"Nay!" tawag pansin niya sa yaya Nanay niya habang masarap itong kumakain. Mula maliit pa siya ay kasama na niya itosa hapag dahil parang ito na ang pangalawa niyang ina.
The old woman looked at him . "Nay is aswang, really exist?"
" 'Bat mo natanong bata ka?"lukot ang noong tanong nito
"Hindi totoo ang mga bagay-bagay pag hindi nakikita ng mga mata,anak. Ang kwentong aswang ay panakot lamang ng nga matatanda sa mga kabataan noon sa mga probinsiya para hindi na umalis pagsapit ng dapit hapon. Dahil mabisang panakot ay pinagpasa-pasahan ng ibat-ibang henerasyon magpahanggang ngayon. Ginawan pa ng pelikula kaya kahit ilang dekada na ang dumadaan. Buhay na buhay pa rin ang kwento."mahaba nitong paliwanag.
"Did someone told you about the history of the hacienda?" tanong niya.
"Napagkwentuhan namin minsan ni Berting" sagot naman nito.
"Nay, bibisita ako sa kabilang hacienda mamaya. I want to creat a rapport with them."sabi niya habang binabalik ang atensyon sa pagkain.
"Magbaon ka ng luya!"mabilis nitong
tugon.
"Huh? Akala ko ba di kananiniwala?"seryosong tanong niya rito.
"Hindi talaga ako naniniwala sa aswang pero naniniwala ako sa usog!" sabi nito sabay tayo at punta sa kusina. Pagbalik niya'y may dala na itong isang hiwang luya.
Gumuhit ito ng cross sa noo at sintido niya. "Oh lagyan mo rin ang sikmura mo!" utos nito sabay lapag ng luya sa lamesa.
"Nay naman hindi na ako bata noh!" natatawa niyang sabi. Palagi itong ginagawa ng yaya Nanay niya bago sila umalis ng bahay nung bata pa siya.
"Hindi ka na nga bata ngunit baka ang kagwapuhan mo naman ang mausog nila.
"Baka maglaway pa sila!" Sumingkit ang kanyang mga mata sa pagkangisi dahil sa mg sinasabi nito.
"Mga anong oras tayo makarating sa
kabilang hacienda, Mang Berting?" tanong niya sa matanda habang nagmamaneho.
"Mgaala-una po ng hapon sir. " sagot naman ng matanda. Tinignan niya ang suot na relo saktong alas onse ng umaga.
"Ang layo pala!" wala sa loob na sambit niya.
Kung titignan sa google map ay parang broken na letter J ang lugar nila. Nasa itaas ay ang ciudad. Nasa kalagitnaan ang kanyang hacienda at kasunod ang bayan at nasa bandang dulo naman ang kabilang hacienda. Modernong tulay ang dumudugtong sa bayan at hacienda Lorenzana.
Ang ilog naman ang namamagitan sa kanilang lupain. At Kung sa ilog sana sila daraan sampong minuto lang ang masasayang nilang oras. Ngunit sabi ng mga tauhan niya ay walang daanan. Dahil sa likod ng naglalakihan at nagtataasang puno ay may mga live wire na nakakabit sa bakod.
Paglagpas ng bayan ay mangilan-ngilan na lamang ang mga kabahayan. Matatanaw naman sa malayuan ang malaking mansiyon. Nagmamayabang na nakatayo sa taas ng burol. Nasa bandang ilalim nito ay nagbeberdehang dahon ng mga puno.
Pagtingin niya sa relong pambisig. Trenta minutos bago nila marating ang b****a ng hacienda. Ngunit bigla na lamang kumulimlim ang paligid at pumatak ang mumunting ulan.
"Mukhang hindi tayo welcome sir ah." birong sabi ni Mang Berting.
"Huh?" Kunot noong napatingin siya kay Mang Berting sa rearview mirror. Mas kumunot ang kanyang noo ng mahagip ng kanyang paningin ang bayan. The sun still shining.
