“Kuya Austere!” Napasigaw si Grae nang makita ang sinapit ko. Tumilapon lang naman ako pagkatapos kong subukan na tamaan sa braso ang Grosque. Nagpagulong-gulong pa ako sa lupa bago tumama ang aking likod sa isang puno. Lintik! Napamura ako saka matalim na tinitigan ang halimaw. Nag-alangan ako. Nakampante ako dahil gawa sa bato ang mga bahay dito. Pero nang sumagi sa isipan kong walang kahirap-hirap na winasak ng isang Grosque ang bahay namin sa Gama, napuno ng takot ang aking puso para sa mga kapatid ko. Hindi lang buhay ko ang nakasasalay sa ‘kin. Kailangan naming mapatay ang halimaw na ito. “f**k, Austere! Ba’t ayaw mo pang magparamdam!” bulong kong muli habang nakatingin sa halimaw. Nang maramdaman kong bumabalik na ang aking lakas, hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumayo sa a

