Chapter 7

2395 Words
~Adrianna~ "Natulala ang baby ko ah. Ano ba ang tinitignan?" She flinch. Napakalalim na siguro ng kanyang iniisip para hindi marinig ang pagpasok ng ama sa loob ng kanyang silid. Nakatayo siya sa harap ng malaking glass window at minamasdan ang pangyayari sa baba. Naghahanda at nag aayos ang mga tauhan nila at ang bisitang binata para sa gaganaping anibersaryo ng hacienda at kaarawan ng abuela mamayang gabi. Natanghali siya ng gising dahil sa kakaisip sa kung ano ang naiisip ng binata ng mahuli siya nito na nakangiting nakatitig sa katawan nito. "Good morning, iha." Lumapit ang ama niya sa kanyang kinatatayuan. Humalik ito sa sentido niya at itinuon rin ang paningin sa mga tauhang abala. "Do you find him gwapo?" nakangiting panunukso ng ama. Sinimangutan niya ito. " Yes he is but im not into it. Naiinggit ako sa kanya pa!"malungkot niyang sagot. "Ngayon ko lang narinig na naiinggit ang baby ko ah at sa lalaki pa! Bakit kaya?" malambing na saad ng ama at inakbayan siya. Napalabi siya. "Look at him Pa. Hindi man siya nakatingin sa atin but he has undeniably a happy and pleasing aura. He's always happy yung happiness na hindi pilit yung kusang lumilitaw kahit sino pa ang kaharap. Siguro he had a happy childhood memory. Had a happy family while growing." malungkot niyang sabi. "I'm sorry iha, kung kaya ko lang pigilin at palitan ang nakaraan sana hindi mo naranasan ang malungkot and you have a normal life now." Sinserong sabi ng ama at hinalikan siya sa ulo. Nakonsensiya siya ng marinig ang malungkot na boses ng ama. Hindi niya lang mapigilang hindi malungkot sa nakikitang kasiyahan ng binata. Hindi niya maiwasang hilingin sana siya rin! Isiniksik niya ang ulo sa kilikili ng ama at niyakap ito. "Papa, Adrianna ba talaga ang pangalan ko?Hindi Peppa?"nakangiti na niyang tanong sa ama. "Hmm? Peppa?why?" Kunot ang noong napatitig ang ama sa kanya. "Kasi ikaw si Daddy Pig! Look Papa oh, hindi na mag-abot ang kamay ko sa pagyakap sayo. You got a big tummy!" tawa niyang biro sa ama at inalog-alog ang tiyan nito. "Loko!"Natatawang pisil ng ama sa ilong niya at niyakap siya ng mahigpit. "Papa kahit cute ka diet ka ha? Ayaw ko magkasakit ka! Matanda na si Mamita.Paano kung gusto na niya magtrip to heaven,wala na akong makakasama rito." nakalabi niyang dugtong. " "I go to the doctor regularly. Wala namang sakit ang papa!" he guarantee. "l like him for you!" deretsahang sabi ng ama habang nakatingin sa binata. Busy pa rin ang huli sa paghahakot ng mga upuan sa ibaba. "Hindi ko siya gusto!" may diin niyang sagot. " He's not a Mortillano, ija. He just bought the property. Hindi naman lahat ng tao na sa iisang lugar lang nakatira ay magkatulad na." "Hindi natin siya kilala. Hindi ba sabi mo twice mo lang siya nakita at nakausap and all was related to project." paalala niya sa ama. "I know his family, ija. His father is my closest friend way back on college. Mabait ang Tito Gabby mo. Siya ang ama ni Alejandro. He's a public servant for 15 years and no anomalies and bad record to public and his own family." pagbibida ng ama sa ama ng binata. "What do you mean by that Pa?" nakataas ang kilay ngunit nakangiting tanong niya sa ama. "Like father like son! Mabait ang ama so mabait rin ang anak, like us!" natatawang sagot ng ama. "If ligawan ka give him a chance! Boto na ako sa binatang iyan 2 years ago pa. Sinabihan ko nga na ligawan ka but he rejected it, loyal sa girlfriend! But now pwede na!" mas natatawang dugtong ng ama. "Papa! Ako