Habang palapit sila sa hacienda ay lalong dumidilim ang kalangitan. Malalaki na ang bagsak ng ulan. Umihip ang malakas na hangin. Sinundan ng malakas na kulog at nakakatakot na kidlat. Bumuhos ng malakas ang ulan. At sa pangalawang pagkakataon kumulog muli at gumuhit ang nakakasilaw na kidlat sa kadiliman kasabay ang malakas na pagputok. Sa gulat ay bigla niyang naapakan ang preno.
"Sir!" sigaw ni Mang Berting sabay turo sa itaas ng bangin.
Natamaan ng kidlat ang napakalaking punong na nasa itaas ng bangin at matutumba ito sa kanilang kinaroroonan. Nakita niya sa rear view mirror ang pamumutla ng kasama. His adrenaline rush motion him to drive faster.
Malayo na sila ng bumagsak ang malaking puno sa kalsada. "s**t! " he cursed.
"Swerte pa rin tayo sir!" sabi ng matanda habang himas-himas ang dibdib.
Sampung minuto lang ang tinakbo ng sasakyan at narating nila ang bakuna ng hacienda.Malapad ang gate nito. Kasya ang apat na sasakyan kung magkasabay na pumasok. May pangalan sa itaas na hacienda Alliendra Lorenzana.
Bumusina siya ng dalawang beses para makakuha pansin dahil wala siyang makita na guwardya sa may kalakihang guardhouse. Maya-maya ay may dumangaw na isang nakaunipormadong guard na maybitbit na isang umuusok na mug. Pagkakita sa sasakyan nila ay mabilis itong kumuha ng payong at mabilis na pumunta sa kanilang sasakyan. Ibinaba niyang ng kaunti ang bintana para hindi makapasok ang ulan at sakto lang para magkarinigan sila
"Good afternoon po sir, ano po ang atin?" bati nito.
"I'm the new owner of hacienda Mortillano and I want to talk to the owner of hacienda Alliendra ."deretsang sagot niya.
"May appointment ba sir?"tanong ulit ng guard.
"Oh!"Napakamot siya ng batok. Bakit hindi niya naisipan iyon. Hindi ordinaryong ang pamumuhay ng mga ito na pwedeng .kausapin at bibigyan siya ng oras.
"Nope, but please gusto kung makausap ang boss niyo." agap niyang sagot.
"Try ko lang sir.Foxtrot!
Foxtrot!" tawag ng guard sa radyo.
"Yes?" Napatanga siya sa guard ng magsalita ang sa kabilang linya. Napakalambing ng boses nito. "Señorita, narito ang bagong may-ari ng hacienda Mortillano at gusto ka.. ."
"No!"
~Adrianna~
"Boss, pakiusapan mo naman ang amo mo na bigyan kami ng oras. Muntikan na kaming maaksidente para lng makapunta rito." narinig niyang boses ng matanda sa kabilang linya.
"And please pakitanong if can I make a telephone call. Wala kasing signal. Hindi pa kami makauwi may nakaharang sa kalsada" Sabat naman ng isang baritonong boses. Napataas ang kilay niya.
"What an alibi!" Nang biglang magsalita muli ang guard. "Señorita, cam 50 po, 12:33 pm.
They had 500 cctv installed in the whole area. Ni-rewind niya ang kuha ng cctv. Napasinghap siya sa nakita. Muntikan ng madaganan ng malaking puno ang sasakyan kung hindi ito humarorot pa abante.
"Oh! where is that?" gulat ring sambit ng nasa likuran niya.
Sumunod pala sa kanya angabuela. Kasama niya ito kanina sa sala bago tumawag ang guwardiya sa main gate.
"Are the passenger's okay? Where are they? "sunod-sunod na tanong ng abuela. Ngunit nanatili lamang siyang tahimik.
"Hand me." Tiningnan niya lamang ang mga kamay ng abuela na nakalahad. Nag- alinlangan siyang ibigay ito dahil alam niyang papatuluyin nito ang mga bisita.
"Iha, it's been a long time. Kalimu.."
"No! I can't forgot it. It was like a nightmare!" mahina ngunit may diin niyang sabi.
Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Kalimutan mo na. Ang nangyari ay nangyari na. Hindi na natin mababago ang nakaraan." sabi nito at hinalikan siya sa noo.
"Makakaya kaya ng konsensiya mo kung may mangyari sa kanilang hindi maganda?"
