~Alejandro Gabreil~
"No! Stop it! No! Mama! Mama!" Naitaas niya ang ulong nakasubsob sa kama. Nakaidlip siya sa pagbabantay sa dalaga. Minabuti niyang dalhin sa bahay niya ng mahimatay ito.
"Adrianna." marahang gising niya sa dalaga. She's talking while unconscious. At ang mga kamay ay hinahampas sa hangin. Hindi pa ito nagigising ng mahimatay ito kanina.
"No!" sabi nitong muli na parang nahihirapan. May tumulo pang luha sa nakapikit nitong mga mata. His heart melt.
"I will wipe your loads away, Adrianna!" Pangako niya sa sarili.
"Adrianna." Tinapik niya ng marahan ang pisngi nito. He dry her tears through his thumb.
"Adie" tawag niyang muli sa dalaga. Inabot ng dalaga ang palad niya na nakalapat sa pisngi nito. "You're back!" sambit nito at kinulong ang palad niya sa malalambot nitong mga kamay. She hold it tight. "Ma, help me! No! Please, no!" sigaw nito.
Napasinghap ito ng magmulat ng mga mata. Makikita ang takot sa magandang mukha nito. Inikot nito ang paningin sa paligid. "Where are they?" tanong nito.
He worriedly look at her. "You're safe now. Don't worry..." Naputol ang sasabihin niya ng magsalita ito.
Naupo ito mula sa pagkahiga. "Those children! Nasaan sila? Umalis na ba?" Naiiyak nitong sambit.
"It was just a dream Addie." Pinatitigan siya nito. Matagal. Pumikit-pikit ito. Inilayo nito ang mga tingin sa kanya.
"Sorry." mahina nitong sabi. Binitiwan ng isang kamay nito ang palad niya. Mabilis nitong pinahid ang mga luha at hinilot-hilot ang noo. Sa paghawi nito ng buhok ay nakita niyang muli ang naiwang marka ng isang sugat.
~Adrianna~
Napapiksi siya mula sa malalim na pag-iisip ng maramdaman ang kamay ng binata sa noo niya. Nagtatanong ang mga matang napatitig siya rito.
Ngumiti ito ng matamis. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng yakapin siya nito bigla. "Ba`t ang hilig hilig mong mangyakap? Di mo ba alam na pwede kang kasuhan ng harassment?" kunwari'y pasuplada niyang tanong.
But in real she like it. She feel safe in his arm. His warmness can make her tense body relaxed. She loves to listen in his heartbeat and his scent... "Ughh!"
"Akala ko ba harassment?" narinig niyang sabi nito. Hindi niya namalayan na naiboses niya ang pagtutul sa iniisip. At iba ang dating sa marumi nitong utak. Hindi niya man nakikita ang mukha nito. Alam niyang ngiting-ngiti ito ngayon.
Itutulak niya sana ang binata ng mapansing mahigpit ang pagkahawak ng isang kamay niya sa palad nito. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa mukha. Magaspang ang kamay nito. But for her. Nagpapatunay lamang ito na he is not just a boss but good leader. Kahit mayaman ito at boss na ay nagtatrabaho pa rin. Hindi utos ng utos lang.
Bibitawan sana niya ito ng mabilis nitong binaliktad ang posisyong ng mga kamay nila. Kinulong ng binata ang kamay niya sa palad nito. Her hand fit in his.
Bumitaw ito sa pagkayakap. "You're blushing." ngiting-ngiti nitong sabi. Napanguso siya sinabi nito.
"What?" Pasuplada niyang tanong ng mawala bigla ang mga ngiti nito. Naging seryuso ang mukha nito na titig na titig sa mga labi niya.
"`Pag ikaw hindi pa tumigil sa katitig sa mga labi ko! Tutusukin ko na ang mga mata mo!" Nawala ang tapang niya ng suklayin nito ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. She felt uncomfortable! He caress her face. From the center if her forehead he trace her hairline. Tumigil ito sa bandang sentido. Sinuklay nito ang buhok niya patalikod gamit ang mga daliri. Hindi ito bumitaw. Ginamit nito ang palad para hindi bumagsak muli ang hibla ng mga buhok niya sa mukha niya.
Their eyes meet. "Hahalikan ba ako?" Her mind panicked in the thought of he will kiss her. Yes. Hindi siya lumalabas ng hacienda nila. Hindi siya exposed sa iba`t-ibang tao. Hindi siya nakapagboyfriend kahit kailan. But she's not naive!
Her Papa provide her a resources to access the outside world. The gadgets and the net. She always updated and she always had a new one.
Ganitong situation ang napapanood niya sa mga drama series or movies sa netflix. If two people inlove with each other and locked their eyes in an inch distance. The man will eventually kiss the woman without asking!
"But we were not inlove!" kontra ng isip niya.
"Bakit lumalapit ang mukha niya?Will he kiss me? Is he inlove with me?" Eksaherada ang takbo ng utak niya dahil sa kaba at presensiya ng binata sa harapan niya.
Itutulak na sana niya ito ng marinig niyang nagsalita ang binata. Hindi na ito sa labi niya nakatitig bagkus sa noo na. "Where do you get this?" Binitawan nito ang kamay niya na hinahawakan nito at hinaplos ang marka ng sugat sa kanyang noo.
Pinalis niya ang kamay nito na nasa kanyang noo. "Where am I?" Pag-iiba niya ng usapan.Naalala niyang nahimatay siya kanina. Siguro sa halo-halong emosyon at dala ng pagod ay nawalan siya ng malay. Marahil dinala siya ng binata sa bahay nito.
Sa kulay ng pader alam niyang hindi niya ito silid. Ang kanyang silid ay halos puti lahat ang pintura ng pader. Bagamat ang pintura ng silid na kinaroroonan niya ay kulay pink. Lahat ng bagay na makikita sa silid ay may shades of pink. Nakagat niya ang labi ng mapadako ang mga mata niya sa dibdib ng binata. He wore a light pink, v-neck shirt. Mukhang nagkakamali siya sa iniisip kanina.
Mabuti na lang isipan niya lang ang nakakaalam ng iniisip niya kaya't sa sarili niya lang siya mapapahiya.
"Stop blushing while biting your lips. You awakening my seventh senses." sabi nito at tumalikod na para pumunta sa pintuan.
"It's only six!" Nakakunot noong sinundan niya ito ng tingin. "Wait!" tawag niya bago nito binuksan ang pinto. Sumunod siya rito. "I need to go home. Baka nag alala na si Papa at Mamita."
Nilingon siya nito. "Don't worry. Nakatawag na ako sa inyo and I inform them what happened. Pumunta rin ang Papa mo rito para tignan ka." pagpapaliwanag nito.
She look at him in disbelief. "Really? He didn't wake me up? Tinignan niya lang ako?You're just making a story!" galit niyang sabi.
"He let you rest." Tinaasan niya ito ng kilay. "With you alone?"
"Uhuh! With his future son inlaw." Nangingiting sagot nito.
Inirapan niya ito sabay kagat sa kanyang labi para pigilan ang inis. Isa pang pang-iinis nito'y mamarkahan na niya ng itim ang mga mata nito gamit ang kamao.
"Let me tell you again. Don't bite or pout your lips infront of me. It turned me on!" sabi nito na titig na titig sa mukha niya.
Napabilis ang hakbang niya papunta sa pinto ng marinig ang sinabi nito. Nanlamig ang mga kamay niya. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nagpanic ang utak niya ng inunahan siya nitong hawakan ang seradura at inilock ito.
Paglingon niya'y napapikit siya sa lapit nila. Heto na naman sila sa inch distance! Parang masusufocate siya sa lapit nito. Aatras pa sana siya ng maramdaman ang tigas ng pinto sa likuran niya.
"Don't ever makes a move that against my will! Babalian kita ng buto!" mahina niyang sabi na hindi tumitingin sa binata. Sa pagiging blunt nito. Natataranta na ang isipan niya kapag nagsasalubong ang mga mata nila.
"You really amazed me since the first time, I saw you. Behind your beauty and grace there's a skills that many never thought." malamyos ang boses na sabi nito.
"I always consider the word respect, Addie. Matulog ka na ulit. It's already 12 o'clock a.m. Kasama natin rito si Yaya Nanay at dalawang katulong. Ihahatid kita sa inyo bukas."
Hindi siya nakagalaw ng hinalikan siya nito sa noo. Ayan na naman ang puso niya. Nagiging abnormal na naman ang t***k nito. "Good night, Adrianna."
Gumilid siya para bigyan daan ang binata ng marinig ang pag click ng seradura. "Whose room is this?"pahabol niyang tanong. Gusto niyang malaman kung ano ang identity nito. Mukhang hindi magkatugma ang iniisip niyang bakla ito sa ikinikilos ng binata.
"For my future daughter.....with you!" nakangisi nitong sagot. Inirapan niya ito. "Talk to yourself!" Bago pa niya mailapat ang pinto ay narinig niya ang malakas na tawa nito.
Nasa huling baitang na siya ng hagdan ng may lumabas na matandang babae mula sa isang pinto.
"Good morning, ija. Gising ka na pala. Halika sa kusina at makapag-almusal na kayo." nakangiting yaya nito at ginaya siya papuntang kusina. Tatanggi siya sana ng magsalita itong muli. "Ako pala si Nanay Caring, yaya ni Alejandro mula maliit pa. Halika na sa kusina at kanina ka pa hinihintay ni Alejandro para daw sabay na lang kayo." nakangiti pa rin nitong sabi.
"Pasensya na ija. Hindi ka ba naaasiwa sa duster ko. Sobrang luwang sayo. 'Yan lang kasi ang pwede kong ipalit sayo ng dumating kayo kahapon." pagpapatuloy nito.
"Okay lang." tipid niyang sagot. Sa pagbalik niya na lamang sa pagtulog napansin na iba na pala ang suot niya.Naunahan siya ng hiya para katukin at tanungin kung sino ang nagbihis sa kanya. Kaya minabuti niya na lang na isipin na isa sa mga katulong nito ang nagbihis sa kanya. At salamat naman hindi madadagdagan ang ilang niya sa binata dahil tama naman ang naisip niya kagabi.
Pagdating sa kusina ay may nakahain nang pagkain ngunit wala ang binata. "Maupo ka muna tatawagin ko lang siya. Tinatapos lang ang pinipirmahang papeles sa susunod na project" Pagbibigay sagot ng matanda sa katanungan ng kanyang isipan.
~Alejandro Gabreil~
Mabilis siyang tumayo ng marinig ang mga katok sa kanyang silid. Alam niyang ang Yaya Nanay niya sa labas. Hinabilin niya ritong katukin siya kapag gising na ang dalaga.
"Baba na at hindi magandang pinahihintay ang magandang dalaga." nakangiti nitong sabi.
"Iyon ba ang tinutukoy ng taga-rito na aswang?Ay napakaganda naman!"mahina nitong sabi. Kasabay niya ito pababa ng hagdan kaya sapat na para marinig niya ang sinabi nito. "Mukhang nadagit na nga ang puso ko Nay! Natatawang sagot niya.
Naabutan niya ang dalagang nakatayo at nakamasid sa labas ng bintana. "Good morning." bati niya kaya napaharap ito. "Morning" matipid nitong sagot. Tinitigan lang siya nito saglit at naupo na.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Magana itong kumain. Hindi talaga ito kagaya ng mga kaibigan ng mama niya na kaibigan niya rin na pili lang ang kinakain.
Binalik niya ang mga tingin sa pagkain ng nag-angat ito ng tingin. Naramdaman yata ang mga titig niya. Hindi niya ito gustong mainis naman sa kanya at mawalan ng gana. Hindi pa naman ito nakapaghapunan kagabi.
"Bago mo ako ihatid. Pwede ba natin hanapin muna si Obeto?" narinig niyang sabi nito. "Consider it done." nakangiti niyang sagot.
Tumaas ang dalawang kilay nito na parang hindi naniniwala sa sinabi niya. "Nasa hacienda niyo na. Dinala na ni Mang Jorge kagabi. Pinahuli ko na kahapon. At tatay ni Junie ang nakahuli. Tuwang-tuwa pa ang bata dahil nakasakay sa kabayo mo." pagpapaliwanag niya. Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Ngunit panandalian lang. Nawala ito nang makitang nakatitig siya. "Thank you." mahina nitong sambit.