NAGPAALAM si Andrea kay Phoenix na magsha-shower na muna siya habang nagluluto pa ito ng almusal. Inalok kasi niya ito ng tulong pero tinanggihan siya nito. Kaya na raw nito iyon gawin nang mag-isa. Mangilan-ngilan lang ang tao sa private resort ng lolo ni Phoenix. Hindi pa niya nakikilala ang ibang staff maliban sa dalawang laging nagse-serve ng pagkain sa kanila sa villa. Pipihitin na sana ni Andrea ang doorknob nang may mapansin siya sa may pinto. May nakatuping piraso ng papel na nakasingit sa ilalim ng pinto. Nagtataka niya iyong kinuha. HE KNEW YOUR PAST. HE KNEW YOU. Kanino naman 'to galing? Luminga-linga siya sa paligid. Mukhang kalalagay lang kasi iyon doon dahil nang lumabas siya kaninang umaga, wala pa naman iyon doon. Napalingon siya nang makarinig ng kaluskos. Lumakas ang