pala yung project na tinutukoy mo! Kakahiya ka! Baka akalain ng tao jowang-jowa na ako! Ang sama mo! Mas hindi ko siya papansinin! I won't give you the satisfaction!" Nakasimangot niyang tinalikuran ang ama. Palabas na siya ng silid ng marinig ang malakas na halakhak ng ama. Hindi lang father-daughter ang relationship nila, they were like bestfriend. In her entire life Papa at Mamita niya lang ang taong mapagkakatiwalaan niya. Kung hindi nagsimula ang party ay hindi siya lumabas ng mansiyon. Hindi siya sanay sa maraming tao. The first time she attended this party. Her heart palpitated faster and louder. Her feet debilitated to stand still. Para bang masisira ang eardrum niya sa tindi ng bilis at lakas ng kalabog ng kanyang puso. Nahihirapan siyang huminga ng maayos. Nanginig ang buo niyang katawan. After seven years of being outside in her comfort zone. Unti-unti na niya na o-overcome ang mga madilim na anino ng kanyang pagkabata. "Hi! Why are you here?" Bumilis ang t***k ng puso niya sa boses na narinig. Ito ang pangalawang dahilan kung bakit hindi siya lumabas. Hindi niya ito sinagot o tinapunan man lang ng tingin. Gusto niyang umalis na ito.Naiilang pa rin siya sa nangyari nakaraang gabi. Naroroon siya sa medyo madilim na sulok. Pagkatapos ng hapunan kasama ang mga tauhan at pasasalamat ng Papa at Mamita niya sa mga dumalo ay pumili siya ng lugar kung saan komportable siya at tanaw pa rin ang mga ganap sa kasiyahan. May contest sa sayaw, pag-awit, iba't-ibang laro at padisco pangkalahatan at pasayaw pa para sa mga magkapareha. ~Alejandro Gabreil~ "Are you not afraid in the dark?" tanong niya sa dalaga at umupo sa tabi nito. Akala niya ok na sila dahil kagabi lang ay napangiti at napatawa na niya ito. Ngunit ngayon bumalik na naman ang tahimik na pagsusungit nito sa kanya. "Darkness is not always scary! It has a good side too. It gave privacy. Wala kang makikita at wala ring makakita sa iyo. Kaya walang makakapanakit sa iyo! Not like daylight marami kang makikita, masisiyahan ka ngunit maari ka ring masaktan at madali kang sasaktan because they'll see you easily." makahulugang saad nito. Tumikhim na lng siya dahil wala siyang masabi. Maaninag sa boses nito ang lungkot habang binabanggit ang mga salita. Malalim ang hugot! "Goal number 2: make her happy as I can!" nasaisip niya. " Oh! make the goal number 2 as 3. Make friends first before make her happy!" Nakangiti niyang revise ng iniisip. "You too,why don't you dance!" Narinig niyang sabi ng ama ng dalaga habang papalapit ito sa kanila. Malamyos na musika ang nakasalang at magkapareha ang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan. "Papa!" mahinang tili ng dalaga at sinamaan ng tingin ang ama habang ang huli naman ay natatawa. "Ikaw na lang!"nakanguso nitong sabi sa ama at inirapan siya. Siya pa talaga ang inirapan, wala naman siyang kasalanan! "Me and him? Come on baby, ano na lang sasabihin ng iba pagkami ang nagsayaw! Bakla kami! Bakla ang Daddy Pig? Aba, ang gaguwapong bakla naman!"sabi ng ama ng dalaga at nakakalokong tumawa. Tumayo ang dalaga. Akala niya iiwanan na sila ng ama nito ngunit nagulat siya sa sinabi nito bago humakbang. "Let's go!" Lukot ang mukhang naglakad ito patungo sa gitna. Mabilis siyang tumayo at sinabayan ito sa paglalakad. Napakislot ito ng hawakan niya sa siko. Sinamaan siya nito ng tingin. "Let me hold you. Para hindi isipin ng iba na ikaw ang nagyaya."natatawa niyang sabi. "I knew Papa! He will insist and he won't stop 'till it a