like your freedom, Irene…”
Saglit na natigilan si Irene at napalunok.
“My freedom? A-ano pong ibig niyong sabihin?” mahinang tanong niya.
“Pero pag-isipan mo, Miss Irene. Anyway, hindi naman ito sapilitan since ikaw naman itong gustong mak
“Si Mr. Flores?” Saglit siyang natigilan kung bakit gagawin ni Mr. Flores ang lahat para tulungan siya. Kaanu-anu ba siya nito? Nakaramdam siya ng pangamba.
Tumango si Brent, “Yeah, si Mr. Flores. Maibabalik sa dati ang mukha mo or mas maganda pa. Makakapagtrabaho ka at babalik ang confidence mo sa sarili…pero may kapalit.”
apagtrabaho. Sinasabi ko lang ang magiging consequences ng lahat kapag tinanggap mo ang offer na tulong sa iyo ni Mr. Flores…atleast you know at hindi ka na mabibigla kung sakali.”
Hindi alam ni Irene kung papayag ba siya o hindi pero mukhang wala naman siyang magandang pagpipilian. Kung babalik siya sa probinsiya na ganito ang mukha niya mas lalong magiging miserable ang buhay niya. Sa palagay niya ay wala rin naman tatanggap pang trabaho sa kanya kung ganito ang pangmumukha niya lalo na’t hindi naman siya nakatapos.