~Alejandro Gabreil~
Namangha siya sa tanawin mula ng makalabas sila ng hacienda. Hindi niya ito natuunan ng pansin ng papunta sila dahil sa insidenteng nangyari. Malaya siya ngayong makapagmasid-masid dahil si Mang Berting ang nagmmaneho. At the leftside of the street ay nagtatayugan at naglalakihang mga puno. Sa kanan naman ay nagmamayabang na asul na dagat. A perfect place for escapade. Ang ganda lagyan ng resort.
"Napapalibutan pala ng tubig ang hacienda Lorenzana." sabi niya. " Oo sir, kaya gustong-gusto ng dati kung amo mapasakamay ang lupang ito. Masasabing swerte at sagana ang lugar sa mga produkto mapa lupa man o dagat. May sariling daungan ng barko ang mga Lorenzana para s mga produkto nila. Kaya madali nilang maibyahe ang mga produkto papuntang Manila para e-export." sagot ni Mang Berting.
"Mang Berting malapit po ba kayo kay Don Mortillano?"tanong niyang muli sa matanda. "Bakit niyo po naitanong sir?" tanong ng matanda at tiningnan siya sa rear view mirror. " Gusto kong ikwento mo kung ano ang nangyari noon. Gusto kong malaman kung bakit malalim ang sugat na naiwan ng pangyayari kay Adrianna."
"Gusto ko man po ngunit wala ako sa hacienda ng mga oras na naganap ang insidente. Nasa Maynila po ako dahil sa anak po ako ng dating Don Hernando naninilbihan. Nang mamatay ang Don ako na po ang inatasan ni señorito na mamahala ng kanilang hacienda dahil wala nang balak umuwi rito. Ang nalaalaman ko sa pangyayari noon ay puro kwento lamang na pinagpasa-pasahan ng maraming bibig. Hindi ko po gustong magkwento ng kulang o sobra." mahabang paliwanag ng matanda.
"Kamusta, ijo? Sobrang nag-alala ako nang ibalita ng mga tauhan mo na may aksidente daw nangyari sa kabilang hacienda." nagalalang tanong ng yaya Nanay niya ng makababa sila ng sasakyan ni Mang Berting. "In God's grace, we're fine Nay." nakangiti niyang sagot.
"Mang Berting paki-inform ang mga gumagawa ng kalsada na lagyan din ang papuntang ilog." utos niya sa matanda bago makaalis sa kanyang harapan.
Napatingala siya sa kalangitan. Magdidilim na. Lumalabas na ang iilang mga bituin sa kalangitan. Sobra tatlong oras na siyang nakatutok sa screen ng drone. Gusto niya sanang makita ang dalaga kaya inaabangan niya itong mangabayo sa ilog. But no Adrianna can be seen anywhere.
Kinuha niya ang control at pabalikin na sana ang drone ng mahagip ng paningin niya sa monitor ang pamilyar na kabayo. Tumatakbo ito patungo sa pinapagawa niyang kalsada.
"Nay? Mang Berting?" malakas na tawag niya sa yaya. Mabilis namang lumapit ang matandang babae kasunod si Mang Berting. "Ano iyon?" tarantang tanong ng matanda dahil sa lakas ng pagtawag niya.
"Pakitwagan ang ama ni Junie. Hulihin niya ang itim na kabayong pumasok sa hacienda." nagmamadaling tugon niya sa matandang babae. "Mang Berting ipagdrive mo ako papuntang ilog!" sabi niya at dali-daling pumunta sa sasakyan. Sumunod naman ang matandang lalaki sa kanya.
Walang tigil ang pagmamaniobra niya sa control ng drone habang sakay ng sasakyan. Kung saan-saan niya pinalilipad ang drone sa itaas para mahanap ang taong gustong makita sa ibaba.
Nakita niyang muli ang kabayo. Tumigil na ito sa katatakbo sa bandang niyogan. Nakatayo lang ito na parang pinakiramdaman lang ang paligid. Tumingin ito sa pinanggalingan. Matagal. Animo'y hinihintay ang amo nito. But no Adrianna be found.
Pinasuyod niya sa camera ang pinanggalingan ng kabayo. Sa bandang dulo ng kalsada kung saan labasan na papuntang ilog ay may nakita siyang matandang babae. Maputi na ang mahaba nitong mga buhok. Kumukuba na ito dala ng katandaan. May bitbit itong tungkod. Palinga-linga ito na parang may hinahanap. Pumulot ito ng malaking bato.
Nabigla siya ng batuhin nito ang loader na naka park. Maraming heavy equipment ang nakapark sa bandang ilog dahil hindi pa tapos ang paggawa ng daan. Naroon pa ang mga truck na humahakot ng mga kahoy na kailangan alisin sa ginagawng daan. Loader to clear the area at roller para mapantay ang lupang tinatambak sa kalsada.
Mas nabigla siya ng umatras ang loader. Napaatras rin ang matanda ngunit yumuko ito para mamulot muli ng mga bato. Pinababa niya ang drone para makita kung sino ang nagmamaneho. Sa pagkakaalam niya kanina pa tumigil ang mga tauhan niya sa pagtatrabaho.
