He boyishly smile to her but no response. Iniwas niya ang mga tingin. Hindi niya gustong labanan ang matatalim at mapang-usig na titig ng dalaga.
"Magandang hapon po mam."bati niya, sabay lahad ng kamay sa matandang señora . Binalik niya ang mga ngiti sa labi dahil nakapinta pa rin ang mga ngiti ng matanda sa mukha nito. Tinanggap naman nito ang pakipagkamay niya at kinulong pa sa dalawang palad nito.
"Napakaguwapong bata!" natutuwang sambit nito
"I'm Alejandro Gabreil Zarde. Ang
bagong may ari ng hacienda Mortillano. Atsi Mang Berting ang katiwala ko." pagpakilala niya.
"Magandang hapon po señora Alliendra, señorita Adriana" bati naman ng kasama niya. Ngumiti si Mang Berting sa dalaga ngunit nanatiling wala itong emosyon.
"Did you know us too?" tanong ng señora sa kanya.
"Sorry but no" nahihiya niyang sagot.Nakangiting tumango-tango naman ang matanda.
"Mrs. Alliendra Lorenzana and our baby Adrianna" sabi nito at matamis na ngumiti sa apo. The latter pouted her lips.
"Hi" He also extended his hand to her. She only take a glimpse on his hand and looked away.
"Thank you Jorge."
Muli siyang napatingin siya sa kaharap ng mag-salita ito. May malamig at malambing na boses ang dalaga. Naabutan niyang nakangiti kay mang Jorge ang dalaga ng eserve ng huli ang isang plate ng garden pizza at mga bottled water. Ngunit bumalik ang walang emosyong mukha nito ng magsalubong muli ang mga titig nila. May kung anong emosyong hindi niya matukoy sa likod ng kulay abo nitong mga mata. Galit? Lungkot? Hapdi?
Minabuti niya na lang na ibalik ang mga titig sa matanda ng magsalita ito.
"Mukhang kilala mo na kami. Matagal ka na bang naninilbihan sa hacienda
Mortillano? "tukoy ng matandang señora kay mang Berting.
"Apat na dekada na po Mam!" Sagot ng kasama niya.
Napatitig siyang muli sa dalaga ng mag angat ito ng tingin pagkatapos marinig ang sagot ng katabi. Nariyan na naman ang talim sa mga titig nito. Kasunod ang paghugot nito ng malalim na hininga. Nawala rin ang ngiti ng matanda habang hinihimas ang likod ng apo.
"Pasensya na po mam sa nangyari noon. Isang hamak na tauhan lamang po kami." seryusong saad ng kasama. Siguro naramdaman rin ang pag-iba ng atmospera sa paligid.
"Ano ba ka tindi ang hidwaan ng dalawang angkan?" natanong niya sa sarili.
Bumalik ang ngiti ng señora at tumango-tango. "And how about you young man. Are you the grandson of the late Don?" nakangiting tanong ng señora.
"No mam, I'm just the new owner of the property. My origin is from Manila po. Having a piece of land in the provincwas my childhood dream so nung nakita kong binebenta ang property last year, I grab the opportunity. Nakangiting pagbibigay impormasyon niya.
"I guess so! You're a Zarde not a Mortillano. As I know the late Don, don't have a daughter."sabi ng matandang babae. Ginagap nito ang mga palad ng apo. At matamis na ngumiti rito.
"Siguro magkakasundo kayo ni Adie!"
But when his eyes landed at her. She still wear a poker face.
"Why the young Mortillano let go of the property, it means a lot to his dad? Tanong uli ng senyora. Nagkibit balikat siya dahil wala siyang ideya.
" Ahm señora . . ."Nag-aalangang sambit ni Mang Berting. Tumaas naman ang dalawang kilay at napakunot noo ang matanda. Hudyat para ituloy ni Mang Berting ang sinumulang sasabihin.
"A-ayaw po kasi ng mga apo ng namayapang Don umuwi rito
sa probinsiya." Shock and sadness painted in señora's face.
"Nakauwi na pala sila ng Pilipinas."she murmured.
"You two! Why don't you touch the food? We don't put anything in there that can harm you! It's all fresh veggies! " mahinang sambit ng dalaga ngunit may diin bawat salita.
Sa hiya mabilis na kinuha ni mang Berting ang isang slice ng pizza at inilang kagat.
"Sir masarap!" sabi nito habang punong-puno ang bibig. Bahagya pa itong yumuko para alukin sya. Ngunit biglang itong naubo na parang nabilaukan.
"Drink the water, it still sealed!"
Mas nauna pa siyang dumampot ng tubig kay Mang Berting para inumin. Bigla kasing nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakitang galit sa mata ng dalaga.
"Señorita nakahanda na po iyong apoy at kawa sa kamalig. Kukunin ko na po ba yung mga kakatayin natin?"
Sabay silang apat lumingon kung nasaan ang nagsasalita. Si Mang Jorge at may katabing lalaki.
Isang lalaking katamtaman lang ang taas ngunit malaki ang pangangatawan. Putok ang muscle nito. May hawak itong mahabang kutsilyo. Seryuso ang mukha nito na nakatitig sa kanila. Nagkatinginan sila ni mang Berting. Nakita niyang lumunok ang matanda kahit ubos na ang kinakain nito.
"Kunin mo na sila Jorge!" sabi ng dalaga.
Tumayo ito at tinulak ang wheelchair ng abuela para iwanan sila.
"And the heart! Do what you usually did!
"Opo, señorita." sagot ng mtandang lalaki.
Tumingin siya muli sa kinatatayuan ni Mang Jorge. Napangisi ang kasama nito. Hindi siya naniniwala sa kwentong aswang. The two woman didn't look like one. Ngunit kinakabahan siya. Tumaas, baba ang kanyang dibdib sa naisip. Maybe aswang didn't exist but killers do. Siguro kung sasaksakin sila ng lalaki. Putol lahat ng mga bituka nila dahil tatagos ang kutsilyo sa katawan nila sa haba nito. Napatiim bagang siya. At inihanda ang sarili. Dito niya mapapatunayan kung totoo o hindi ang mga kwento-kwento sa kanilang hacienda. Inikot niya ang paningin naghahanap kung saan pwede makalabas. Umuulan ngunit sumibol ang munting pawis sa kanyang noo.
Mangilan-ngilan na lang ang patak ng ulan sa labas ngunit malakas pa rin ang ang hampas hangin. Hindi matigil ang pagsasayaw ng mga sanga ng mga puno. Sa loob ng kamalig kung saan sila naroroon. Lumagablab naman ang apoy kung saan sinasalang ang malaking kawa. Kumukulo na ito hudyat na pwede na maluto ang isasalang rito.
Kung sila siguro ni Mang Berting ang ilalagay. . . ."Ow!" He punched his self in his mind.
It won't happen. He only thought exaggeratedly. Pano hindi siya mag-isip ng kung ano-ano. Adrianna was playing them. Maganda sana kaso wagas manakot. He smiled when her tricks flash in his mind.
"Adie, stop scaring them." saway ng señora. "And please turn me to them"
Sinunod naman ito ng apo. Nagtama ang mga mata nila ng dalaga. Napangiti siya sa pang go-good time nito. She rolled her eyes. And snob him when his smiled reach his eyes.
"Iho, nakakita ka na ba ng baboy at baka na kinakatay? Sabi ng señora at tumawa.
"Not yet mam" sagot niya.
"If you want to, maaari kayong sumama kay Lucas. Maghahanda sila dahil darating ang papa ni Adie bukas. Sa makalawa na lang kayo umuwi para mapakilala kita sa anak ko at ma-experience mo ang handaan dito sa probinsiya. Ika limangpo't limang anibersryo ng hacienda." sabi nito.
"Sure mam!" masayang tanggap niya sa imbitasyon.
"Ipahanda ko lang kay Jorge ang magiging silid ninyo."
When she look at her. She snob him!, Again. Kung galit ito sa kanya natutuwa naman siya rito.
Nang mawala ang atungal ng baka at baboy pagkatapos giitan ni Lucas ng mahaba nitong kutsilyo ang lalamunan ng mga ito. Binuhusan ng iba pa ng kumukulong tubig mula sa kawa ang katawan ng mga hayop para tanggalan ng balahibo para malinis. Nang mahiwa na ang mga katawan nito ay tinanggal na ni Lucas ang mga lamang loob at isinako.
"Itatapon niyo naman ba iyan? Sa amin na lang. Sayang!" Narinig niyang sabi ng isang tumutulong sa paglinis ng mga kinatay.
"Tinatapon niyo lang iyan? Aba dalawang malaking kaldero na ang magiging dinuguan ng mga lamang loob na iyan! " namamanghang sabat naman ni Mang Berting.
"Paborito sana ng señora ang adobong atay pero ayaw naman ni señorita. Makakita lang ng lamang loob na nakahain pinapatapon niya." sagot ni Lucas.