"They're fine! They're still talking and they're safe now! Nakaismid niyang sabi.
"They have family to call at baka nag-alala na ang mga iyon sa sobrang sama ng panahon." pangungumbinsi pa ng kanyang abuela.
Humugot siya ng malalim na hininga para mapakalma at mawala ang galit na umuusbong sa kaniyang puso. Simula ng maranasan niya ang hindi magandang nangyari noon sa kaniyang kabataan. Tinanim niya sa kaniyang puso. Walang taga hacienda Mortillano ang makakatuntong sa kanilang lupain. Ngunit likas na mabait at may mabuting puso ang kanyang lola at papa. Kinalimutan na nila ang nangyari. May iilang tao na rin silang tinatanggap galing kabilang hacienda tulad ng mga
kamag-anak ng kanilang mga tauhan. Kung siya lang hinding-hindi siya papayag! Mapanakit sila!
Matagal-tagal rin ang kanilang paghihintay bago muling katukin ng gwardiya ang bintana ng kanyang sinsakyan. Pinapasok sila sa nakabukas na gate. At nagmuwestrang igilid ang sasakyan sa tabi ng guardhouse. Pinababa sila nito.
"Frisking lang sir, "sabi ng guard at sinimilan silang kapkapan. Huminto ito sa kanyang bulsa. Nintindihan niya naman. Kinuha niya ang nasa loob nito. A key and a slice of ginger.
"Tsk! Tsk!" palatak ng guard habang nakatingin sa kanyang palad.
"Isusumpa ka ni senyorita pagnakita yan!" sabi pa nito na umiling-iling. Napakunot noong tinitigan niya ito. At napatingin siya bigla kay Mang Berting nang damputin nito ang luya sa palad niya at itapon sa malayo.
"Baka isipin nila naniniwala ka sa mga kwento." mahinang sabi nito ngunit sapat na para marinig niya.
Pinahintay ulit sila dahil hindi raw pwedeng ipasok ang kanyang sasakyan.
May sampung minuto rin ang upo nila ni Mang Berting sa loob ng itim na sasakyan ng makarating sila mansiyon. Ito ang sumundo sa kanila. Pinaiwan kasi sa main gate ang sasakyan niya. Sabi ni Mang Jorge na driver ng sasakyan. Tugon iyon ng kaniyang senyorita for safety purposes. Habang sa biyahe'y tahimik lang silang tatlo. Siguro tinitimbang sila ng bagong kakilala dahil pagkatapos magpakilala sa kanila ay tahimik na itong pumasok sa sasakyan hanggang sa
makarating na nga sila sa mansiyon.
Pagkababa nito ng sasakyan ay bumaba na rin sila ni Mang Berting. "Sumunod kayo." tipid nitong sabi.
Dinala sila nito sa malawak na sala. "Maupo muna kayo. Maya-maya lang ay lalabas na ang señora" sabi nito at umalis na.
Iniikot niya ang paningin sa paligid. Typical old mansiyon ang design sa labas. Modern naman ang design sa loob pati na rin ang mga gamit. Puti ang pintura ng mga pader at puti at itim naman ang mga kulay ng mga kasangkapan. Maliban sa isang antigo at napakalaking orasan.
Lumabas sa isang pasilyo ang
nakawheel chair na matanda. Maganda ito kahit puro puti na ang mga buhok nitong nakatirintas at kulubot ang balat. Makikitang may lahi itong kastila. Ngumingiti ito ng ubod tamis sa kanila.
Ngumiti siya pabalik. Napalis ang mga ngiti niya ng tignan ang nagtutulak ng wheelchair nito. Ngayon nasilayan na niya ng malapitan ang babaeng palagi niyang nakikita sa ilog. Walang mabasang emosyon sa mukha nito.
Kahit hindi ito ngumingiti litaw na litaw ang kagandhan nito. Younger version of the old woman. Malakastilang kutis. Maliit na mukha. Bilugang singkit na mga mata. Matangos na ilong. Namumulang pisngi kahit walang make up. Mapupulang labi. Napalunok siya ng mapatingin ang mga mata rito. Pag-angat niya ng tingin ang maamo nitong mga mata na may kulay abo'y nakatitig na sa kaniya ng matalim.