CHAPTER XXIX: A Blessing from a King (Part 1)

1795 Words

Ang estruktura ng palasyo ng Nava ay walang pinagkaiba sa kadalasan na disenyo ng tahanan ng mga maharlika na nakikita ko sa pinagmulan kong mundo. May malawak na hardin sa labas at fountain sa gitna. Ang daanan ay gawa sa magagandang bato. Ang pinto ay yari sa makintab at mamahaling kahoy. Dito pa lang sa entrance ay masasabi ko nang teritoryo nga talaga ito ng hari. “Kinakabahan ka ba?” biglang tanong ni Acosta nang tumigil kami sa tapat ng malaking pinto. May dalawang guwardiya na nakatayo sa magkabilang gilid nito na tila istatuwa habang nakatingin ng diretso sa unahan. “Ayos lang ako. Kailangan mo pa ba talaga akong iharap sa Hari?” Napakamot ako sa aking batok. “Oo, baka mapagkamalan kang ispya at hindi ka na makalabas dito ng buhay,” paliwanag niya. Napatango ako. Kung sa bagay,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD