Chapter 11

1835 Words
~Adrianna~ Nawala ang nararamdaman niyang tensiyon ng palapit na sila sa mga tauhan ng binata. Pinisil nito ang kamay niyang hawak. At binigyan ng assurance na ngiti. "Magandang umaga sir, maam!" bati ng mga tauhan nito ng marating nila ang pinagpapahingahan ng mga ito. "Okay pa rin ba kayo?" narinig niyang tanong ng binata. "Okay na okay sir." sagot naman ng lahat. "Laking tulong talaga ang mga makinaryang harvester, sir. Napadali ang trabaho namin. Ang dapat tatlong linggong panggagapas ay naging isang linggo na lang. At hindi na kami maghahakot ng malayuan."sagot naman ng isang lalaki. Siguro mas bata lang ng kunti sa Papa niya. His face looked familiar ngunit hindi niya matatandaan kung saan niya ito nakita. Tinignan niya ang maisan. Malawak na ang natapos ng mga ito. Sa di kalayuan may dalawang makinaryang pang harvest na kahimpil. At may mataas nang tumpok ng nakasakong mais. May parating ring ten wheeler truck. Siguro ito ang gagamitin panghakot ng produkto. "Oh halina kayo. Kain na!" sigaw ni Mang Berting. Nasa harap nito ang nakasalansan na kanin at ulam sa mahabang dahon ng saging. "Wow! Ang sarap naman Mang Berting. Salamat naman sir at kayo ang naging amo namin!" Nagsilapitan ang mga tauhan ng binata sa hapag at makikita ang kagalakan sa mukha ng mga ito habang isa-isang kumuha ng pagkain. Napasulyap siya sa binata. Masaya itong inaalok ng pagkain ang mga tauhan. "Indeed. The man posses a good heart!" naisip niya. Dahil kung ano ang kinain nilang almusal sa bahay nito ay siya ring pagkain ng mga tauhan nito. May dalawang whole grilled tuna. Sa laki nito siguro nasa apat na kilo. May tapa, isang malaking kalderong nilagang karne ng baka at may mga prutas pa. Sobra-sobra ito sa mga tauhan ng binata. Sa bilang niya sobra lamang sa dalawampo ang naroroon. "By the way. Ipakilala ko lang sa inyo ang magandang binibining kasama ko. Si señorita Adrianna Lorenzana." Sinamaan niya ng tingin ang binata dahil sa pag emphasize nito ng señorita. Wala naman siya sa kanila para tawagin siya ng ibang tao sa address na iyon. Sa labas ng kanilang hacienda. Siya at ang ibang tao ay magkatulad lamang ng antas dahil hindi nila ito mga tauhan. "Señorita kain po." alok ng lalaking nagpasalamat kanina sa binata hinggil sa makinarya. Nagsitinginan naman ang ilang lalaking may edad na sa nag-alok sa kanya. "May contact pa rin ba kayo sa kapatid mo?" Narinig niyang tanong ng isang matanda sa lalaki. Tumango ito at tumingin sa kanya. Naiilang na ngumiti ito sa kanya. "Thank you." tipid niyang sagot at inilayo ang tingin sa mga ito. Yes, galit siya sa taga San Rafael pero tinuruan naman siya ng magandang asal ng Papa at abuela niya. Gumalang sa nakakatanda. Binaling niya ang tingin sa papalapit na truck. Hindi niya magawang suklian ang mga ngiti ng mga taong kaharap niya. Kung hindi lang kinonsensiya siya ng binata. Hinding-hindi siya lalapit sa mga ito. "Ate ganda!" tili ng batang boses. Nakita niya si Junie. Nakalabas ang ulo nito sa bintana ng truck at nagsisigaw na tinatawag siya. Mabilis itong bumaba ng huminto ang truck. May bitbit itong supot. "Magandang umaga po,sir." Nakingiting bati niya sa binata. At iniuma ang nakakuyom na kamao rito. They fist-bump. "Junie boy!" "Friends na kayo?" Hindi niya alam kung sino ang tinatanong ng bata. Siya ba o ang binatang katabi niya dahil palipat-lipat ito ng tingin sa kanila. Wala pa man sa kanilang dalawa nakasagot sa tanong nito ng tumingin ito sa binata. Ngumisi ito habang nanunudyo ang mga mata. "Diba sir mas maganda sa malapitan. " sabi nito sabay bungisngis. Ginulo ng