yes!"pasupalada nitong sabi. Nagulat siya ng bigla nitong iniba ang posisyong ng kanilang mga braso. Ito na ang humawak sa kanya ng palapit na sila sa gitna. Nanginginig ang mga kamay nito. "Don't worry! Hindi naman ako nang-aano." biro niya. He thought the woman is just nervous to dance with him. But when the woman arms landed in his shoulder it slided in his arm muscle. Mahigpit ang pagkawak nito at nanginginig pa rin ang mga kamay. Nang yukuin niya ito para tignan ay nakapikit ito at humugot ng malalim na hininga. "Are you ok? Gusto mo bang umupo na lang tayo?" nag alalang tanong niya. "I'm not just used to be in the middle of the crowd. And getting the attention of many people. A-and locking their eyes on me." mahina nitong sagot habang nakapikit pa rin. "Gusto mo bang bumalik na lng tayo sa upuan?" Tanong niya uli sa dalaga. Hindi naman niya ito pipilitin kung hindi ito nakakabuti sa nararamdaman nito. Her whole body trembles. Not a normal fear being a center of attraction. "Just hold me properly! Nagmumukha tayong ewan dito sa gitna." Pagalit nitong sabi. Sa sobrang pag- alala niya ay napahawak ang isa niyang kamay sa ilalim ng braso nito para suportahan ito. Ang isa naman ay nasalikod nito. To caress her for comfort. Naramdaman niyang nawala na ang panginginig ng dalaga ngunit mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya. Nang tignan niya ito ay nakapikit pa rin. Napakunot ang kanyang noo ng mapadako sa hairline ng dalaga. It's a big scar. Hindi mo iyon makikita kung kaharap mo ito dahil natatakpan ito ng mga buhok nito. Pero sa posisyon nila ngayon kitang-kita niya ito. Matangkad ang dalaga ngunit mas matangkad siya. "Think of the happy memories, it's one way to defeat your panick attacked." sabi niya. "I don't have one." mabilis nitong sagot. "Childhood memories,high school friends, events, trips, any of those? Nothing?" She pressed her lips and meet her gaze. Tumingala ito at bumuka ang mga labi ngunit walang salitang lumabas. He waited but he pressed her lips again and looked away. He saw sadness in her eyes. May kung anong humaplos sa kanyang puso.Gusto niyang palisin ang lungkot sa puso ng dalaga. ~Adrianna~ She was shocked! Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Itutulak ba niya o hayaan na lang muna. When he caressed her back. She felt at eased. Ngayon na niyakap siya nito. She felt secured. It was like home! "Sorry. Gusto kitang maging kaibigan whether you like it or not!" narinig niyang sabi nito. Mahimigan ang sensiridad sa boses nito. Unexpectedly her tears fall. It was the first time someone wanted to be friends with her. She bite her lips to stop her tear. She can't be weak! "You don't know me! Hindi mo gustuhing mapalapit sa akin kung makikilala mo ako!"nakayuko at mahina niyang sabi. Lumuwang ang pagkayakap nito. Inihiwalay nito ang isang kamay sa katawan niya at napunta sa kanyang pisngi. He wiped her tears by his hands. "Diba sabi ko mas bagay sayo ang ngumiti" sabi nito sa malambing na boses. Her heartbeat races. She felt awkward. Gamit ang mga brasong nakatukod sa dibdib ng binata. Naipit ang mga ito sa kanilang katawan ng bigla siyang kabigin kanina ng binata. Tinulak niya ito at naglakad palayo. "Minsan ang nagpapakita ng kabutihan at nakangiting mukha ay mapaglinlang." she murmur. ~Alejandro Gabreil~ Mabilis niyang sinundan ang dalaga. Malapit na siya sa kinaupuan nila kanina ng ng salubungin siya ng seryusong mukha ng ama nito. "Please. Follow me! We'll gonna talk." he said in authoritative voice. Gusto man niyang makausap ang dalaga ay wala na siyang nagawa. Sinundan niya na lamang ito ng tingin. Dinala siya ng Lalaking Lorenzana sa study room. Sound proof ang silid dahil hindi maririnig ang malakas na tugtog sa labas. "I saw what happened between you and Adie while dancing. In a snap you hugged my daughter. It's kinda harassment!"may diin ang boses nito ngunit hindi makikita sa mukha nito ang galit. " I heard nothing so would you tell me why, you did an impulsive action? Mabuti hindi ka binalian ng buto. Adie is good in martial arts!" pagmamalaki nito sa anak. "Really?" namamangha niyang tanong. "My baby is really amazing in everything. She's beautiful. She's good to be a chef. She can ride in a horse. She's good in martial art. She play an airsoft gun and she's good in shooting. She can drive any kind of vehicles even a cargo truck!" seryusong ang nakarehustro sa mukha ng Ginuo instead masaya dahil sa angking galing ng anak. Lungkot ang mahihimigan sa boses nito at lumamlam ang mga mata nito. "Hindi ba dapat proud ito sa anak dahil Adrianna is more than just an ordinary woman!" nasaisip niya. "The way you look, Addie, it seems you are interested in her. Are you?" deretsang tanong nito. Hindi pa man siya nakasagot ng magsalita itong muli. " If you are not sure in your agenda towards my daughter. And you are only thinking of yourself satisfaction or advantages. Please, don't do it. Ako ang makakalaban mo kahit may pinagsamahan pa kami ng daddy mo. Addie spend decades to restore herself. I won't allow anyone again, hurt my daughter!" Prangka at seryuso nitong sabi. "Sorry sir hindi ko sinasadya. I just want to comfort her. She's been upset when I started talking about her friends, happy memories." sinsero niyang turan. Tumango-tango ang lalaking Lorenzana. "Addie don't have a friend. She prefered having none. Only me, her mamita and Jorge, she trusted. "I want to be friend with her!" mabilis niyang dugtong sa sinasabi ni Mr. Lorenzana. "Then pakita mo sa kanya na mapagkakatiwalaan ka niya tulad o higit pa sa aming tatlo!" hamon ng Ginuo sa kanya. Napalingon siyang muli sa loob ng mansiyon bago pumasok sa sasakyan. Hindi na niya muling nakita ang dalaga pagkatapos siyang iwan kagabi sa gitna ng bulwagan. Ihahatid na sila ni Mang Jorge sa b****a ng hacienda kung saan naiwan ang kotse niya. The debris in the street are all gone. Napakuha na at napalinis na ni Mr. Lorenzana sa mga tauhan nito. "Ijo salamat sa pagbisita. Welcome na welcome kang bumalik muli rito sa hacienda." nakangiting sabi ng señora. "Thank you po mam." sabi niya at nagmano sa matanda bago magpa-alam. "Lola na lang!” at nakangiting tinapik ng mahina ang pisngi niya. "Pasensya na at hindi pa nakababa si Addie baka napagod kagabi. Sasabihin ko na lang na umuwi ka na." dugtong ng dalaga. "Ijo kung gusto mong bumisita. Magshortcut ka na lang. Pwede kang dumaan sa ilog. Pagsasabihan ko ang mga guard na papasukin ka." nakangiting dugtong ng ama ng dalaga. "Maybe, Addie felt this day, meant to happen. The string of two haciendas will attach again. Kaya siguro kahit anong pilit ko na isarado na nang lubusan ang daan patungo sa ilog ay hindi ito pumapayag." sabi pa nito. "Thank you sir." pasalamat niya. " Mama wanted you to call her as Lola so Tito na rin itawag mo sa akin. Nakangiting pangungumbinsi nito. "Yung pinag-usapan natin. Don't forget!" nakangiting paalala pa nito. "Yes, Tito, I will."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD