Chapter 10
~Adrianna~
Paglabas niya ng bahay ay inikot niya ang paningin. Malaki ang pinagbago ng lugar. Wala na ang mansion ng mga Mortillano. Napalitan na ng moderno at dalawang palapag lamang na bahay. Sa di kalayuan ay napakalaki at bagong tayong bodega na wala pa noon. May masusukal ng parte. Siguro dahil limang taon na ring walang nagfi-finance para panatilihing produktibo ang lugar. Mga matatandang punong nakatayo na lamang ang naiwang bakas ng nakaraan.
Ang dating tinitingalang lugar ng marami at kinatatakutan niya ay nagbago na. Nawala ang bangis ng atmospera nito.
"Is this your first time here?" tanong ng binata. Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse. "No, I'd been here, twice." Mapait siyang ngumiti sa binata.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. Matipid na ngiti at bahagyang tango lang ang isinagot niya sa binata bago pumasok sa loob ng kotse. Hindi na rin ito nagtanong pa ng makapasok na rin sa loob ng sasakyan.
She remembered she first step in, in Mortillano's property when she was six. Her whole family attended a party of the late Don Mortillano when everything was still at the right tract. And the second when she was seven. Her Mamita and her, fetch her dad in this place.
The time spin so fast. Kasabay ng pagbago ng oras ay pagbago ng relasyon ng dalawang hacienda.
The scene still fresh in her memories. Nasa hospital sila ng Mamita niya noon ng may dumating na tauhan nila. At sinabing sumugod daw ang Papa niya sa hacienda Mortillano. Her Dad was angry and wasted. Kinakailangan pa nilang iwan ang lolo niyang nakaratay sa hospital para puntahan ang Papa niya. Bitbit siya ng Mamita niya kung saan ito pumupunta. She was young back then. Hindi pa niya kaya ang sarili. At dahil na rin sa mga pangyayari sa buhay nila. Natatakot ang Mamita niyang iiwanan siya kahit sa katulong nila.
Tahimik ang Mamita niya habang lulan sila ng sasakyan papuntang mansiyon ngunit ramdam niya ang kaba nito. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay nitong nakahawak sa maliliit niyang kamay.
"Papa!" hiyaw niya ng makitang nakahandusay ang ama sa labas ng mansiyon. Iyak siya ng iyak habang tinatakbo nila ng abuela ang kinaroroonan nito. Mas lalo siyang naiyak ng makita ang ama na bugbog sarado at hindi gumagalaw. Ang akala niya ay wala na ito. Natigil lamang ang iyak niya ng sabihin ng abuela na nawalan lamang ng malay ang ama at magigising rin ito. Naisip niyang kung narito lamang ang Mama niya hindi sana magkaganito ang Papa niya.
Sakay na sila ng sasakyan ng tingnan niyang muli ang ama. Dadalhin nila ito sa hospital kung saan ang lolo niya. Bahagyang nakahiga ang kalahating katawan nito sa upuan habang ang ulo nito ay nakapatong sa kandungan ng abuela. Kahit nakapikit ito ay bakas ang hinagpis sa mukha nito. Tahimik namang umiiyak ang abuela habang haplos-haplos ang buhok ng ama niya.
Paalis na sila ng lumabas ang Don sa mansiyon at sumigaw na ipakukulong nito ang ama niya. Sa kanyang murang isipan umusbong ang galit niya sa matanda. Ito ang nambugbog sa Papa niya ito pa ang magpapakulong!
Sa pagdating nila ng hospital sinalubong sila ng masamang balita. Nag-aagaw buhay ang kanyang lolo. Pagkalipas ng ilang oras binalita ng doctor sa kanila na hindi na kinaya ng puso ng lolo niya. At tuluyan na itong nagpahinga. Iyak siya ng iyak dahil panay rin ang iyak ng abuela. Kahit hindi niya naiintindihan ang lahat-lahat ng pangyayari dahil sa batang isipan. Ramdam niya ang pighati ng pamilya. They were all broken.
Kinurap- kurap niya ang mga mata para mawala ang luhang sumisilip rito. It's been 20 years but the memories still stung her eyes.
Napatitig siya sa binata ng maramdamang inabot nito ang isa niyang kamay. Kinulong nito ang kamay niya sa palad nito. Matipid itong ngumiti at bahagyang pinisil ang kamay na hawak nito
"Sometimes world seems so unfair but most of the time unfairness lead us to promising and auspicious ahead. God is good!" Mahaba nito sabi at matamis na ngumiti.
Tinangka niyang agawin ang kamay sa pagkahawak nito ngunit hindi nito binitawan. Nagmamaneho itong isang kamay lang ang gamit. "Baka mahirapan ka." concerned niyang sabi.
But in her mind, being hold by him felt so good. It send a warm feeling through her heart. Parang may humaplos sa malungkot niyang puso at bigla na lang nalusaw ang ang sumisilip na kalungkutan.
"If this is the way to brighten your day, I'll hold your hand forever, Addie."
Nilingon niya ang binata. Ngunit hindi na ito nakatingin sa kanya. Tutok na ang paningin nito sa daan.
She scan his face. Hindi niya ito matitigan ng maigi noon dahil wala siyang pagkakataon. Palagi ito ang nakatingin sa kanya.
Gulo-gulo ang ibang strand ng buhok nitong nakatali. Mukhang hindi nadaanan ng suklay at mga daliri lang nito ang gamit bago lagyan ng tali ang mga buhok. Mapahaba o mapakalbo yata man ito ay bagay rito. Gwapo pa rin!
Mukhang natitibag yata ang pader na tinayo niya sa puso para sa taga San Rafael. She sigh then make a disapproval sound. Kinagat-kagat niya ang labi dahil sa naiisip. She needs to fix it bago tuluyang bumagsak. Hindi niya hahayaang mabagsakan ng sariling pader. Pinangako niya sa sarili hinding-hindi na siya masasaktang muli.
"Hindi siya taga San Rafael. He is just a new owner of the hacienda. Hindi lahat ng tao na nakatira sa iisang lugar ay magkatulad ang ugali." umalingawngaw ang boses ng ama sa isipan niya.
"Adrianna!" Naputol ang iniisip niya ng marinig ang pagtawag ng binata. Tinitigan niya ito ngunit hindi nito sinalubong ang mga titig niya. Instead tinignan siya nito sa rearview mirror. Maybe not her at all. Maybe he's looking at her lips?
In an instance she press her lips. Hindi niya namalayan napadiin pala ang pagkagat niya sa labi sa huling naisip. Heto naman ang corrupted mind ng katabi niya. Gumagana na naman!
~Alejandro Gabreil~
"Sucker!" iritadong sabi ng dalaga.
Napangiti siya dahil sa inis na rumehistro sa magandang mukha nito. Mannerism yata nito ang pagkagat-kagat sa labi kapag may iniisip. Hindi nito napansin ang ilang ulit niyang pagsulyap kanina sa rearview mirror. Ang layo ng tingin. Obviously she pondered again.
May pilyo siyang naiisip. He want to change the vibe inside the car.
Ilang minuto na rin silang bumabyahe. At simulang pinaandar niya ang sasakyan. Ang tahimik nilang dalawa. Simula pa lang na makilala niya ito. Ang tipid nitong sumagot at parang wala ring balak magkwento or makipagkwentuhan. Mas gusto pa nitong malunod sa lalim ng iniisip.
The woman was so quiet and distant but when she got irritated. She talked a lot more than you expect.
"Oh, Am good sucker of l. . . . .. Ahg! Hindi niya natuloy ang sasabihin. Napaigik siya sa sakit.
Bumitiw ang dalaga sa pagakahawak niya sa kamay nito. At mabilis na pinalipad ang braso papuntang tiyan niya. Hindi niya ini-expect na gagawin iyon ng dalaga. Kaya hindi nakapag handa ang mga muscle niya to firm para hindi masyadong masakit ang impact ng braso nito sa tiyan niya.
"Oh, oh!"gulat niyang sambit ng makabawi na sa sakit. He abruptly step on the brake. Lumabas na sila sa kalsada. Patungo na sa maisan ang tinatahak ng sasakyan.
Tinignan niya ang dalaga. Kalma lang itong naka-upo. . Sinalubong nito ang mga titig niya at tinaasan siya ng kilay. Mukhang okay naman ito. At ni hindi natakot na umiba na sila ng direksyon.
"Don't do that again. What if. . ." Hindi na naman niya naituloy ang sasabihin ng sumabat ito kaagad.
"Then watch your words! It's offensive!" galit niyang sagot.
"There's no offensive in sucking a lime!"
She rolled her eyeballs. "Lime, your self! Don't fool me!" Napangiti na naman siya sa nakitang inis sa mukha nito. Nawala ang pagkasingkit nito dahil sa matalim na titig nito sa kanya. "You're cute"
"You're an accident prone!" inis nitong sagot.
"Nah, I'm not! I do follow a safety protocol." defensive niyang sagot.
She hissed then she rolled her eyes again. "Then what are you? First, You fell from your horse. Muntikan na kayong madaganan ng malaking puno. And now this!"Tinitigan siya nito na parang pinipilit na pinaaamin na totoo ang akusasyon nito sa kanya.
Mas lalo siyang napangiti sa mga sinabi ng dalaga. "You stalked me, huh?" nakangising pang iinis niya sa dalaga. "Edi, gwapo ka! Hello! We have lot of cctv installed inside and outside of our property.
"Really, you see me as guwapo? So pwede na ako manligaw sa magandang binibini?" nakangisi pa ring dugtong niya.
"Bakit gwapo lang ba ang pwedeng manligaw sa maganda. Saang logic mo natutunan yan? If true love hits you. Kahit anong iwas mo. The magnetic force of true love will probably cath you and stuck you to whom you destines!" Mahaba nitong paliwanag na hindi naisip na ito ang tinutukoy ng binata.
"So that means, pwede na kitang ligawan?" seryusong tanong niya. Tinignan lang siya nito ng matalim. Then she make face bago iiwas ang paningin at itutuk sa maisan.
Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ng dalaga. Nakita niya si Mang Berting na nagsisiga sa lilim ng malaking puno. "What are they doing?"
"Lupain mo ito dapat alam mo kung anong ginagawa ng mga tauhan mo!" walang ganang sagot nito sa kanya.
"Maybe, they'll set a fire and make puff corn field."Natatawa niyang biro. Ngunit dumilim ang maganda nitong mukha. Muli'y napakagat ito ng labi. And she blink many times.
Minabuti niyang bumaba ng sasakyan. Umikot siya at binuksan ang pinto na nasa tabi ng dalaga. Nakangiting inilahad niya ang kamay. Magkarugtong ang mga kilay na tinitigan suya nito.
"Masarap daw ang grilled corn if bagong harvest. Matamis daw. Let's try." masayang anyaya niya rito.
"I tried it many times. Ikaw na lang. Hihintayin na lang kita rito." pagtatanggi nito.
"I insist. Take it as your payment of punching me." pagpupumilit niya. He wanted to divert her thought and make her feel better. Hindi niya alam kung saang banda sa mga sinabi niya ang nagpabago ng mood nito. Gusto niyang makabawi.
Gusto niyang burahin ang iniisip nito even through a short walk. True, he never tasted a newly harvested grilled corn. But it's only an alibi.
Napatanga ito sa kanya. And looked the surroundings systematically then released a deep sigh.
Yumuko siya at inabot ang lock ng seatbelt. He unlocked it and reach her hand. Again, she bite her lips. She seems reluctant.
He squeeze her hand gently. "No one will hurt you. I'm here." Siguro naisip nito ang nangyari kahapon.
Magkahawak kamay silang naglalakad patungo sa mga tauhan niyang nagpapahinga sa lilim ng malaking puno. Mag-aagahan ang mga ito sa dalang pagkain ni Mang Berting. Alam niyang maaga pa ang mga ito nagsimula para e-harvest ang mga hybrid yellow corn. The buyers in feed milling sector needs the product nextweek. Last year nang maging legal na sa pangalan niya ang lupain. Ito ang unang negosyong naisip niya dahil sa isang kaibigang may ari ng feed milling plantation. He use 20 hectares of his property for this business. Hindi naman siya nagsisisi. The business is doing good. Sinimulan niya ito last year sa pamamahala ni Mang Berting at pangalawang harvest na nila ito.
Sinulyapan niya ang dalaga. Nanlalamig ang kamay nito. She firmly close her hand in his hand.
He gave her a gentle squeeze again. Para iparamdam na kasama siya nito. At wala nang mangyayaring hindi maganda rito. Hindi na siya makakapayag.
She looked at him. He meet her gaze. And gave her, his sweetest smile.
Noong unang magtama ng paningin nila ng dalaga. At maaninag niya ang lungkot sa mga mata nito. Comfort is the first word that runs in his thought. Sa pagdaan ng mga araw na unti-unti niyang nakilala ang dalaga. It seems, he's obligue to.