binata ang buhok nito at tumingin sa kanya. "Sobra." Ibat-ibang panunukso ang narinig niya mula sa tauhan ng binata. Pinanlakihan niya ng mata ang huli dahil sa hiya. "Halika ngang bata ka. Ang dami mong alam. Namumula na ang señorita, oh. Kumain ka na lang dito. Masarap itong karne." saway ng lalaki. "Mas masarap po itong pinadala ni Nanay dahil luto ng pagmamahal." Kasabay ng pagbungisngis ng bata ay ang pagtawanan ng lahat. Ang lalaking nagpasalamat kani-kanina lang sa binata at nag-alok sa kanya ay ama pala ni Junie. Bahagya siyang napangiti sa kapilyuhan ng bata. May pagkatulad sila ni Junie mapagbiro sa ama. "You're beautiful in that smile." Napatayo ang balahibo niya sa batok ng bumulong ang binata. Ang kapit ng bibig nito sa sentido niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga. Tinukso na naman silang muli ng mga tauhan nito. Ramdam naman niya ang pag-akyat ng dugo sa pisngi niya. Sa sobrang inis niya. At magkahawak pa rin ang mga kamay nila ng binata. Tinusok niya ang likod ng palad nito sa pamamagitan ng kuko niya. Nakagat niya ang labi para pigilin ang ngiti. Siguro nasaktan ito sa ginawa niya. Hinila nito ang kamay ngunit hindi bumibitaw sa pagkahawak sa kamay niya. Tanga ba ito o masukista. Paano nito maiwasan ang sakit kung ito mismo ay walang balak lumayo sa taong nananakit rito. "Let's get a corn and grilled. Para makauwi na tayo." mahinang sabi niya sa binata. "Ako na lang po kukuha señorita. Tapos na rin naman ako." presinta ng ama ni Junie. Narinig pala siya nito. "Saktong pang-ihaw lang po Mang Jun." tugon ng binata. "Isang piraso lang para lang sa kanya." singit niya. Tumingin ang matanda sa katabi niya. Nagtatanong ang mga mata kung sunsundin ang sinabi niya. Nakita niyang tumango ang binata. "She's a boss!" nakangiting sabi nito sa matanda. Napatitig ang matanda at ngumiti sa kanya bago tumalikod para tumungo sa nakatayo pang mga mais. Siguro tama ang Papa niya hindi lahat ng taong nasa iisang lugar ay magkatulad. Ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya, isa, dalawa o karamihan sa mga taong naninirahan rito ay may nagawang hindi maganda sa kanilang pamilya. "Feeling better?" Pasakay na muli sila ng sasakyan ng magtanong ang binata sa kanya. " Hmmm?" Magkasalubong ang kilay na binalingan niya ang binata. "Are you?"tanong nitong muli. "Uhuh." nagtataka pa ring sagot niya. "Good. Don't distruct me while driving, again. Mahal ko ang sarili ko pero mas mahal kita." Tinaasan niya ito ng kilay. "You're talking nonsense again, Alejandro!" "I mean, I care for you more than myself. Paano pa ako magpakita sa Papa mo kung magagasgasan ka?" sabi nito na titig na titig sa mukha niya. "You have such a sweetest tongue but minsan hindi na mapapaniwalaan!" sabi niya sa kawalan. "There's always a piece of truth in every jokes." he murmured. "Baby!" Nakabuka ang brasong salubong ng ama niya ng dumating sila ng binata. Sinimangutan niya ito. "Ganuon na ba ng tiwala mo sa lalaking iyan. Para hayaan mo ang nag-iisa mong anak na matulog sa bahay ng lalaking yan! Oaano kung may ginawa siyang masama? Ako ba o siya ang anak mo? " pagmamaktol na bulong niya sa ama habang magkayakap na sila. Gumanti naman ang matanda sa pagbulong. "Sooner, both! At kung may balak siya sana hindi na niya ako tinawagan para ipaalam na naroroon ka sa bahay niya. Alfonso is a good man. Trust me!" Tumingala siya sa ama and she make face. Humalakhak lang ito pagkakita sa mukha niya. "Papa!" Napapadyak siya ng paa sa sobrang inis. Ano ba ang nakita ng ama niya sa binata at sobra ang pagkagusto nito sa binata para sa kanya. "If