"Attorney, may balita na ba sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni Congressman Gregorio Miranda, ama ni Andrea, sa kaniyang abogado at kanang kamay na si Luis. "Wala pa rin po, sir. Pero ginagawa na po namin lahat para mahanap kaagad si Andrea bago pa siya mapahamak kay Daez," sagot naman ng abogado. "Hindi siya mapapahamak kay Daez! You have to find her and get her married to Nathaniel para makalabas na ako rito!" galit na sigaw ng Congressman. Tumango-tango naman ang abogado. "Yes, sir. Dadagdagan pa namin ang mga tauhan para mas madali siyang mahanap." Naiiling na lumabas ng city jail si Luis. He needs to find Andrea as soon as possible. Kung hindi, pamilya niya ang malalagay sa alanganin. GREEN ARCHER'S FARM Maagang nagising si Nathalia kaya hiniram ulit niya ang kabayo ni Phoenix n

