Hindi gaanong nakatulog si Andy. Alas-dos na ng madaling araw bago siya dinapuan ng antok. Mula nang mapanaginipan niya ang kanyang ina ay nanatili lang siyang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Iniisip ang mensahe ng yumaong magulang. Sino ang paparating na? Tutoo ba ito? Nguni't hindi superstitious na tao si Andy, at ang mga panaginip na tulad nang naranasan niya ay alam niyang gawa lamang ng kanyang isipan.
Nagising si Andy sa paulit-ulit na doorbell.
Dahan-dahan siyang bumangon at nakaramdam ng p*******t sa kanyang likuran gawa ng kanyang edad. Nag-tsinelas siya at tumungo sa pintuan.
Pagbukas niya'y mayroong unipormadong sundalo sa labas.
"Good morning, sir, akong sundo niyo," sabi nito. "Lieutenant Esguerra."
Mapungay pa'ng mata ni Andy lalo na't nasilaw sa sumalubong na araw.
"Pasok muna kayo, magbibihis lang ako," alok ni Andy.
"Antayin ko na lang kayo sa sasakyan," sabi ng tinyente.
Sa harapan ng bahay, nakaparada sa unahan ng pick-up truck ni Andy ang itim na Toyota Revo na heavily tinted, pero dahil sa liwanag ng araw, aninag n'ya na may mga nakasakay sa loob.
May commanding presence ang 30-something na si Lt. Esguerra. Maayos ang hitsura, magalang, pero may tapang at kasiguraduhan sa pananalita na alam mong hindi mo dapat abusuhin ang kabaitan niya. At sa tono ng boses niya'y alam mo ring final na iyon at hindi ka na dapat humirit pa, kung kaya't napatango na lang si Andy.
"O-okay," sabi niya, "Bibilisan ko na lang."
Tumango ang tinyente at bumalik sa sasakyan.
In less than 30 minutes ay nagawa ni Andy na maligo, magsipilyo, magbihis at magempake. At ang finishing touches niya ay maglagay ng kaunting gel sa kanyang buhok at cologne sa kanyang short-sleeved na polo.
Dala ang katamtamang-laki na maleta na may gulong at handle, kinuha niyang leather jacket na nakasampay sa upuan sa dining area, sinuot ito at lumabas ng bahay. Nang makita siya'y bumaba ang sundalong driver ng Revo at kinuha ang maleta niya't inilagay sa likuran.
Sinara ni Andy ang pintuan ng kanyang bahay, pagkatapos ay tinignan ito ng ilang segundo. Iniisip niya kung gaano siya katagal mawawala at makakabalik ng kanyang bungalow. Huminga nang malalim si Andy at naglakad tungo sa naghihintay na Revo.
Pagsakay ni Andy ay nagulat siya nang makita na may nakaupo sa loob na 20-something na babae na katabi niya sa likuran. At siya'y hindi Pilipino.
"Hello. My name is Jang-Mi Park," ngiti nito, at sila'y nagkamay.
"H-hello, I am Andy," balik naman ng private investigator.
Pleasant ang mukha ni Jang-Mi. Simple at maayos. Nakatali ang kanyang buhok at suot ay olive green military-style na jacket.
Umandar ang Revo at nilisan ang lugar. Si Lt. Esguerra ay nasa harapan, katabi ng driver.
"Excuse me. You Korean? From Korea?" tanong ni Andy sa katabi.
"Yes," ngiti ni Jang-Mi at may half-bow pa.
"What are you doing here?" nagtatakang usisa ni Andy. Hindi siya na-brief na may kasama silang Koreana na ang layunin ay wala siyang ka-id-idea.
Nginitian uli siya ni Jang-Mi.
"I am Psychic," sabi nito.
Kumunot noo ni Andy.
"Psychic?"
Mula sa harapan, lumingon si Lt. Esguerra.
"Hi-nire siya ni Colonel para tulungan tayo, sir," inform ng sundalo.
"Tulungan? Tulungan saan?" nagtatakang sambit ni Andy. "At nasaan nga pala si Colonel Laxamana?"
"Nauna na, sir, sa Callejon," sabi ng tinyente.
Kinalabit ni Jang-Mi si Andy.
"I help," sabi ng Koreana.
"Help? Yes, paanong help? How do you help?" medyo iritableng tanong ni Andy.
"I talk."
"Talk? Talk to who?"
Nilakihan ni Jang-Mi ang mga mata niya at sinabing:
"Ghosts."
Napaatras nang bahagya ang ulo ni Andy. Tama ba narinig niya? Sa rear-view mirror, napatingin si Lt. Esguerra, sinisilip kung anong magiging reaksyon ni Andy, at ito'y:
"Ghosts? Multo?" lalong kumunot noo ng private investigator.
Tumango ang psychic.
"Yes. Ghosts. Spirits!"
Napa-iling si Andy. Sa lublob niya, ano na naman ba itong napasukan ko? Ghosts na naman? Napagod siya sa kakatanong ni Jang-Mi, at bago pa siya dapuan ng migraine ay sumandal siya at ipinikit ang mga mata. Kulang pa siya sa tulog, aniya sa sarili. Tutal malayo pa ang biyahe, at inisip na baka paggising niya mamaya'y maliwanag at maayos na ang mundo. At tumigil na ang katabi sa kakadaldal.
#
Malakas ang buhos ng ulan nang magising si Andy. Sinasampal ng tubig-ulan ang bintana ng Revo. Umiihip. Ang wiper ay nasa high. Makulimlim ang kalangitan, natatakpan ng maiitim na ulap. Pagmulat ni Andy ay napabuntong-hininga siya, dahil mas dumilim pa ang mundo.
"Nas'an na tayo?" tanong niya.
"Tayabas Highway," sagot ni Lt. Esguerra.
Nilapit ni Jang-Mi ang mukha niya sa salamin ng bintana at tinuro ang bundok na bahagya nang naaaninag sa lakas ng ulan.
"Look, holy mountain!" hudyat nito.
Nakisilip si Andy, na-curious kung anong tinuturo ng Koreana at nakita ang bundok na pamilyar sa kanya.
"Yes. That's Mt. Banahaw," sabi ni Andy.
Ngumiti sa kanya si Jang-Mi, masaya na kinausap siya uli ng katabi na hindi magkadikit ang mga kilay nito. Kanina'y medyo na-offend siya nang bigla na lang siyang tinulugan ni Andy.
"Mt. Banahaw. Yes," at may half-bow pa uli.
Lumingon ang tinyente.
"Sir, taga-Callejon kayo sabi ni Colonel, 'di ba?" umpisa nito. "Kung okay lang sa inyo, tanong ko lang kung..."
Mabilis ang reaksyon ni Andy.
"Kung may kamag-anak ako doon? Tama ba?" dugtong niya sa tanong.
"Yes, sir."
"Matagal nang namatay mga magulang ko. Nag-iisa akong anak," kuwento ni Andy. "May mga malalayong kamag-anak ako sa mother side, pero 'di ko din na sila nakakausap. Binenta ko na rin ang bahay namin. Ikanga, wala na kong dahilan bumalik."
"Wala kayong kamag-anak sa father side, sir?" follow-up ng tinyente.
"Hindi tubong Quezon ang tatay ko. Wala 'kong kilala sa side niya."
Nakita ni Andy na hindi sila naiintindihan ni Jang-Mi, kung kaya't:
"Me, I have no more father and mother. I am only son. I live in Callejon," baling niya sa katabi.
"Ohhhh. You have no wife?" tanong ng psychic.
"Yes, ah, no..."
Ginamit ni Andy ang dalawang hintuturo niya't ipinagdikit at pinaghiwalay ang mga ito.
"Separate. Separated. Hiwalay,"
"Ihon!" intindi ni Jang-Mi. "Divorced. You have sons? Or daughters?"
"One daughter. Studying in U.S," magalak na sabi ni Andy, at kinuha niyang wallet at ipinakita ang litrato ni Pauline.
"She's very pretty," ngiti ni Jang-Mi.
Proud si Andy. Si Jang-Mi naman ay ngiting-ngiti, at napatitig sa kanya si Andy, tapos ay bumaling kay Lt. Esguerra.
"Ba't 'di kayo kumuha ng Pinoy na psychic?," naisip lang ni Andy. "May kilala akong psychic at ghost hunter na naka-trabaho ko dati. Magaling sila."
"May mga kinausap na din kami, sir," ulat ng tinyente. "Kaso, karamihan peke. Saka, kung foreigner, mas kontrolado natin na hindi lalabas ang balita."
Napatango si Andy.
"Ah, oo nga. Sabagay."
"Sa Callejon ba kayo lumaki, sir?" patuloy na tanong ni Lt. Esguerra.
"Hanggang High School. Sa Maynila ako nag-College."
"Kailan kayo huling umuwi ng Callejon?"
"Matagal na. 10 years ago nang ilibing ang nanay ko."
"10 years. Matagal-tagal na pala."
Tila nag-echo sa isipan ni Andy ang huling pangungusap ng tinyente, at siya'y napatitig sa labas ng bintana ng sasakyan. Tuloy ang buhos ng ulan na parang mabibilis na ala-alang nanunumbalik. Habang napapalapit sila sa Callejon, lalong lumilinaw ang mga ala-ala.
"Oo, matagal na panahon na," bulong ni Andy sa sarili.
#
Makaraan ang halos isang oras ay humina na ang ulan, at unti-unting lumiliwanag sa daan. Maya-maya'y nakita nila mula sa Revo ang provincial sign na:
You are now entering San Gallego, Province of Quezon.
At makaraan ang isa pang oras, ay panibagong sign:
Callejon.
May military checkpoint sa bungad ng bayan. Apat na armadong mga sundalo ang naka-poste rito. Pinahinto nila ang Revo at nang makita si Lt. Esguerra sa harap ay agad ding pinapasok. Nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Ang bayan ng mga nawawalang tao.
At si Andy ay hindi mapalagay.
NEXT CHAPTER: "Callejon"