wala kami no one will protect you. So, I won't worry too much if there's someone cares for you. Kung may kuya ka lang sana." Napatigil siya sa pagpapadyak at hinigpitan ang yakap sa ama. Maybe, her Papa longing for a son. At kay Alfonso niya ito nakikita. A man with a big heart for hacienda and for her. Napangiwi siya sa huling naisip. Bakit ba niya sinama ang sarili. Naniniwala na ba siya sa deceptive gesture ng binata? "Where's Mamita?" tanong niya sa ama pagkatapos kumalas sa pagkayakap nito. "Nasa silid nagpapahinga medyo masama ang pakiramdam." ~Alejandro Gabreil~ Napangiti siya ng magyakap ang mag-ama. Hindi man niya naririnig ang mga ito pero alam niyang nagbibiruan ang mga ito. At nang marinig ang tungkol sa abuela'y nakalimutan na nito na kasama siya. Ni hindi man lang ito lumingon sa kanya para magpaalam. "Adrianna is such a sweet daughter. Siguro sweet rin itong girlfriend." mas lalo siyang napangiti sa naisip. Siguro para mapasagot ang dalaga kailangan niyang sundin ang payo ng ama nito. Kunin ang loob ng dalaga para magtiwala ito sa kanya. Though Adrianna is so distant gagawin niya ang lahat para mapalapit ito sa kanya. He had something in his heart that discovering the Mortillano's property is just a process of what so called destiny. Two years ago, he felt liked rubbish and devastated. Pinuntahan niya ang girlfriend sa agency ng mommy niya. Ang dalaga ay isa sa mga hinahawakang modelo ng mommy niya. Balak niya itong suyuing muli. Hindi sila nagkaintindihan sa ideyang bumili siya ng property sa probinsiya at gustong manirahan roon. Nagalit ito sa kanya. Dahil iba ito sa plano nila. To construct their dreamhouse in metropolitan area. Bakit daw bumili siya ng property sa napakalayong lugar. She didn't even got there! Nasa Manila daw ang buhay nila at hindi niya iyon ipagpapalit. She rather chose her career than marrying him and live in a place with lack of sophistication. "Let's end this!" ito ang huling mga salita na binitawan ng dalaga sa pagtatalo nila. Akala niya nasabi lang nito ang lahat dahil nagtampo ito sa kanya. But his heart struck by million knives when he knew that his girlfriend is no longer in the country. Base on her mom, two days na itong nagresign sa trabaho. Ang sabi nito ay matagal na niyang alam ang balak na pagquit nito sa trabaho. But he didn't, wala itong naikwento o nasabi man lang sa kanya. That day he emailed her. Sumagot naman ito kaagad. Hindi na daw ito nakapag paalam dahil always out of reach raw ang phone niya. At totoo naman dahil walang signal ang lugar kung saan may hinahawakan siyang project. Ito ang Sta. Fe road construction na malapit sa San Rafael kung saan makikita ang hacienda ng mga Mortillano. Tinanggap raw nito ang matagal ng offer na trabaho sa America. Nagsorry naman ito sa kanya. But it can't mend his broken heart. Gusto niyang bumalik ito. Hihintayin niya ang pag-uwi nito. Kaya niyang isuko ang property para sa dalaga. So he asked her. "Is it for good or just for work?" "If my career turns good, I will stay." "Ok, Sorry too." naisagot niya lang then he signed out. Labis siyang nasaktan sa sagot ng dalaga. Ilang ulit na niyang narinig mula rito na mas mahal ng girlfriend niya ang trabaho kaysa sa kanya. Mahigit isang oras na siya sa loob ng sasakyan dahil sa malalim na pag-iisip. Hindi pa rin siya nakaalis sa harap ng Vesta Modeling Agency. Pagbuhay niya ng makina. Naagaw ang atensiyon niya ng itim MV Agusta F4CC. Isang mamahaling big bike. Nawala sa isipan niya ang bigat sa dibdib ng makita ang sakay nito. A woman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD