Sunod-sunod na ang katok ni Phoenix sa pinto ng kwartong tinutuluyan ni Andrea pero wala pa ring sumasagot. "Andi? Are you there? Let us talk, please," aniya habang patuloy sa pagkatok. Ngunit lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ring sumasagot. Only then he realized that the door wasn't locked. "Andi—f*ck!" Nataranta siya nang mapagtantong wala roon ang dalaga. Tatawag na sana siya ng security nang matanaw itong nakaupo sa dalampasigan. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Nagpasya siya na hindi na lang muna ito lapitan doon. Humanap na lang siya ng pwestong natatanaw ang dalaga para mabantayan ito. Marahas siyang napabuga sa hangin. What's happening to him? Masyado na siyang nagiging paranoid pagdating kay Andrea. He badly wants to protect her against Daez and his men. Hindi