"s**t! Mang Berting, drive faster! Doon tayo sa ilog." utos niya sa kasama. Pinaharurot naman ng matanda ang sasakyan.
When the car stop. The loud clangor of the metal filled the sorrounding. Sunod-sunod na binabato ng matanda ang sasakyan. "Stop! Stop!"tarantang sigaw niya. Hindi niya alam kung sino ang pinapatigil niya. Ang matandang babae ba sa pangbabato nito o ang nagmamaneho ng sasakyan. Bago pa siya bumaba pinaatras ni Mang Berting ang sasakyan pinagilid ito dahil kung hindi masasagasaan sila ng loader.
~Adrianna~
Umangat ang isang sulok ng kanyang bibig habang nakatingin sa monitor ng computer. Pinapanood niya ang kuha ng mga cctv. Ilang qaraw na niya gustong pumunta sa ilog ngunit hindi niya magawa dahil maraming trabahador sa kabilang hacienda. Hapon na rin kung tumigil sila. Magugulat at magwawala ang kanyang kabayo sa tunog ng mga sasakyang ginagamit roon. Kagaya niya sanay ito sa tahimik at payapang lugar.
Napatayo siya ng makitang wala ng katao-tao ang lugar. Magdidilim na ngunit sumisilip pa naman ang liwanag. Sasaglit lang siya. Papainumin niya lang si Obeto at uuwi na sila.
She miss the place. Ang sandaling sinabi niya ay tumagal. Sinulit niya ang pagkakataon. Alam niyang sa susunod na mga araw ay hindi pa rin siya makapamasyal sa lugar dahil hindi pa rin tapos ang ginagawa sa kabilang hacienda. Pinasya niyang umalis na ng unti-unti ng nilalamon ng kadiliman ang natitirang liwanag. Sa pagpatakbo niya ng mabilis sa kabayo ay ang paglipad naman ng kanyang suot na sombrero. Pinatigil niya ito at bumaba. Sa pagpulot niya'y nabitawan niya ang tali.
Nagulat siya ng humalihing ng malakas ang alaga na animoy nagulat.Huli na ng tangakain niyang hawakan ang tali para pigilin ito. Tumakbo ito papalayo sa kanya. Tinahak nito ang deriksyon patungo sa kabilang hacienda.
Nag-alinlangan man siyang sundan ang alaga ngunit wala siyang magawa.
Sa loob ng kanilang hacienda sanay siyang pinapakawalan lang si Obeto. Hindi siya nababahala dahil kusa itong umuuwi. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya hahayaan ang alaga. Baka hindi na ito makabalik sa kanya. Hindi ito pamilyar sa lugar na pinasukan.
Hinubad niya ang suot na sapatos para hindi mabasa ng tubig sa pagtawid ng ilog. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib habang papalapit sa kabilang pampang. Hindi siya natatakot ngunit sobra ang kaba niya. Ito ang unang pagkakataong makatuntong sa kinamumuhiang lugar. Humugot siya ng malalim na hininga bago ilapag ang sapatos sa tuyong mga bato.
"Huwag mo nang sundan ang lumayo sayo! Hayaan mo silang makalaya!" sigaw ng matandang babae.
Pag-angat niya ng tingin. May nakatayong matandang babae sa b****a ng kalsadang papasok sa hacienda. Kasing tanda siguro ito ng kanyang lola. Nakasabog ang mahahaba at mapuputi na nitong buhok. Mukhang hindi man lang nasuklay ng ilang araw. Matalim ang mga titig nito sa kanya.
"I just need to get my horse." kalma niyang sabi. Matapang niyang sinalubong ang mga titig nito. "Bumalik ka na sa pinanggalingan mo! Hindi ka nakakabuti sa mga tao rito!" Galit na sabi nito sabay duro sa kanya.
"I just need to get my horse, first. Hindi rin naman ako magtatagal." inis niya ring sagot at sinimulang humakbang muli. Binalewala niya ang matatalim na titig nito.
"Hindi mo maitatago sa maganda mong mukha ang madilim mong pagkatao! Walang tatanggap sa'yo! Lalayuan ka nila!" She clench her jaw. Taas-baba ang kanyang dibdib sa pagpigil ng galit. Binilisan niya ang hakbang para makalayo na sa matanda.
"Aw!" tili niya. Pagkalampas niya sa matanda ay hinampas siya ng tungkod nito. Hawak-hawak ang brasong natamaan ng lingunin niya ang matanda. "Why? Ikaw ba ang may ari ng lugar na ito? Isa ka ba sa kanila? Isa ka ba sa mga taong sumunog ng aming hacienda noon?"galit niyang tanong sa matanda. Nanginig ang buo niyang katawan sa ala-alang muling nabuhay sa kanyang puso ng dahil sa mga sinabi at ginawa nito.
"Wala kang galang! Dahil sa inyo hindi ko na nakita ang asawa ko!" galit ring sigaw ng matanda sabay hampas uli ng tungkod sa kanya. Mabilis niya itong nasangga kaya hindi natamaan ang mukha niya. Hinawakan niya ito at hinablot. Muntikan na itong matumba sa lakas ng pag-agaw niya sa tungkod nito. Galit itong nagpalinga-linga para humanap ng bagay na maihahampas sa kanya. Sa walang makita ay pumulot ito ng bato. Binato siya nito. Sa unang pagbato nito ay nakaiwas siya. Mabilis siya tumakbo upang magtago sa nakapark na truck ngunit nahagip pa rin ang likuran niya.
Nagdadalawang isip na siya kung tutuloy pa ba siyang papasok sa hacienda Mortillano o babalik na lang sa kanila. Kung tutuloy siya baka hindi lang ito ang abutin niya sa mga tao roon baka mas higit pa! Pero paano siya babalik kung nakaharang ang matanda at may bitbit na mga bato sa dalawa nitong mga kamay.
Nakita niyang papalapit ang matanda sa kinaroroonan niya. Tatakbo na sana siya nga mahagip ng kanyang mga mata ang loader sa gilid ng truck at may susi ito.
She can drive any kind of vehicles. Bata pa lang siya ay tinuruan na siya ni Jorge ng maraming bagay. He is a retired army. Anak ito ng katulong ng Mamita at lolo niya noon. Maaga itong nagretiro sa propisyon niya ng dahil sa kanya. Hiniling ng Papa niya rito na maging personal body guard niya. Her father offer to triple the amount of his salary in army to be her body guard. Pumayag ito dahil malaki ang sahod, malayo pa siya sa kapahamakan, mapalapit pa siya sa pamilya nito.
Sa pagsang-ayon ng kanyang ama para sa kapakanan niya. Tinuruan siya ni Jorge ng self defense, survival, shooting, driving at marami pa, isa na roon ang pagsakay at pag-aalaga niya kay Obeto.
Mabilis siyang umakyat at pinaandar ang sasakyan. Wala siyang pakialam kung masagi niya ang truck. Kasabay ng pag-atras niya ay ang sunod-sunod na pagbato muli sa kanya ng matanda. Itinaas niya ang kamay ng truck para takpan ang harapang glass ng sasakyan para hindi ito mabasag at matamaan siya.
Sa pag-atras niya ay nahagip ng kanyang paningin ang nakaparadang puting sasakyan. Bumusina ito. May mabilis na bumaba at tumakbo sa harapan. Maya-maya ay nawala ang maingay na kalabog. Napalitan ng pagsasagutan. Tumigil na ang matanda sa pagbato sa kanya. Inagaw ng katahimikan ang lugar.
Sa kabila ng katahimikan nakaramdam siya ng takot at matinding kaba. "Paano kung pamilya ng matanda ang nakasakay sa puting kotse? Paano kung sasaktan din siya kagaya ng ginawa ng matanda? Paano kung mas sobra pa ang gagawin nila?" Sa isiping iyon ay mas pinabilis niya ang pag atras ng sasakyan. Carelessly she make a U-turn para mas makita niya ang daanan. Alam na niya kung saan siya pupunta. Tatahakin niya hanggang dulo ang daanan. Hanggang makarating siya sa bahay ni Alejandro!
"Adrianna!" Narinig niyang tawag ng pamilyar na boses. "Adrianna!" tawag ulit nito sa kanya. Tiningnan niya ang pinanggalingan ng boses. "Alfonso Gabriel" mahina niyang sambit. Nakita niya ang puting sasakyan nakasunod ito sa kanya. Lulan nito ang binata. Nakalabas ang ulo nito hanggang balikat sa bintana ng sasakyan. Ang mga kamay ay winagayway nito sa kanya.
"Stop driving!" sigaw nito. Automatiko namang sumunod ang mga paa niya. She step on the break. Paglingon niyang muli. Pababa na ang binata sa sasakyan. Pagkasara nito ng pintuan ay umalis na ang sinasakyan nito.
Kahit nanginginig pa ang mga paa ay bumaba na siya sa sinasakyan. She felt safe dahil sa pressence ng binata. Malaking hakbang ang ginawa nito para lumapit sa kintatayuan niya. Madilim ang mukha nito. Galit ba ito sa kanya dahil pinakialaman niya ang gamit nito.
She extend her hand para iabot ang susi ng sasakyan. Instead na kunin ang susi ay hinawakan nito ang kamay niya sabay kabig sa kanya. "Are you hurt? Are you okay? Tinakot mo ako ang putla-putla mo!" Pagkarinig sa mga tanong nito ay kumawala ang hikbi sa lalamunan niya. "Sshh! Okay na, okay na. Wala na siya. Pinahatid ko na siya kay Mang Berting."
Mas siniksik niya ang sarili. She felt safe in his arm. "Thank you and sorry for the damage." nakayukong sabi niya. "No worries as long you're okay!"
Linuwagan nito ang pagyakap sa kanya at ginagap ang mga kamay niya. He hold her hand tight. " Let's go!"
"Alejandro." Mahina niyang sambit. Hindi niya maihakbang ang mga paa para sumunod sa binata. Kasabay sa pagkalma ng kanyang pakiramdam ay pagkawala ng kanyang lakas.
Pilit niya mang idilat ang mga mata'y hindi niya na magawa. Biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. "Adrianna!"